LEAH
“Ano pong kailangan n'yo, Ma'am?”
“Hmm, I have an appointment with Ms. Jean Vergara. It's urgent.” Ayoko sanang aminin pero ang ganda ng pagkakasabi ko sa pangalan niya. It sounds like a expensive clothing line. Psh.
Napakamot ang security guard sa tuktok ng ulo niya. “Ah Ma'am, wala po kasi siyang sinabi. Pinapapunta po ba niya kayo?”
“Like I've said, it's urgent.” I pull out my one million dollars smile to him. “Let me in, kailangan ko lang siyang makausap. It's important.”
Sa itsura nito ngayon na tila napasailalim na ng charm ko ay sigurado akong hindi na ito makakatanggi pa. “Ano nga po pala ang pangalan ninyo?”
“Leah Delgado, a CPA and young entrepreneur from Manila.”
I know na hindi na dapat iyon lumabas sa bibig ko bukod sa pangalan ko na siyang hinihingi niya. I just can't help it. Kasunod na iyon ng maganda kong pangalan eh. Mind your own business na lang. I love to brag about it anyway.
Muling napakamot ang guard habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa nakasaradong main gate ng hacienda ng mga Vergara. “Eh Ma'am, kaano-ano po ba kayo ni Señorita Jeanette?”
Napahigpit ang hawak ko sa manibela ng kotseng dala ko. He's asking a lot of questions. Mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan? I already stated my name! Hindi naman ako gagawa ng masama sa loob. Kailangan ko lang makausap ang bruhang señorita nila. Psh! I don't even like to hear such title next to her name. Hindi bagay.
“I'm a childhood friend of hers.” Napangiwi ako sa isip ko pagkasabi ko no'n. Childhood friend. Really, Leah?
“Pasensiya na Ma'am, ah. Ako po kasi ang mapapagalitan kapag nagpapasok ako nang hindi nila alam eh. Balik na la---”
“Are you serious?” I can't help but utter in annoyance. Pinaghintay niya ako nang ilang minuto kanina at nakailang busina pa ako bago siya dumating. Gusto ko na ngang sagasaan ang gate nila dahil sa pagkainip eh. Hindi lang iyon! Ang dami niya pang tanong tapos hindi naman pala ako papapasukin? The audacity!
Hindi ko na natago ang inis na pumaskil sa maganda kong mukha. Ugh! I think nasisira ang poise ko.
“Ma'am, pasensiya na po pero gano---”
Hindi ko na narinig ang walang kwenta nitong sinasabi nang may bumusina nang malakas mula sa likuran ng sasakyan ko. Mula sa naaawa nitong mukha ay biglang gumuhit ang isang masayang ngiti rito bago dali-daling tinakbo ang kotse na kadarating lang. Sinilip ko ito sa rearview mirror at doon ko nakita ang magiliw nitong makikitungo sa nakasakay roon.
What the hell?
May favoritism? Bakit, sino ba 'yong nasa kabilang sasakyan? Just make sure na mas importante siyang tao because that's a big slap to me.
Hindi ko naman gustong pumunta rito in the first place. I just want to help my Mom. Binalita niya kasi sa mga kasamahan niya ang kondisyon na ibinigay sa kanila ni Don Leviticus noong nag-usap sila last night. I overheard their conversation. Kayang-kaya ko naman 'yon gawin kaya bakit ko pa siya pahihirapan? Then that's it. That's why I'm here. Ang malas lang dahil naharang ako. I thought it would be easy to enter their estate again just like yesterday.
“Ma'am, makakapasok na po kayo.”
My senses go back to the reality when I heard the guard's voice. Tiningnan ko ito sa gilid ko pero wala na ito roon. Pagkatingin ko naman sa unahan ay nakabukas na ang gate at minosyon nito ang kamay para paandarin ko papasok ang sasakyan. And I did. My pride didn't win to maneuver the car away but get inside instead.
BINABASA MO ANG
Runaway Heiress [ONGOING]
Romance"You can't boss me around here, this place is my territory." Pagkatapos madurog nang paulit-ulit sa pagmamahal sa taong hindi siya ang gusto, nagpasya si Leah na pumunta sa probinsya para makalimot. Pipilitin niyang makausad sa pamamagitan ng pagtul...