Chapter 05

49 3 0
                                    

JEAN

It's Monday morning, kabubukas ko lang ng pinto para sana lumabas at pumasok sa trabaho nang mapatalon ako sa gulat. "Gwen? Ba't nandito ka?"

Yes, she's right in front of me. Parang balisa at wala pa nga itong magandang tulog, tapos halata rin na umiyak siya nang husto dahil namamaga ang ilalim ng mga mata niya.

"At saka, bakit may dala kang maleta?" dagdag ko pa at napakunot ng noo. "Pati si Hannie, dala mo rin? Naglayas ba kayo?"

"I left her," ang sagot niya na halos 'di ko na marinig dahil pabulong na.

"Huh?" Ang layo ng tugon nito sa mga tanong ko. "Sino? Teka, pasok ka nga muna." Ako na ang humila sa dala niyang maleta at binuksan nang malaki ang pinto para igiya ang papasok sa loob.

"I left her, Jean."

"Sino?" I asked after we sat down on the couch.

Tumaas ang tingin nito sa akin at ang tangi ko lamang na nagawa ay makipagtitigan sa namumungay niyang mga mata. "Si Coleen, iniwan ko na siya kay Kuya," paos niyang sabi bago muling tumingin sa kawalan.

Napakunot na naman ako ng noo. "Ha? Ba't mo naman iniwan ang sister-in-law mo? It's confusing, Gwen."

"She's my ex."

"Naging kayo?" hindi makapaniwala kong bulalas. Nang tumango si Gwen ay napatakip ako sa sarili kong bibig. "Woah, that's... that was unexpected."

"Iniwan ko na siya kay Kuya," she repeated as if it was the only words that running in her mind. Bakas sa mukha niya ang matinding lungkot dahil sa ibinibigay na emosyon ng mga mata nito. Hindi nagtagal ay meron nang bumagsak na luha mula roon at bumaba sa kaniyang pisngi. Mabilis niya iyong pinunasan gamit ang kamay niya. "Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, sobrang mahal ko pa rin si Coleen."

I closed the gap between us, niyakap ko siya at marahang hinaplos sa kaniyang likod. "Cry all you want until the pain fades away, magiging maayos din ang lahat," was all I said to comfort her.

Time heal all wounds, ika nga. At alam ko na malalampasan niya rin ang lahat ng mabibigat na dinadala niya, at gusto ko habang ginagawa niya iyon, nakaantabay ako bilang suporta.

"Kay Leah dapat ako pupunta but she's not here, mabuti at nandito ka, Jean. Thank you," Gwen muttered despite the fact that she's still sobbing in my shoulder. Suminghot ito nang ilang beses bago kumawala sa bisig ko. "Puwede bang dito muna ako? Wala kasi akong matirhan sa ngayon, eh. Hindi rin pupuwede kina Venus dahil wala siya sa kanila."

Mabilis akong tumango bilang pagpayag. "Walang problema sa 'kin, Gwen. You can stay here whenever you want, wala rin naman akong kasama."

That's true, mag-isa lang ako na tumitira rito sa unit na nakuha ko. Hindi rin naman kasi kalakihan kaya 'di na ako nag-abala pang mag-roomate, pero hindi rin naman 'to maliit para magpatuloy ng isa pang tao. At saka hindi na iba sa akin si Gwen, she's my friend after all. I should give her my hand for a help, especially right now na naglayas nga siya.

"Pareho na pala tayo," naisatinig ko nang maisip ko ang pagkakapareho namin ng sitwasyon. Tumingin kami ni Gwen sa isa't isa bago ako muling nagsalita. "We runaway to our loved ones---so aside from being an accountant, we're now have a same life crisis." I tastes the bitterness in the tip of my tongue as I laughed at our current situation. Nang silipin ko ang reaksyon ni Gwen ay napaseryoso akong muli ng mukha. "Sorry, kino-comfort nga pala dapat kita."

"You runaway?" Tipid na napatango ako ng ulo nang magtanong ito. Mukhang ito na yata ang tamang oras para ikuwento ko ang background ko sa kaniya. Nagpunas ng pisngi si Gwen bago marahang ibinaba sa sahig ang mahimbing na natutulog na pusa. Muli siyang tumingin sa akin nang makaupo siya nang kumportable. "I don't know anything about you, Jean. Saan ka ba talaga nanggaling?"

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon