LEAH
"Ang tagal naman yatang bumalik ng babaeng 'yon?" bulong ko sa hangin habang nakasandal sa sopa.
Halos kalahating oras na siyang nasa labas, tinatamad na ako rito sa cabin dahil wala akong makausap. Hindi ko pa natutuloy iyong tanong ko sa kaniya. I was about to ask if she has someone in her mind that she suspects that wants to kill her.
I sighed and left my seat. Bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas pero nakailang pihit ako sa doorknob at hindi pa rin ito bumubukas. Damn that woman. Sinaraduhan na naman ako!
Wala akong choice kung hindi ang pumunta sa backdoor dahil iyon ang naiwang hindi nakakandado kanina. Muli kong idinikit ang sliding door nang makalabas ako. I was whistling and enjoying the view while walking down when I heard the splash of the water. Agad akong napatingin sa pool at doon natanaw ang pigura ng tao na nahulog sa tubig.
The hell.
Muli akong pumanhik sa mababang hagdan para lumapit doon. "Hey, who are you?!" Nakatalikod ito sa akin at nahihirapang paangatin ang sarili sa tubig. Napakunot ako rito ng noo. "Marunong ka bang lumangoy?" I received a gasp instead of yes or no. Bigla akong naalarma sa realization na hindi ito marunong. Napamura ako at saka tinalon ang tubig para ahunin ito. "The heck, Eldric?! Bakit ka lalangoy sa pool kung hindi ka naman pala marunong?!" I hissed in annoyance and squeeze my shirt. Basa na ang buong damit ko, wala pa naman akong pamalit.
Pag-ubo lang ang tanging sinagot nito sa akin kaya mas lalo akong nainis. If he didn't get lucky and he died because of drowning, baka ako pa ang masisi dahil ako lang ang nandito. Idadamay niya pa ako sa katangahan niya.
"Ano, ayos ka na ba?" maya-maya'y tanong ko nang matigil siya sa pag-ubo.
Hinihingal ako nitong tiningnan. "I was... I was slipped. Thanks for saving me."
Napaiwas lang ako ng tingin at pumasok ulit sa loob ng cabin. I don't want to touch the things that aren't mine but we need towels. Kumuha ako sa walk-in closet ni Jean ng dalawang tuwalya at saka muling lumabas. Binato ko kay Eldric ang isa bago ko pinunasan ang sarili ko.
"I'm sorry, Leah. Nabasa pa tuloy 'yong damit mo," nahihiya nitong sambit habang nakabalot sa kaniya ang tuwalya. "Huwag kang mag-alala, ihahatid nalang kita pauwi sa inyo para makabawi ako."
"No need," I nonchalantly replied as I dried my hair. Akmang tatanungin ko na sana ito kung hindi ba talaga siya marunong lumangoy sa edad niya nang biglang sumulpot ang babaeng kanina ko pa hinihintay bumalik.
"Anong nangyari sa inyo?"
Inirapan ko ito bago naupo sa mahabang upuan na naririto. Ang hilig niya rin talaga na tanungin pa ang obvious. Imposible rin naman siguro na hindi niya alam na hindi marunong lumangoy ang kaibigan niya.
Rinig ko ang usapan nila nang ikuwento ng lalaki kung bakit siya nag-end up sa pool. Nagulat daw siya nang makita ako na naging dahilan ng pagkakadulas niya. Ako pa pala ang may kasalanan.
Of course, me being me, hindi ako papayag na ako ang masisi sa nangyari. It's because of his stupidity, nananahimik lang naman akong naglalakad kanina.
Tumayo ako at nilapitan ang mga ito. "It's not my fault, okay? Katangahan mo 'yon kaya huwag mong isisi sa 'kin."
"Hindi ka naman niya sinisisi, Leah."
"Hindi diretsa pero ganoon na rin 'yon," I fired back. Wala naman na itong sinabi kaya napangisi ako. Kita ko pang napaiwas ng tingin ang lalaki nang mabalingan ko. "Anyway, pahiram ako ng damit, wala akong dalang extra. Baka magkasakit ako kapag hindi ako nagpalit agad." Sumamá ang mukha ni Jean pero hindi ko siya pinansin at tinaasan lang ng kilay. Wala na itong nagawa. Narinig ko pa nga ang inis na pagpalatak nito bago tumalikod. Bago pa ito magmartsa papasok sa cabin ay nagpaalam pa akong lalangoy na rin saglit dahil sayang naman kung hindi.

BINABASA MO ANG
Runaway Heiress [ONGOING]
Storie d'amore"You can't boss me around here, this place is my territory." Pagkatapos madurog nang paulit-ulit sa pagmamahal sa taong hindi siya ang gusto, nagpasya si Leah na pumunta sa probinsya para makalimot. Pipilitin niyang makausad sa pamamagitan ng pagtul...