LEAH
"Nakita n'yo po si Jean? Nasaan po siya?" tanong ko kay Manang Opel nang makasalubong ko siya sa sala ng main house.
"Hindi ba't siya ang naghatid ng pagkain ninyo ni Sir Eldric? Hindi ko pa siya nakita ulit pagkatapos no'n, Iha. Baka nasa cabin na."
"Sige po, Manang. Salamat."
Lumabas ako ng main house at nilibot ang tingin sa kalawakan ng lawn nila na nasa harapan ko. Wala ito sa fountain kung saan siya madalas umupo. Wala rin akong matanaw na naglalakad. Nasaan kaya ito? Gusto ko lang naman siya kausapin tungkol sa nangyaring dinner.
"Huy, Eya."
"Shan," I acknowledge her presence. "Ba't 'di ka pa natutulog?" Ang alam ko kasi ay nauna na silang kumain kanina. Hindi lang ako sumabay dahil nag-aya ngang mag-dinner si Eldric.
"Tinulungan namin si Sir Eldric eh. Ay, ano nga palang nangyari? Parang ang bilis naman yatang natapos 'yong date ninyo?" Kunot-noo niya pero halatang intriga.
"It's not a date." Inalis ko ang tingin sa kaniya para muling hanapin si Jean sa paligid. Wala pa rin akong makita. Baka nga nasa cabin na siya at magpapahinga na.
"Okay, e'di hindi date. Pero ano ngang nangyari?" isyoso pa ni Shan at hinarang pa ako sa hagdan nang akmang baba na ako.
"Basted," simple kong sabi.
"Weh? Bakit?!"
"Tone down your voice. Gosh, gabi na sumisigaw ka pa." Napahilot ako sa sentido.
"Sorry. Hindi lang ako makapaniwala. Si Sir Eldric na 'yon ah. Daming naghahabol do'n tapos binasted mo lang?"
Napaikot ako ng mga mata sa narinig. "I don't care, Shan. Kahit siya pa ang anak ng presidente o habulin pa siya ng mga naggagandahang babae. I still don't like him."
"Hindi pa naman magiging kayo eh, kikilalanin n'yo pa naman ang isa't isa. Pero sabagay, kapag hindi mo rin gusto ang tao mas mabuting itigil nalang agad kaysa paasahin mo pa." Doon ay nawala na ang pagkunot ng noo niya. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha nito at saka ako bahagyang sinundot sa tagiliran. Mabuti nalang at wala ako roong kiliti dahil baka natulak ko siya sa gulat. "Oh baka naman, may iba ka nang natitipuhan?"
I furrowed my brows and hissed. "I'm here to move on, Shan. As much as possible ayoko na munang mahulog ulit. Sige, may pupuntahan pa ako. Matulog ka na. Goodnight."
"'Oy teka! Eya!" pigil niya pero bumaba na ako at dire-diretsong naglakad papunta sa cabin. Hindi naman ito sumunod kaya matiwasay akong nakapaglakad.
I pressed the doorbell and waited outside but no one's opening it. Napakunot ako ng noo. "Tulog na ba siya?"
Inulit ko ang pag-doorbell at muling naghintay pero gano'n ulit, walang nagbukas. Napatitig nalang ako sa pinto at napabuntong-hininga. Fine, bukas nalang. Kaya ko namang maghintay. Hindi rin naman ako nagmamadali.
~•~
Tok! Tok!
Tok! Tok!
"Shit!" anas ko nang bigla akong mapamulat dahil sa ingay sa pinto. Nang tanawin ko ang bintana ay may liwanag na na nagmumula roon. Bumalikwas ako ng bangon at hinagilap ang cellphone ko sa lamesa.
Hindi ko maiwasang mapahilamos ng mukha nang makita ko ang oras. It's already 9:11 AM. Late na kami ni Shanen sa trabaho.
Tumakbo ako sa banyo at saka naligo nang mabilisan. Bente minuto rin ang tinagal ko. Pagkatapos ko magbihis at makapag-ayos ng sarili ay saka ko lang binuksan ang pinto ng kuwarto. Bumungad sa akin ang mukha ni Shanen na halatang kanina pa naghihintay.
BINABASA MO ANG
Runaway Heiress [ONGOING]
Romantik"You can't boss me around here, this place is my territory." Pagkatapos madurog nang paulit-ulit sa pagmamahal sa taong hindi siya ang gusto, nagpasya si Leah na pumunta sa probinsya para makalimot. Pipilitin niyang makausad sa pamamagitan ng pagtul...