Chapter 38

35 1 0
                                    

LEAH

“Shut up, Shan!” inis na saway ko sa kaniya dahil kanina pa ito panay ang asar sa amin ni Eldric sa mall. Pati ba naman dito sa bar ay nang-aasar pa rin siya.

“Eh kasi naman bagay talaga kayo eh. Bakit kasi hindi mo nalang hayaan na manligaw siya sa 'yo?”

“Paulit-ulit tayo,” medyo inis kong sabi dahil kanina pa talaga siya tanong nang tanong. Iisa lang yata ang script niya. Pero mukhang lasing na rin kasi ang babaeng ito dahil halos isang oras na rin kaming nandito.

Pagkatapos kasi namin mamili ng mga damit at iilang gamit kanina ay gumala kami. Nadaanan lang namin itong bagong bukas na bar habang pauwi kaya sinadya na rin namin dahil free drinks at hindi pa naman kami pagod.

“Eh sa bagay nga kas---”

“Shhh!” Hinarangan ko ng daliri ang bibig nito dahil naririndi na ako sa sirang plaka niyang bibig. Ganito pala ito kapag nalasing. Nakakairita. Kung wala lang akong pakialam dito ay iniwan ko na siyang nakalubog sa pool. “Uuwi na tayo kapag bumalik na si Eldric. Huwag ka nang magsayang ng laway.”

Hindi naman na ito umimik at siya na mismo ang naglagay ng daliri niya sa bibig habang tumatawa. Napapailing nalang ako at saka in-adjust ang pagkakasandal niya sa akin. Inayos ko rin ang skirt nito na medyo nalilihis dahil maraming lalaki sa paligid na kanina pa napupunta sa amin ang atensyon.

“Hello, miss. May hinihintay kayo?”

At may sumulpot na ngang kabute.

Napaikot ako ng mga mata at iniwas ang tingin dito. Hinanap ko si Eldric sa paligid dahil baka bumalik na siya. Saglit kasi itong nagpaalam na lalabas dahil may tatawagan siya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik.

“Miss, ang sungit mo naman.”

I gave the guy a deadpan look. “I dislike you so go away now before my knuckles meet your damned face.” Nakipagtitigan pa ako rito hanggang sa ito na ang kusang bumitaw at piliin nalang na umalis.

“Gusto ko 'yan, pakip---Argh! Aaahh! Gago! Pvtangina!” Malakas na daing niya nang walang ano-anong ibato ko sa mukha niya ang baso. Rinig ko pa ang pagtunog no'n nang tumama sa buto ng ilong niya. Pati ako ay napangiwi dahil ang sakit no'n sa totoo lang. “Walang hiya kang babae ka! Alam mo ba kung sinong binabangga mo?!”

“I don't give an ounce of interest to know someone as stupid as you. Wala talaga akong hiya kasi ba't naman ako mahihiya?” I smiled sweetly to annoy him more. Hindi ito nakaimik pero halos maputulan na ng ugat sa sobrang pigil ng galit. Tinuro ko iyong bote na nasa lamesa nang hindi pa rin ito umaalis. “Ano, hihintayin mo pa bang ibato ko sa pangit mong pagmumukha itong bote na 'to?”

Dali-dali naman itong tumakbo paalis nang akmang aabutin ko na ang bote kaya natawa ako. Naabutan ako ni Eldric na gano'n kaya nagtataka ako nitong tiningnan.

“Anong nangyari? May narinig akong nag-aaway. Dito ba 'yon?”

“Don't mind it. Let's go. Tulog na si Shanen.”

Pagkarinig nito no'n ay tumalima siya palapit sa amin para tulungan akong akayin si Shanen. “Sorry, natagalan. Okay lang ba 'yong balikat mo?”

I just moved my hand to wave it off. Ang oa naman kung sumakit agad ang balikat ko. At saka maliit na tao lang naman si Shanen. Hindi naman na ito nagsalita at pareho nalang namin itong inakay papunta ng sasakyan. Sumalubong agad sa amin ang dalawang bodyguard pero sumenyas lang ako na ayos na.

Sa backseat kami naupo habang sa driver's seat naman si Eldric. May sasabihin pa sana ito pero sinabi ko na magmaneho na siya pauwi kaya hindi na rin niya nasabi.

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon