JEAN
“I know why you both showed up tonight.” Naglalaro ang ngisi sa mukha ni Lolo Levi habang pinagmamasdan sina Tito Elijah at Tita Amelia. “The election is coming again next year and you two are after my endorsement, aren't you?”
Kita ko ang pagkataranta sa kilos ng lalaki habang nanatili namang nakatuwid ng upo ang babae. Doon pa lang ay pansin ko na ang kaibahan nila. And I'm not siding any of them. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako pinaupo rito kasama sila eh wala naman akong kinalaman sa kung anumang pag-uusapan nila.
Hindi na rin bago sa akin ang ganito. Kadikit na talaga ng pamilya namin ang politika. They usually need our family to endorse their party.
“Silence means yes.” Lolo chuckled. Napunta sa akin ang paningin nito. “I'll endorse the party who can convince my granddaughter.”
My eyes went wide. Napaayos ako bigla ng pagkakaupo. “Lo, bakit ako? I know nothing about politics. And convince saan?” Bakit ba siya nanggugulat palagi? Hindi niya man lang ako inabisuhan.
“Kung sino ang iboboto mo sa kanila, iyon ang i-endorso ng pamilya natin.” Nagawa pa nitong ngitian ako na para bang pareho kaming natutuwa sa pasya niya.
“So dapat maaga pa lang ay alam na nitong si Jeanette kung anong partido ang iluloklok niya sa tuktok?” Natawa si Tito Elijah. “Bakit siya pa ang kailangan naming kumbinsihin? As if she know how to choose a right decision. I remember how she preferred to live in Manila than living here, if I were her, mas pipiliin kong sundin ang tradisyon ng pamilya namin kaysa ang lumayo. Doon pa lang, hindi ko alam kung marunong siya magdesisyon nang tama.” At saka ito muling tumawa na insulto ang dating sa akin. Napatiim-bagang na lamang ako at napaiwas ng tingin.
“Exactly, Elijah. Siya ang perpektong paraan para magkaroon ng matinong leader ang lugar na 'to. I'm sure that she will choose the best party, and I believe that this city would be great again through that decision.”
Napasinghap ako nang biglang napatayo nang marahas sa kaniyang upuan si Tito Elijah. Halos umurong ang isahang sopa sa paraan ng pagtayo nito. “Sinasabi mo ba na hindi maayos ang pagpapatakbo ko sa lungsod na 'to, ha, Ninong?!”
“Frankly speaking, compared to the last terms of Ybanez, yes you weren't managing this city that well.”
Bago pa makasagot muli si Tito Elijah ay umawat na kami ni Eldric na siyang nandito rin. Hinawakan nito sa braso ang ama niya pero tinabig lang nito iyon habang ako naman nakatayo lang sa gilid ni Lolo.
“Dad, enough. This is supposed to be peaceful.”
“No,” mariin na sambit ni Tito Elijah. “They insulted me.”
“Your son is right, this is supposed to be a peaceful meeting, Elijah. You insulted my Jeanette and I insulted you, I think it was fair enough to resume our discussion,” pagpapasensiya na lamang ni Lolo bago isinandal ang likod sa kinauupuan niyang couch.
I know my Lolo well. Hindi niya hahayaang insultuhin ang pamilya niya, lalo pa nang harap-harapan. If only I have enough courage to defend myself, gagawin ko. Pero Mayor kasi si Tito Elijah at ginagalang ko rin siya bilang ama ni Eldric, nangingibabaw pa rin ang respeto sa akin.
“Fine,” labas sa ilong na sang-ayon ni Tito bago labag sa kalooban na muling umupo. “The election is not that near though, we still have enough time to convince the successor to get the endorsement. Hindi naman 'yon ganoon kahirap. I'm sure Jeanette will choose the best and when we say the best, it spells my name.”
Sa mga ganitong pagkakataon ko talaga naiisip ang pagkakaiba ng ugali nilang mag-ama. Kahit minsan ay may topak si Eldric, mabait naman siya. Pero itong si Tito Elijah ay nasobrahan talaga sa yabang pagdating sa sarili niya. Mabuti na lang at hindi iyon namana ng kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Runaway Heiress [ONGOING]
Romance"You can't boss me around here, this place is my territory." Pagkatapos madurog nang paulit-ulit sa pagmamahal sa taong hindi siya ang gusto, nagpasya si Leah na pumunta sa probinsya para makalimot. Pipilitin niyang makausad sa pamamagitan ng pagtul...