Chapter 01

106 6 0
                                    

LEAH

“Ay, naliligaw po kayo, Ma'am!”

I bit my lip to hide my frustration dahil panglimang beses na iyong sinagot sa akin ng mga pinagtatanungan ko. Sa totoo lang, nag-uumpisa na akong mainis at sumuko dahil isang oras na akong paikot-ikot dito. Nasaan ba talaga rito ang bahay ni Mommy? O tama man lang ba itong pinuntahan ko?

“Sa pagkakaalam ko kasi, naroon pa sa kabilang baryo ang hinahanap mo. Magtanong-tanong ka na lang paglapas mo riyan sa palengke, may mga nakahilera riyang mga tricycle at sigurado akong masasagot ka nila,” ang sagot muli ng Ale sa akin.

I nod my head with a smile. “Sige po, maraming salamat.” Muli kong itinaas ang windshield ng sasakyan para muling paandarin ang makina.

Gaya ng sinabi ng babae, mayroon akong nakitang palengke at isang hilera ng mga pampublikong sasakyan. Hindi na ako bumaba at inilapit ko na lang ang kotse sa harapan ng isa sa kanila kung saan sasakto ang bintana.

“Kuya, puwede pong magtanong?” tanong ko sa lalaking nasa 30s na yata ang edad.

Hindi ito nakaimik agad dahil mukhang lumutang muna ang isip niya habang nakatitig sa mukha ko. Seriously, hindi pa ako naglalagay ng kahit na ano sa mukha niyan, ah. I clapped my hands to get his attention.

“A-Ano ho iyon, Ma'am?”

“Saan ko po makikita si Councilor Amelia Vicente?” Ipinakita ko pa ang litrato ni Mommy dahil baka hindi niya ito kilala at baka malayo pa ako sa lugar na sakop niya.

“Ah, si Manang Amelia!” kumpirma niya sa nakita at itinuro ang kalsada. “Lumiko ho kayo riyan, Ma'am, tapos diretso hanggang doon sa dulo. Kakanan ka ho roon sa lumang bahay tapos diretso lang ulit hanggang sa may makita kang gate na pula at iyon na ang bahay niya.”

Tumango-tango ako kahit na medyo hindi ko nakuha ang iba niyang sinabi dahil ang bilis ng pagsasalita niya. Muli kong itinago ang litrato sa aking wallet. “Sige po salamat, Kuya.”

“Eh, walang anuman ho 'yon. Kilalang-kilala ko naman 'yan si Manang Amelia eh,” sagot nito at nginitian ako nang malawak. Napangiti rin ako. “Kamag-anak ka ho ba niya? Kung gusto mo, puwede kitang samahan do'n.”

“Anak po ako ni Amelia Vicente.” Ewan ko ba, alam ko naman na puwedeng hindi ko na iyon sagutin pero kusa na lang iyong lumabas sa bibig ko. Wala rin namang mali sa sinabi ko kaya ayos lang din dahil ikinagulat din iyon ni Kuya in a good way.

“Talaga ho?” he asked heartily and I just nodded with a smile.  “Kaya pala ang laki ng hawig kayo ni Manang, eh!”

“Pasama na lang po ako, okay lang?” Tumango-tango naman ito bilang pagpayag sa akin. “Susundan na lang po kita sakay ng tricycle n'yo, babayaran ko na lang din po kayo pagkatapos.”

“Kahit wala ng bayad, Ma'am. Panigurado may magiging pasahero rin ho ako roon.” Nakangiti nitong sinakyan ang tricycle niya bago huminto sa harapan ng sasakyang dala ko at bumusina nang malakas na parang hudyat na aalis na kami.

Madali ko lang na naiparada ang kotse sa isang tabi kung saan maaari naman daw okupahin. Hindi rin iyon kalayuan sa sinasabing lote ni Mommy na siyang nilalakad na namin ngayon ng kasama kong lalaki. Nang makarating kami sa harapan ng bahay ay siya na rin ang pumindot ng doorbell sa gate nito.

Naghintay kami nang ilang sandali hanggang sa bumukas na nga ang gate at lumabas ang isang babae na tila hindi nasisinagan ng araw. She has a milky skin na namumula-mula na ngayon gawa ng sinag ng araw.

“Anya ti kasapulam yu?” (Ano po ang kailangan n'yo?)

“Ma'am Rihan, may naghahanap po kay Manang Amelia,” sagot ng katabi ko dahilan para mapatingin sa akin ang babae. Mabuti na lang talaga at si Kuya ang sumagot dahil hindi ko iyon naintindihan.

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon