Chapter 06

47 3 0
                                    

JEAN

"Good mor- Oh! Aalis ka?"

Ngumiti ako sa babaeng magandang bungad sa umaga, si Gwen na siyang nakatayo sa bukana ng kuwarto ko. "Yup, pero tomorrow pa naman ang flight ko."

"Sa'n punta mo?" tanong nito ulit. "Nakapag-file ka na ba ng leave kay Boss?"

"May sakit daw si Lolo sabi ni Eldric kaya kailangan kong umuwi sa Tugue." Isinara ko ang maleta at itinabi ito sa gilid ng kuwarto bago siya muling hinarap. "And yes, nakapagpaalam na ako kay Mr. King noong Friday."

"Kay Mr. King ka pa talaga nagpaalam ah. Bakit hindi ro'n sa pinsan ni Leah? Para diretso leave ka na talaga sa KBG." Natatawang hinapit ako ni Gwen sa bewang para yakapin at halikan sa pisngi. Napailing na lang ako. Ewan ko ba sa babaeng 'to, mula nang dito siya tumira kasama ko ay palagi na siyang nakayapos sa 'kin na parang koala. Not that I'm complaining tho. "Mami-miss kita nang sobra, Jeanette Callie Malinday Vergara."

Tinulak ko siya sa noo gamit ang dalawa kong daliri kaya panay na naman ang tawa nito. "Masyado ka na yatang nasiyahan sa pangalan ko, wala talagang araw na 'di mo binabanggit nang buo eh 'no? Aba, ang sweet mo talaga!"

"Mas sweet ka pa rin," she fought back after niya magsawa sa kakatawa. "Nga pala, si Leah 'di ko na nakakausap. Ano na kayang nangyari ro'n?"

"Baka kinain na ng pating."

"Baliw!" Tumawa na naman nang walang humpay si Gwen at napaupo pa sa kama ko. Hindi ko tuloy mapigilang matawa na lang din sa sarili kong joke. Hays. "Pero seryoso, Jean, kumusta na kaya ang isang 'yon?" she said after awhile. Nagkibit lang ako ng balikat dahil wala naman akong ideya para sagutin ang tanong niya.

Akala ko ay tapos na sa pagtatanong si Gwen pero may lumabas na naman sa bibig nito.

"How much do you care for Leah?" Tumaas ang kilay nito nang tingnan ko siya nang makahulugan.

"Ba't siya na naman ang topic natin?" tanong ko at 'di maiwasang mapangiwi. Kahapon kasi ay nagtanong na 'to about din sa babaeng 'yon. Ang hilig niya akong tanungin eh wala naman akong pakialam sa taong 'yon. Kahit nga 'wag na siyang bumalik ay ayos na ayos sa akin.

"Friendship test lang naman, Jean. I-rate mo na sa one to ten." Gwen wiggle her eyebrows.

"Point five," I simply said and walk towards the door. "Tara, kain na tayo."

"Grabe. Bakit naman point five?"

"Kailangan pa ng reason? Akala ko ba i-rate lang?" balik na tanong ko bago sumenyas na lumabas na kami.

"Bigyan mo kasi ako ng whole number," pamimilit pa niya habang naglalakad papunta sa gawi ko. "Kung ako ang tatanungin, 10 out of 10 ang care ko for Leah."

"Siyempre best friend mo, eh."

"Friends din naman kayo, ah."

"'Di mo sure," pang-asar kong sabi at nauna nang lumakad patungo sa kusina. Ramdam ko naman ang presensiya nito sa likuran ko na sumusunod sa akin. "Mainit ang dugo n'on sa 'kin, Gwen. If she were to ask that question, baka point 000001 ang sagot no'n." I laughed because I'm so sure about it.

"Sabagay, quits lang kayo."

Napailing na lang ako, even her best friend agreed to me. Hays, Leah.

+++

"Jean, pasalubong ko ah! Huwag mo sanang kalimutan," pahabol muli ni Venus matapos ko silang yakapin isa-isa.

Present ang tatlo para ihatid ako rito sa airport, and when I say tatlo, sina Gwen, Venus, at Rona ang tinutukoy ko. Asa namang nandito si Leah eh nasa probinsya nga 'yon at nagmo-move on. At kahit naman nasa maynila pa siya, siguradong-sigurado ako na 'di ko makikita ni anino niya rito para maghatid.

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon