LEAH
“Yohoo, earth to Eya.” May kasamang palakpak ni Shanen sa tapat ng mukha ko dahilan para mabalik ako sa reyalidad. “Ayan, nandito ka na ulit. Kumusta?”
I hissed but she just laugh at me. “Huwag mo nga akong tawanan.”
“Sorry. Ano ba kasing iniisip mo?”
“Wala,” tanggi ko at bumaling sa harapan kung saan naroroon ang drayber. “Bakit parang ang tagal nating bumabyahe? It's already 10:20 pero hindi pa tayo nakakarating sa LVB.”
“May aberya po sa unahan, Ma'am, kaya bumagal ang usad ng mga kotse.”
“Okay,” was all I said because I can't do anything about it. Hindi na talaga mawawala ang aberya sa kalsada. Mabuti na lang at hindi kami nadamay.
“Eya, tumatawag Mommy mo.” Abot sa akin ni Shanen ng phone na siyang kinuha ko para sagutin ang tawag.
“Hi, Mom.” Napangiti ako nang kaunti mula sa mga iniisip ko. “Do you need anything?”
“Nasaan ka ngayon, Darling?”
“Car, on the way to LVB. Bakit po?” balik kong tanong at inilipat sa kabilang tainga ang cellphone para tumingin sa bintana. Saktong nadaanan namin ang naiwang kotse na nabangga sa concrete barrier. The front of the car was destroyed. Sira ang salamin nito kung saan mukhang dumausdos ang driver dahil sa impact. Napaiwas ako bigla ng tingin dahil sa nakita kong katawan ng lalaki na nakalapag sa kalsada. “Mom, still there?”
“Yes, Darling. Take care, okay? I love you.”
“I love you too.”
“Ingat pag-uwi. Bye, Eya ko.”
I hummed in response and she was the one who ended the call. Sandaling napatitig ako sa cellphone bago iyon ibinalik kay Shanen. Mom is weird. She's so random.
“Ano raw sabi?” isyoso pa ng nakatabi ko na ikinibit-balikat ko lang dahil hindi ko rin alam ang isasagot. Nagtanong lang naman siya kung nasaan ako tho alam naman niyang nagta-trabaho ako. She's really weird sometimes. Baka miss lang ako nito dahil palagi na akong wala sa bahay nila.
“Ma'am, magtatagal pa po tayo ng ilang saglit sa daan. Sinarado po iyong kalye eh, hanap nalang po ako ng iba,” sabat ng driver na siyang tinanguan ko lang.
“Bakit ngayon pa nila sinarado? Diyan daanan papuntang cemetery eh, November 1 pa naman ngayon. Kawawa mga dadalaw niyan,” komento pa ni Shanen at kung hindi pa ito nagsalita ay hindi ko pa maaalalang araw ng mga saints ngayon at araw ng mga yumao bukas.
“Kuya,” tawag pansin ko sa katabi ng driver. Tumingin naman ito sa akin sa rear mirror. “Alam mo ba kung saan nakalibing si Tito Liam at Tita Bella?”
“Ay, hindi po eh. Bago-bago pa lang po ako, ito po si Ronald medyo may katagalan na.”
“As far as I know, Eya, doon sa chapel inilibing iyong mag-asawang binanggit mo,” singit ni Shanen bago pa makasagot ang lalaki kaya napatingin ako rito.
“Tama po siya, Ma'am,” dinig ko ring sabi ni Kuya Ronald. “Sa may chapel po sa gilid ng field nakalibing ang labi ni Ma'am at Sir.”
They were inside the estate? I should have known that early.
“Okay, thank you,” tanging nasabi ko at nag-ayos ng upo dahil bigla akong na-overwhelm sa nalaman.
I'll visit them tomorrow... with their daughter.
~•~
Kabababa ko pa lamang sa SUV nang sumulpot si Eldric at kinuha ang bitbit kong folders. Shanen was asleep kaya ako na ang kumuha nito. Mamaya ko nalang siya gigisingin kapag aalis na kami. Ipapaiwan ko nalang na nakabukas ang aircon para hindi ito mainitan. Besides, I still have something to do. But unfortunately, this man appeared from nowhere.
![](https://img.wattpad.com/cover/307006741-288-k380091.jpg)
BINABASA MO ANG
Runaway Heiress [ONGOING]
Romance"You can't boss me around here, this place is my territory." Pagkatapos madurog nang paulit-ulit sa pagmamahal sa taong hindi siya ang gusto, nagpasya si Leah na pumunta sa probinsya para makalimot. Pipilitin niyang makausad sa pamamagitan ng pagtul...