JEAN
Inaantok na ako. I've been analyzing the reports since 5pm and it was already 7pm now. Hindi pa ako nakakapagpahinga mula sa training kanina. Babagsak na talaga ang mga mata ko pero kailangan ko itong matapos ngayon. Isang folder nalang naman.
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa pero iyon namang pagpasok ng alaala sa isip ko. I remember, exam ko noon kinabukasan kaya kailangan kong mag-review. My parents came into my room. May dala silang pagkain para sa akin at sinabihan din nila ako ng goodluck at huwag ko raw pagurin ang sarili ko. Simpleng gesture lang nila iyon pero sobra ko iyong na-appreciate.
Napahinga ako nang malalim. How I wish na nandito pa rin sila para sabihan na kaya ko lahat ng pinapasan ko ngayon. I missed them so much but I still can't visit them. Hindi ko kayang makita sila na nando'n sa lugar na iyon. They are not gone... in my head. Para sa akin ay buhay pa rin sila kahit na hindi ko na sila nakikita. Wala sila sa likod ng bato na iyon kun'di ay nasa puso ko. My parents were never gone. I don't like to acknowledge the thought cause it hurts like hell.
Saka ko lang namalayan na nababasá na pala ang papel na hawak ko. I looked up to stop my tears from falling. Masakit pa rin talaga kahit anong iwas ko. Kapag hindi ko ito pinigil ngayon ay mas lalo lang akong maiiyak. Tumayo ako at nagpunta sa sink. I washed my face, especially my eyes. I took a deep breath and walk back to my seat. Inalis ko rin ang tumatakbo sa utak ko. Gumaan naman na ang pakiramdam ko kahit na papaano. Pero hindi pa man ako nakakalapit sa sopa nang mapahinto ako dahil sa biglaang pagtunog ng doorbell.
Sino na naman itong nasa labas? Imposibleng si Tito Elijah dahil kadadaan lang dito ni Ate Risa at sinabing hindi na ito matutuloy ngayon dahil may biglaang emergency. It's either si Ate Risa ulit ito o Si Kuya Waki na magsasabing kakain na dahil anong oras na rin eh.
Pero laking gulat ko nang mabuksan ang pinto. “Oh, nakabalik ka na pala? I assume tapos na ang date n'yo ng manliligaw mo?” Ewan ko ba pero iyon ang lumabas sa bibig ko.
Knowing her normal attitude ay sasagot ito sa akin gamit ang matalas niyang dila pero sa unang pagkakataon ay nanatili lang itong nakatingin sa akin na parang walang narinig. Suddenly, I felt weird from the way she look at me. Para ako nitong binabasa sa mga mata. Her face seems sad as well as her vibe. Parang may nakapalibot dito na madilim. Mukhang pagod din ang mga mata nito na lagi namang may buhay na lubos na ipinagtataka ko.
“Hey, umuwi ka na. Mukhang napagod ka sa mga ginawa mo.” Hindi ko na siningit kung anong ginawa nila ni Eldric dahil parang wrong timing. Para siyang problemado at kailangan na talaga ng pahinga.
“Are you okay?”
“Ha?” Nalito ako sa tinanong nito. “Ba't ako tinatanong mo? Inaantok lang ako pero ayos ako. Ikaw nga itong mas mukhang hindi okay. Ayos ka lang ba?”
“I know you're not fine, JC. I'm sorry,” sobrang seryoso na sambit nito na hindi ko inaasahan. Bakit siya humihingi ng patawad? At saka... JC? It feels nostalgic and intense. Bakit ramdam na ramdam ko ang sensiridad sa sinabi niya? Did she really mean it? Bakit parang hindi ako ang kausap niya kun'di ang batang bersyon ko? “I'm so sorry, hindi ko alam na gano'n ang nangyari. It must be so hard for you. I'm really sorry for what I did, JC.”
“L-Leah,” huli na nang makaalma ako dahil masyadong mabilis ang pangyayari. Basta nakita ko na lang ang sarili ko na yakap niya nang may pag-iingat. The hell. My heart went crazy as I felt her hand on my back. “W-Wait.” Kumalas ako rito at gulong-gulo na sinilip ang mukha niya na hindi man lang nagbago ang reaksyon. “Ano bang nangyayari sa 'yo? May sakit ka ba?” Kinapa ko ang leeg nito pero hinuli niya lang ang kamay ko at muli akong hinila para yakapin. Tumama ang mukha ko sa bandang leeg nito. “Ano ba?! Ang hilig mong---Teka. L-Lasing ka ba?” Naamoy ko ang matapang na amoy ng alak dito. Nag-inom ba sila ni Eldric?
BINABASA MO ANG
Runaway Heiress [ONGOING]
Romansa"You can't boss me around here, this place is my territory." Pagkatapos madurog nang paulit-ulit sa pagmamahal sa taong hindi siya ang gusto, nagpasya si Leah na pumunta sa probinsya para makalimot. Pipilitin niyang makausad sa pamamagitan ng pagtul...