Chapter 23

48 1 0
                                    

JEAN

Leah was currently talking to Lolo about Shanen and her employment as her assistant. Ewan ko lang kung papayagan siya. Sana nga hindi. Kasi naman, kailangan niya pa ba 'yon? Assistant, really? Tsk.

Don't get me wrong ah. Hindi na kasi maganda na madagdagan pa ang tao rito sa mansion dahil delikado. Parang ibinigay na rin niya ang buhay niya kapag pumasok siya sa pamilya namin. So it's a no. Magiging responsible pa kami kapag may nangyaring masama sa kaniya.

“Ang aga pa mukha ka nang stress.”

Sumama ang mukha ko sa narinig bago nagtaas ng tingin sa tao na nasa gilid ko. “Get lost, Eldric. Ang aga pa pero sinira mo na ang araw ko.”

“Grabe ka naman.” Walang habas itong naupo sa tabi ko kaya agad akong napatayo para umalis pero ang loko ay hinawakan ako sa pulsuhan. “I'm here not to pester you. Hihingi lang ako ng tulong, Callie.”

I maintain my annoyed face when I turned to him. Tinanggal ko rin ang kamay nito sa akin. “Tulong saan ba? Hindi mo ba 'yan kaya mag-isa?”

“Kaya nga hihingi ng tulong kasi hindi ko kaya mag-isa eh.” Napakamot ito sa ulo niya bago lumakad palapit sa akin. I took a small step back when he come close to my ear. “Bubulong lang ako.” He chuckled while I hissed. “I need your help to ask Leah for a date.”

Wala sa wisyong naitulak ko ito sa balikat nang malaman ang pinakikiusap niya. “Siya tanungin mo.” At saka ako umalis.

“Hindi ko kaya, Callie!” reklamo niya at hinila ako sa kamay para muling pigilin. Halos masubsob ako sa dibdib niya dahil sa puwersa niya. “Sige na, oh. Tutulungan mo lang akong tanungin siya.”

“Iyong tulong na sinasabi mo parang gusto mo yatang ako ang magtanong?”

“P-Parang gano'n na nga.”

Napalatak ako at napailing-iling. Duwag talaga ang isang ito. Puro lang porma, wala namang lakas ng loob. Hindi siya uubra kay Leah. Magsasalita na sana ako nang may nahagip ang mga mata ko sa harapan ng bahay kaya napunta roon ang tingin ko.

She's watching us. Masama ang tingin at hindi ko alam kung bakit kaya napakunot ako ng noo. Hindi ba siya pinayagan ni Lolo? Ano, ako na naman ang sisisihin niya?

“Huy, Callie.”

“Ha?” Muli akong napalingon kay Eldric na ang lapit-lapit pala sa akin at hawak pa rin ang kamay ko. I unconsciously push him when I realized. Napatayo ako nang may kalayuan sa kaniya. Hindi ko alam pero bigla akong na-conscious sa proximity namin lalo pa't mayroong nanonood sa paligid. “I-I'll see what I can do.” Then I walked away but before I could left completely, my eyes went to where she was standing. Pero wala na ito roon. Sa'n na 'yon nagpunta? Bumalik ba siya sa loob?

Hindi bale na nga. Instead of going back inside, bumalik nalang ako sa cabin para maligo. Nag-jog kasi ako kanina bago pumasok ng mansion para magpatimpla ng kape. Doon ko na naabutan ang secretary ko at assistant niya. Lumabas lang ako dahil sinundan nila si Lolo para kausapin. Hindi naman ako kailangan doon.

“So you get back together?”

Halos atakihin ako sa gulat nang bumungad siya pagbukas ko ng pinto. The hell!

“Nakakagulat ka,” was all I uttered while holding my chest. Nilagpasan ko ito ng lakad at kumuha ng face towel para punasan ang mukha ko. “Anong get back together ang tinutukoy mo?”

“Kayo ng ex mo, mukhang kayo na ulit.”

Nanlaki ang mga mata ko. “H-Hoy, saan nanggaling 'yan? Walang gano'n na nangyari!” Dahil ba sa nakita niya kanina? Ang judgemental naman pala nito mag-isip.

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon