Chapter 14

38 2 0
                                    

LEAH

“Magandang umaga, Ate, buti gising ka na.”

“Good morning,” bati ko sa kapatid ko nang makababa ako sa salas. “Bakit, anong meron?”

“Hinahanap ka kasi ni Ate Callie.”

Si Jean? Nagpunta siya rito?

“Bakit daw?” tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kusina.

“Hindi niya sinabi eh. Nandyan pa siya sa labas kausap si Nanang.”

Biglang tumibok nang kakaiba ang puso ko nang marinig iyon.

“Nakabalik na ba si Shanen?” pag-iiba ko sa usapan. I don't want to entertain anything that connects her. Ayokong mawala sa mood. Kagigising ko pa lang.

“Hmm, nasa labas din. Nagpapakain kay Gene.”

Natawa ako nang mahina. Same pronunciation talaga sila ng aso. Same sa pusa ni Gwen na may kapangalan ding tao.

Bigla akong natigilan nang maisip ang dahilan kung bakit ako nandito. Gosh. I miss her. Nami-miss ko iyong bangayan namin, iyong boses niya, iyong mukha niya, iyong tawa at ngiti niya. Lahat-lahat tungkol sa kaniya ay nami-miss ko na. Walang gabi na hindi ko siya naisip. Naiiyak pa nga rin ako sa tuwing naaalala kong nandito ako para maka-move on. I left Manila to forget but I always think about her. Nakatira na talaga siya sa isip ko. I even see her in my dreams.

“Ate, you okay? Bakit ka umiiyak?”

Doon ay napaiwas ako bigla ng tingin. “Wala 'to, Riri. Don't mind me.” Nilagpasan ko ito at lumapit sa water kettle para mag-init ng tubig. I bit my lip and sniffed.

“Kapag kailangan mo ng kausap, Ate. I'm just in my room. I listen to you.”

Hindi ko na naramdaman ang presensiya nito matapos niyang sabihin iyon. Thanks, Rihan. But your big sister can do this alone. I'll move on, just like what Gwen wanted me to. Alam ko naman ang dapat kong gawin, all I need is to divert my attention from her and forget all the memories I have with her. Pero ang hirap simulan.

Pinunasan ko ang tumulong luha sa pisngi ko. I can't help but wonder how she was since I went here. Like, is she okay there? Ano na ang nangyari sa kanila? Alam na ba ni Coleen iyong ginagawa ng asawa niya? Nakita na ba niya si Gwen? Magtatatlong linggo na kasi simula noong umalis ako. Tinawagan ko si Coleen nito lang nakaraan after thinking about the past. I want to clear my name before I started moving forward. I want the best for Gwen. I want her to be happy. At alam kong sa kaniya siya magiging masaya kaya sinabi ko na iyong nagawa kong pagkakamali three years ago. It felt good, especially when I apologized to her about it. Pakiramdam ko ang bait-bait ko sa bagay na 'yon. I have also learned na umalis daw si Gwen at hindi niya alam kung nasaan. Kailangan ko tuloy tanungin si Venus o si Jean para alamin kung nasaan siya. I'm sure one of them know where that woman now.

“Naimbag nga bigat!”

Bigla akong napalingon nang may magsalita. “Ha? Naimbag na what?” Kunot-noo ko.

“Sabi ko good morning.”

Oh.

“Good morning,” bati ko rin dito.

“Ayos ka lang?”

“Do I look like I'm not?” I forced a smiled at her.

“Mukha ka kasing umiyak. Pero okay na, ngumiti ka na eh.” She extended her right arm to hand me the white envelope she's holding. “Heto pala, pinapaabot ng Mama mo. Galing daw kay Callie.”

Napatitig ako sa sobre bago iyon kinuha. “Nandyan pa ba sila sa labas?”

“Kaaalis lang nila.”

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon