Chapter 28

66 1 0
                                    

LEAH

“Ayos ka lang ba, Eya?”

“Hmm, medyo masakit lang ulo ko.”

Ito na ang nagmasahe ng sentido ko nang marinig niya ang sagot ko. “Uy ang init mo! Uminom ka na ba ng gamot?” may kasamang paghampas niyang tanong. Tumango lang ako. “Ay mali. Kumain ka muna dapat bago ka uminom!”

“I already swallowed it, Shan.”

“Eh kumain ka na ba?”

“Not yet,” I replied. “I'm waiting for you. Ang tagal mo bumaba.”

“Dapat kumain ka na. Napasarap 'yong tulog ko eh, ang lambot kasi ng kama nila.”

“I don't want to let you eat alone, Shan. You're my responsibility, hindi naman puwedeng hayaan kitang ma-out of place rito.”

“Ang sweet naman. Anong kinain mo?” She laughed. “Ay wala ka pa palang kinakain! I guess, gutom lang 'yan? Haha, tara na nga!”

“Crazy.” Tumayo na ako nang tumigil siya sa paghilot. “Come on, follow me to the dining.”

Nauna na akong maglakad at ramdam ko namang sumunod siya. Sa totoo lang, parang walang epekto iyong gamot sa akin dahil ang sakit pa rin ng ulo ko. I'm just enduring it and act like nothing.

“Anong oras pala tayo uuwi?” I heard her asked while we're eating.

“Gusto ko sanang dito na muna tayo pero kung may bibisitahin ka since all souls' day ngayon, puwede kang umalis. Wala naman tayong gagawin ngayon.”

“Eh paano ka? Ayaw naman kitang iwan dito na ganiyan ang lagay mo. Baka awayin ka lang ng boss mo eh.”

“I'm not weak as you think. Kaya ko ang sarili ko,” I insisted and wiped my lips using the napkin. “Decide now para mapahatid na kita pauwi.”

“Hindi ka ba bibisita sa Lolo at Lola mo?”

Napahinto ako sa minention niya. Damn. Nakalimutan ko sila. Ito pa naman ang unang beses na makakadalaw ako tapos nawala pa sa isip ko.

“Of course, I'll pay a visit. Tatawagan ko si Mom kung anong oras sila pupunta.”

“Eh 'di sabay nalang tayo!”

“Baka mamaya pa 'yon, Shan. Mauna ka na para marami ka pang mapuntahang iba, bisitahin mo na rin 'yong pamilya mo. Pati na si... ano nga ulit ang pangalan ng kasintahan mo?”

“Bea.” Nawala ang sigla sa mukha nito nang sabihin ang pangalan na iyon.

“Hey, you okay?”

“Medyo nalungkot lang, nagkaroon kasi kami ng hindi pagkakaunawaan nitong nakaraan.” She smile but it didn't reach her eyes.

“Talk to her personally, sa kaniya ka na muna dumiretso bago ka bumisita sa relatives mo.”

“Kahit na mag-usap kami, hindi ko na siguro mababago ang isip niya. Pangarap 'yon ng pamilya niya para sa kaniya eh. Ano pang laban ko?” Hindi ako umimik habang nagpatuloy ito sa pagkain. Maya-maya ay nagsalita muli siya nang maibaba ang kubyertos sa pinggan. “May natanggap siyang offer galing sa ibang bansa, lilipad na siya roon next month. December 'yon, ibig sabihin hindi namin siya makakasama sa pasko at bago magbagong-taon. Ang mahirap pa ro'n, 5 years 'yong contract niya roon kaya nakakabahala sa part ko. Hindi ko alam kung magwo-work sa 'min ang long distance relationship.”

“Hindi mo naman siya dapat pigilan, Shan. Gaya ng sabi mo, pangarap 'yon ng pamilya niya para sa kaniya. Kapag hinadlangan mo 'yon mas sasama ang tingin nila sa 'yo kasi hindi pa naman kayo tanggap, 'di ba? At isa pa, magandang opportunity 'yon para sa future niya at sa future ninyo. Let her grow, and make a growth as well while she's not here. Huwag mo lang tingnan as negative 'yong situation para mag-work siya para sa inyong dalawa.”

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon