LEAH
"Mom, can I go with you?"
Natigil ito sa pagsuklay ng kaniyang buhok , nagtatanong ang mga mata nito nang lingunin ako sa kaniyang gilid. Narinig ko kasi sa usapan nila ni Tito Gary na pupunta siya sa mansion ng mga Vergara.
"Eya, ano naman ang gagawin mo ro'n?" malumanay niyang sabi bago nagpatuloy sa pag-aayos ng sarili.
"Gusto lang kitang samahan." I smiled.
"'Yon lang?"
"Yes, may iba pa po ba akong puwedeng gawin do'n? I'll just accompany you, baka pahirapan ka pa ng heiress nila 'pag mag-isa ka lang." Sandali akong nag-isip para kung sakaling sabihin niya na wala naman akong mapapala roon 'pag sumama ako. "And while you're talking to her, kukumustahin ko na rin si Don Levi."
Pinaningkitan ako nito ng tingin, nagdududa talaga siya. "Baka kaya ka talaga sasama kasi gusto mo---"
"Stop what you're thinking, Mom."
"Teka, wala pa naman akong sinasabi. Ikaw ha, Eya, masyadong defensive."
Umismid ako. "It's not about that woman."
"Wala naman akong sinasabi, darling."
"You're eyes and tone says it all." Napaikot ako ng mga mata. "Whatever you say, Mom, basta sasama ako."
"Fine, you drive."
Napahinto ako sa akmang pag-upo sa sopa. "Why me?"
"Ahuh, that's the condition."
"Pareho kayo ni Dad," ang tanging nasabi ko at hindi na umupo pa. Lumabas na ako at sa loob na ng kotse niya naupo, sa harap ng manibela gaya ng sabi niya.
Nagpadaan muna si Mommy sa flower shop para bumili ng ibibigay kay Jean. She said that this is her way to formally start her courtship through the endorsement. Hindi ko na siya pinigilan dahil desidido talaga siyang magbigay roon sa babaeng 'yon. I remember the first time I gave her a bouquet, inilagay niya ang mga iyon sa vase, so I think she will appreciate my mother's effort too. Subukan niya lang hindian at baka mabato ko 'yon sa kaniya. Kidding. Behave pala dapat ako sa harapan ni Mom.
"Thanks sa pag-drive, Darling. Let's go."
Sabay kaming lumabas ng sasakyan at binagtas ang daan patungo sa mansion ng mga Vergara. Hindi na kami hinarang kanina sa gate dahil kilala naman si Mommy ng guard tho nagtanong pa siya ng kaunti about me. He let us in with a warm smile. Nakakagulat lang na naaalala niya ako noong bata pa ako pero hindi ko siya matandaan.
"Upo muna ho kayo, tatawagin ko lang ho si Don Levi sa opisina niya," approach sa 'min ng maid na sa pagkakatanda ko ay si Ate Risa.
We waited patiently. Maya-maya ay bumalik na ito at sinabihan kaming sumunod sa kaniya. Dinala kami nito na sa tingin ko ay opisina at saka kami pinaupo. Kung kanina ay komportable lang ako at payapa ang pagpintig ng aking puso, ngayon ay naging conscious ako sa paligid. Don Leviticus has this effect on me. Hindi pa rin nagbabago, intimidated pa rin ako sa presensiya niya. I look up to him even before kaya ginagalang ko talaga siya bilang idolo.
"I presume that you're looking for my heiress, I'm afraid to tell you but she's not here."
Gaya noon, straight forward pa rin talaga ito.
"We can wait for her, Don Levi."
Natawa ito nang mahina kaya napakunot ako ng noo. "Ah, I didn't make myself clear. Kasalukuyan siyang nasa maynila ngayon at may inaayos doon." He stood up from his swivel chair and come to us, naupo ito sa kabilang sopa kaharap namin. "Amelia, sino itong magandang dalaga na kasama mo? Is she your new secretary?"
![](https://img.wattpad.com/cover/307006741-288-k380091.jpg)
BINABASA MO ANG
Runaway Heiress [ONGOING]
Romans"You can't boss me around here, this place is my territory." Pagkatapos madurog nang paulit-ulit sa pagmamahal sa taong hindi siya ang gusto, nagpasya si Leah na pumunta sa probinsya para makalimot. Pipilitin niyang makausad sa pamamagitan ng pagtul...