LEAH
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang naghihilamos ng mukha. I felt light, so light, because I had a good sleep. No headaches, no backache and whatnot. Kumpleto ang tulog ko which is rare.
Hindi ko talaga akalain na makakatulog ako ng mahimbing kasama sa iisang kama ang babaeng kinaiinisan ko noon. Yeah, we slept together in her bed. Hindi siya tumutol at siya pa ang nag-offer sa akin na tumabi sa kaniya dahil hindi raw komportable sa sopa ang mahiga. At saka hindi pa rin kasi bumabalik iyong kuryente nang mahiga kami kaya hindi niya hinayaan na maghiwalay kami habang madilim ang paligid. Nakatulog nalang ako nang hindi nalalaman kung anong nangyari dahil inantok ako sa katahimikan na bumalot sa amin.
Lumabas ako ng room pagkatapos kong maghilamos. Wala na siya rito sa cabin dahil tuwing umaga siyang tumatakbo para magpapawis at umpisahan ang araw.
I left the cabin and started to walk while stretching my arms. Dati ay todo akong mag-workout dahil sa paglalaro ng soccer, at gaya ni Jean, lagi rin akong nagjo-jog every morning pero ngayon ay malimit na. Nag-e-exercise rin naman ako pero paminsan-minsan nalang talaga dahil sa busy schedule. Binabawasan ko nalang ang pagkain ko para hindi ako magkaroon ng excess fats.
Habang nilalakad ko ang kahabaan ng daan papunta sa main house ay nakasalubong ko ang isang guard. I called him and asked about the incident last night. Hindi kasi sa akin sinabi ni Jean kung anong nangyari. Inisip ko nalang na nagkaroon ng electricity interruption ang buong barangay para makatulog ako ng hindi nag-aalala.
“Ah, Ma'am, nagkaproblema lang po sa linya ng kuryente. Luma na kasi iyong mga kable, kanina lang pinaayos para palitan ng bago.”
“Sige, Kuya, salamat,” tugon ko at nilagpasan na ito ng lakad kahit pa medyo hindi ako kumbinsido.
Ang akala ko ay problema mismo sa planta ng kuryente rito sa buong probinsiya at hindi rito lang sa loob ng estate. Pero siguro nga ay nasira na rin ang mga kable dahil sa kalumaan at nagkataon lang talaga. Nangyayari rin naman iyon.
“Eya!”
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. It was Shanen and... wait, who is that malnourished guy beside her?
Tinaasan ko sila ng kilay nang magpang-abot kami sa gitna ng daan pero bago pa ako makasagot ay nauna nang may lumabas sa bibig niya.
“Meet Miss Leah, sa kaniya ako nagta-trabaho bilang assistant,” pakilala niya sa akin sa lalaking katabi niya bago ito naman ang tinuro para makilala ko. “And, Eya, ito naman si Andrew, pinapunta siya ni Miss Callie para kausapin.”
“She's not in the cabin,” saad ko habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng lalaki. Hindi naman guwapo, patpatin pa. Kapag pinitik ko ba siya sa noo ay matutumba kaya siya? Para na siyang tatangayin ng hangin eh. Nasusuya ko itong tiningnan pabalik sa mukha, napangiwi pa ako sa nakitang iilang buhok sa ilalim ng labi niya. Eww. “What is your business with Jean? Aakyat ka rin ng ligaw? With that look?” I emphasized the word while looking down at his clothes. Para siyang galing sa makalumang panahon dahil sa suot niyang white polo shirt na madalas kong makita na suot ng mga magsasaka. Kupas din ang pantalon niya at may suot na sumbrero na gawa sa bamboo stick. Hindi naman sa panglalait, sinasabi ko lang iyong appearance niya na nakikita ko at ang baduy no'n para sa akin.
“Umakyat na ako ng ligaw sa Señorita pero hindi ako pumasa sa pamantayan na meron siya. Kaya ngayon ay naguguluhan din ako kung bakit niya ako muling pinatawag, iniisip ko tuloy na baka nagbago ang isip niya at bigyan na ako ng pagkakataon ngayon.”
Pakiramdam ko ay kumulo ang dugo ko sa mga narinig. Lalo pa nang dumaan sa isip ko iyong sinasabi ng babaeng iyon na gumagawa raw siya ng paraan para mabaling sa iba ang nararamdaman niya. Is this what she's talking about? Itong lalaki na 'to ang napili niya?
BINABASA MO ANG
Runaway Heiress [ONGOING]
Romance"You can't boss me around here, this place is my territory." Pagkatapos madurog nang paulit-ulit sa pagmamahal sa taong hindi siya ang gusto, nagpasya si Leah na pumunta sa probinsya para makalimot. Pipilitin niyang makausad sa pamamagitan ng pagtul...