JEAN
Monday came. Tanghali na at katatapos lang tumila ng ulan. Apat na oras na lang ay babyahe na akong muli pa-Maynila. Nakahanda na rin ang mga gamit ko sa pag-alis, pati na ang sasakyan na maghahatid sa akin ay nag-aabang na rin sa labas.
Kaya lang kung saka pauwi na ako, saka pa lang ako nilapitan ni Lolo para sabihin na mag-usap daw kami nang masinsinan. Kahapon kasi ay halos magkulong lang ito sa kuwarto niya buong araw. Iyong mga kasambahay lang ang nakakausap ko pero hindi rin nagtatagal dahil may ginagawa silang mga gawain dito sa mansyon. Sina Nisha at Lisha naman ay nasa eskuwelahan 'pag umaga pero pag-uwi nila ay kakain lang ang mga ito tapos aakyat na sa mga kuwarto nila para matulog.
Malapit ko na ngang isipin na baka umiiwas ang mga ito sa akin. Si Tita Cosette naman ay palagi ngang nandito pero hindi ko naman makausap nang maayos. Ngayon tuloy nagsisisi na ako na bumisita ako rito sa kadahilanang wala akong magawa at makausap. Kanino ba may mali, sa kanila o sa akin?
Magpapatuloy pa sana ako sa pagbabaliktanaw sa mga nangyari nang makarinig ako ng papalapit na yabag at tunog ng bakal.
“Salamat sa paghihintay, Apo.”
Inalalayan ko itong makaupo kahit na ayaw niya dahil gaya ng sabi niya kahapon, Malakas pa ako para alalayan.
“Bakit nga po pala gusto ninyong makipag-usap?” Hindi ito sumagot at binuksan lamang ang dala niyang malaking sobre. Pagkatapos ay binaba niya ang mga puting papel na galing sa loob niyon, lima iyon dahil inisa-isa niya ang pagpatong sa lamesa. I narrowed my eyes at him. “Ano ho 'yang mga 'yan, Lo?”
“Titulo ng mga lupa ng pamilya natin at ng Malinday,” he paused to release a soft chuckle. “At ang isa, ang pinaka-importante, ang kopya ng last will ko.”
“Malakas pa po kayo para magkaroon ng last will,” parang maiiyak na sabi ko. “Para saan po ba talaga 'yang mga 'yan? Gaya rin po ba 'to sa dati? Pipilitin n'yo na naman ako na kunin 'yang mga 'yan?” Turo ko sa mga papeles at seryoso siyang tiningnan. “Hindi ko pa rin nakikita ang sarili ko na maghahawak ng mga 'yan, Lo. I'm sorry.”
Akala ko ay ikalulungkot na naman nito ang pagtanggi ko pero laking-gulat ko nang makita ang ngiti sa kaniyang mga labi. “Huwag kang mag-alala dahil nakapagdesisyon na ako. Buong raw kong pinag-isipan ang gagawin kong ito kahapon kaya pasensiya ka na rin kung hindi tayo nakapag-bonding, ha.” Marahan itong sumandal sa inuupuang isahang sopa habang nakamasid lamang ako at naghihintay sa susunod niyang sasabihin. Muli nitong itinuro ang mga papeles dahilan para mapunta roon ang atensyon ko. “Ito na ang huli kong alok sa 'yo, Jeanette. I only have one condition for you, kapag nagawa mo nang walang problema ang gusto ko, hindi na kita kukulitin pa ulit at sa kambal ko na ipamamana ang mga 'yan maliban lang sa pagmamay-ari ng Mama mo.”
Nagtataka man ay isa lang ang nasabi ko. “Okay deal, whatever the condition is.”
“Are you sure, Iha?”
Natawa ako nang mahina. “I'm okay with anything, Lo. Hindi n'yo naman siguro ako pahihirapan, hindi po ba?”
Amused itong napailing at isinantabi ang hawak niyang mamahalin na bakal na tungkod. “I really like your attitude, Iha.” He smiled so genuinely na nagpangiti rin sa akin nang malapad. “Hindi ka sakim sa kayamanan o sa pag-aari. Mas gusto mo na pinaghihirapan mo ang mga bagay na nakukuha mo. Tunay ngang nakuha mo ang ugali ng mga Malinday na kapwa busilak ang mga puso at hindi gahaman. Masaya ako na magkaroon ng apo na kagaya mo, Iha. I am so proud of you, my sweet granddaughter.” My Lolo Levi almost tear up after saying those heartfelt words.
Hindi na ako nagtaka nang maramdaman ang pagbagsak ng isang butil ng luha sa aking mata, sadya kasing mababaw ang luha ko na siyang namana ko kay Mama.
BINABASA MO ANG
Runaway Heiress [ONGOING]
Romance"You can't boss me around here, this place is my territory." Pagkatapos madurog nang paulit-ulit sa pagmamahal sa taong hindi siya ang gusto, nagpasya si Leah na pumunta sa probinsya para makalimot. Pipilitin niyang makausad sa pamamagitan ng pagtul...