Chapter 44

38 1 0
                                    

JEAN

“Tita Amelia.”

“Don't touch me.” Tinabig nito ang kamay ko nang akmang hahawakan ko siya kaya napayuko na lamang ako. “Alam kong nakiusap ako sa 'yo na tingnan ang anak ko at hindi naman kita inoobliga pero bakit umabot sa ganito, Callie? Bakit nangyari 'to sa Eya ko?”

Hindi ko napigil ang pag-alpas ng luha sa mga mata ko nang marinig ang hinanakit sa boses niya. I bit my lip to suppress the noise that I could make in crying. Gumilid ako para mabigyan siya ng espasyo para mahawakan niya nang maayos ang anak niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising.

“Ako na ang bahala sa anak ko pati na kay Shanen, puwede ka nang umuwi sa inyo.”

I wiped away my tears from what she said. “Tita Amelia, huwag naman pong gano'n oh. G-Gusto ko pong makita na gumising si Leah. Please po, nakikiusap ako sa inyo.”

“Sasabihan kita kapag nagising siya, Callie. Pero sa ngayon umalis ka na muna rito dahil hindi ko mapigil ang sarili ko na sisihan ka at ang pamilya mo.”

“We know it's our fault, Tita, pero hindi rin po namin ginusto 'tong mangyari. Tatanggapin ko po iyong galit ninyo sa akin, hindi po ako magtatanim ng sama ng loob sa inyo. Basta po huwag lang ninyo akong paalisin dito,” I plead, almost on my knees.

“Señorita, tara na.” Sabay hila sa akin ni Kuya Waki pero tinulak ko lang ang kamay nitong hahawak sa akin.

“Tita Amelia, please po,” muli ay pakiusap ko pero nag-iwas lang ito ng tingin sa akin para tingnan ang anak niya. Napayuko na lang ako nang maramdaman kong hindi talaga niya gustong makipag-usap.

Naiintindihan ko ang galit nito dahil nagsabi akong sisiguruhin ko ang kaligtasan ng anak niya pero hindi ko iyon nagawa. Sigurado akong nawalan siya ng tiwala sa akin at nadismaya kaya ayaw na akong makita nito.

Matagal din akong nanatiling nakatayo sa likuran nito bago ko napagpasyahang umalis. I wiped away my tears and blew some air to calm myself. Sinenyasan ko si Kuya para sabihing kunin na ang sasakyan dahil aalis na kami kaya nauna na ito sa aking lumabas sa kuwarto. Pero bago ako sumunod sa kaniya ay pumunta muna ako kay Shanen para magpaalam. Nagkaroon na ito ng malay kaninang madaling araw at nagpahinga lang siya nang kaunti tapos ginising ko ngayong umaga para kumain ng breakfast. 

Expected ko na ang tingin na ibibigay nito sa akin nang makarating ako sa bed niya. Malapit lang ang puwesto nila sa isa't isa kaya rinig niya ang naging usapan namin ni Tita Amelia. Ramdam ko ang pag-aalala nito sa akin base sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

“I... I'll go for now, Shan.” Ngumiti ako nang pilit bago marahan na tinapik ang balikat niya para sabihin na ayos lang ako. “Uhm, pagaling ka, ha? I already paid the bill kaya wala ka nang poproblemahin. Si Tita Amelia na ang bahala sa inyo, uhh... sig---”

“Miss Callie.” Hinawakan nito ang kamay ko kaya napahinto ako sa pagsasalita. “Ngayon lang po 'yang galit ni Ma'am Amelia, palamigin mo muna po siguro bago ka muli magpakita. Alam naman po nating lahat na hindi natin ginusto ang nangyari. Hindi mo po kasalanan kaya nangyari 'to sa 'min ni Eya, 'wag mo pong sisisihin ang sarili ninyo.”

I bit my lip to suppress my tears. “Shan, thank you. And I'm sorry too.”

Mabagal na nag-iling ito ng ulo. “Huwag po kayong mag-sorry, Miss Callie, hindi po kayo accountable sa nangyari kasi hindi naman kami naka-duty nang mangyari 'yong insidente.”

Iniling ko rin ang ulo ko para tumutol sana pero hindi ko natuloy dahil naagaw ng pansin ko ang boses ni Tita Amelia.

“Oh God, you're awake now! Eya ko, kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba? Anong kailangan mo, Anak? I'll get it for you.”

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon