JEAN
“Ano nang balita? Nahanap n'yo na ba sila?” Salubong ko sa mga tauhan namin nang pumasok sila sa main house galing sa paghahanap kina Leah at Shanen.
I read Leah's email earlier but I didn't reply to any. Hindi pa man ako sumasagot ay narinig ko sa kasambahay namin na umalis na sila kaya wala ring use kahit na mag-reply pa ako. Matigas ang ulo ng babaeng 'yon eh.
Tapos ilang minuto lang pagkatapos no'n ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Shanen. Hindi ko maintindihan iyong sinasabi niya dahil putol-putol ang signal. Maya-maya lang din pagkatapos no'n ay may pumasok na message sa akin na galing din kay Shanen. Humihingi siya ng tulong at i-track daw namin ang location nila dahil may sumusunod daw sa kanila kaya nakaramdam ako ng kaba dahil ibig sabihin no'n ay nasa kapahamakan silang dalawa.
“Señorita, natagpuan po namin ang sasakyan ni Ma'am Leah pero wala na po roong tao. Ngayon po inaalam pa ni Sir Joaquin kung nasaan sila at kami lang ang pinabalik dito para sabihin sa inyo ang balita.”
“Paanong wala sila roon? Ibig bang sabihin no'n kinuha sila?”
“Posible po, Señorita.”
“No, hindi puwede!” Wala sa wisyong napalakad ako pabalik-balik habang iniiling ang ulo ko. They are my responsibility, hindi puwedeng may mangyari na masama sa kanila. Napalunok ako bago ko muling nilapitan ang guwardiya namin. “Bumalik kayo roon sa lugar kung saan n'yo nakita ang sasakyan, magtanong-tanong kayo kung merong nakakita sa kanila!”
“Sige po, Señorita. Gagawin po namin,” mabilis na tugon nito at saka nito sinenyasan ang mga kasama niya na umalis na para gawin ang sinabi ko.
“Apo, kumalma ka, walang gagalaw sa kanilang dalawa dahil alam nilang sa 'tin sila nagta-trabaho.”
Mabilis na umiling ako kay Lolo. “Hindi, Lo, nangyari na eh. At iyong pagiging konektado nila sa 'tin ang dahilan kung bakit nangyayari 'to sa kanila. This is our fault, and I can't stay calm about this. Kanina pa sila hindi bumabalik, gabi na, Lo!”
“Tawagan mo si Amelia para rin mapabilis ang paghahanap sa dalawa.”
“No, Lo, huwag na muna. Baka...” I trailed off and stared at his face. “Baka ilayo niya rito si Leah kapag nalaman niyang napabayaan natin ang anak niya. S-She's my secretary so I can't lose her.”
It's a big loss if Tita Amelia took her away from us. Lalo na sa akin. Ayoko. Huwag na muna.
“Sabagay, Apo, gagawin nga iyon ni Amelia kapag nakaabot sa kaniya ang balita. But Leah is her daughter, she deserves to know the situation of her child,” pagpapaintindi pa nito sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at napaupo nalang sa sopa.
Tatawagan ko ba si Tita Amelia o saka nalang kapag alam ko na kung anong lagay niya? But I don't want her to know for now. For sure ay magagalit siya dahil sa akin niya ipinagkatiwala ang anak niya. She's my responsibility but I failed to protect her.
Kinuha ko ang cellphone ko sa lamesa at dinayal ang numero ni Eldric. I need his father's power now. Siya ang mas makakatulong sa nangyayari ngayon.
“Hey, Callie, what's up?”
“Dric, I need your help.” Kita ko ang pagkalito sa mukha ni Lolo nang marinig nito ang pangalan na binanggit ko. Akala niya siguro ay si Tita Amelia ang tinawagan ko gaya ng utos niya.
“Saan? Tungkol ba sa date---”
“Sina Leah at Shanen, nawawala sila,” agad na putol ko. Bago pa siya makapag-react ay nagsalita akong muli. “Can you please coordinate with the authorities? Please help us find them.”
BINABASA MO ANG
Runaway Heiress [ONGOING]
Romance"You can't boss me around here, this place is my territory." Pagkatapos madurog nang paulit-ulit sa pagmamahal sa taong hindi siya ang gusto, nagpasya si Leah na pumunta sa probinsya para makalimot. Pipilitin niyang makausad sa pamamagitan ng pagtul...