Chapter 30

66 1 0
                                    

LEAH

Napangisi ako nang makalabas siya. Kanina pa siyang madaling araw na hindi mapalagay at parang nawawala sa wisyo. She's panicking, and I wonder why? I mean what is the exact reason? Alam ko naman na dahil sa akin. Pero bakit?

Kagabi bago pa ang tagpo sa cabin, nakita ko siyang pumunta sa chapel. Nasa tree house ako that time at kasama ko si Lisha. Yes, I caught her drinking. Totoo ang sinabi ni Ate Risa. Nagulat pa nga siya at mukhang kinabahan pero hindi ko naman pinagalitan. Hinayaan ko lang siyang uminom at maglabas ng problema niya. And I learned that her mother, Cosette, was having an affair with Elijah Quintana. Nagulat ako nang i-open up niya ang tungkol doon. Nahuli raw niya ang dalawa na naghahalikan sa may restaurant pero hindi siya nakita ng mga ito dahil nagtago siya.

If they have a relationship, alam kaya ni Eldric? And of all people, why him? As far as I know, malapit ang pamilya nila sa mga Vergara. Ano kesyo nakakulong si Tito Lucas ngayon ay hahanap siya ng iba? Paano nalang kapag nalaman niya?

Mabuti na nga lang at hindi kami nahuli ni Jean kagabi dahil malakas ang kutob ko na naisip niya na may tao sa tree house. Kapag nagkataon na naabutan niya kami ay siguradong sasabog ang lihim ni Cosette. And I don't want that to happen, yet. Malakas ang pakiramdam ko na may something pa sa likod ng sikretong relasyon nila. Nang makababa kami sa tree house ay pinauna ko na si Lisha pabalik sa kuwarto niya at ako na ang nagtago ng bote ng alak. After I disposed it, tiningnan ko kung nakabukas ba iyong backdoor ng cabin dahil nawalan ako ng gana maglakad papunta sa main house. And then the rest is history.

Kaya hindi ko talaga inasahan na pupunta ito rito sa kuwarto ngayon dahil awkward ang kilos niya kaninang madaling araw. I thought she would ignore me the whole day because of my attitude, but she's not. Ano nga bang sasabihin niya?

I shrugged off the thought and walked to my closet. Nagbihis ako ng maayos na damit gaya ng sinabi ng boss ko. I wore a black rib-knit bodycon dress. Sorry nalang siya kung hindi makapal at hindi rin mahaba dahil hindi pa ako nakakabili ng bagong damit. Hindi ko naman kasi inexpect na magta-trabaho ako rito sa province kaya wala akong masyadong damit na dala.

I let my hair down and choose to wear a pair of slippers instead of sandals. Wala pa rin naman kaming trabaho ngayon kaya ayos lang na mag-tsinelas ako. Nang masiguro kong maganda na ang itsura ko ay bumaba na ako at hinanap si Jean.

“Seriously, Leah?” bungad sa akin nito nang makita akong papalapit. Nasa tapat siya ng fountain na mukhang paborito niya laging puntahan. “Ang sabi ko makapal at mahaba. What's that?”

“Chill. Damit pa rin naman 'to, ah. Ano gusto mo mag-jacket ako? Ang init kaya.”

“Tsk. Nagdadahilan pa,” rinig kong bulong niya na ikinatawa ko. Bukod kasi sa halatang inis ito, hindi rin siya makatingin sa akin. “Walang nakakatawa. Magpalit ka nga ro'n! Ang sakit mo sa mata.”

“Then don't look.”

Sumama ang tingin nito sa akin kaya mas lalo akong napangiti. “Imposibleng hindi kita tingnan kung lagi kang nasa paligid.”

“Ano bang problema mo sa damit ko? Disente naman akong tingnan ah.” Nagpamewang pa ako sa harapan niya kaya humagod ang tingin niya sa kabuuan ko. She started to get uneasy and it made me smirk. Bakit ba gustong-gusto kong makita na ganito siya? Halatang-halata naman na nagpa-panic siya.

“Bahala ka nga sa buhay mo!”

Akmang iiwan na ako nito pero hindi ko siya hinayaan. I held her wrist and slide my hand to her hand. Ramdam ko ang pamamasa ng palad niya pero hindi ko siya binitawan. “Akala ko ba may sasabihin ka sa 'kin? Let's talk about it now.”

“B-Bitaw!”

“No, unless you discuss what you're going to say.” Hinila ko siya papunta sa bench at naupo ako roon. Nagmatigas pa ito pero tumabi rin sa akin dahil hawak ko pa rin ang kamay niya. “Now, ano 'yong sasabihin mo? Hmm?”

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon