Chapter 02

75 5 0
                                    

LEAH

"Mom, puwede ba akong sumama?" bungad ko nang maabutan ko sila rito sa salas na nag-aayos ng mga ipamimigay sa taumbayan. Kasalukuyan kasi silang may proyekto para sa mga tao rito, I don't know what exactly it is.

Nagkalat ang mga kasamahan ni Mommy rito sa loob at tanaw ko rin ang iba pa sa labas. Even Tito Gary and Rihan are also wearing a shirt with a huge print of their project logo. Ayaw ko mang magsuot ng ganoon pero kailangan ko ring tumulong bilang suporta kaya hindi pa man sumasagot si Mommy ay kumuha na ako ng isang damit na isusuot ko.

"Ate Leah, dito ka na lang at baka mapagod ka. Kaaalis lang natin kanina, eh."

Nginitian ko lang si Rihan nang magsalita ito. "Ayos lang ako, gusto ko ring tumulong kay Mom," I told her dahil alam nito na napagod ako sa pag-iikot kanina sa mall.

Kasama ko kasi siyang namili at binilhan ko rin siya nang iilan sa gusto niya. Nagsilbi na rin iyong bonding naming dalawa at kahit na papaano ay nakilala ko rin ito nang mas higit pa. Nagpahinga lang ako nang dalawang oras sa kuwarto at bumangon din ako dahil naikuwento nga sa akin ni Rihan na may ginagawa si Mommy na malaking proyekto. I need to give her my support by tagging along with them and that's what I am doing right now.

"Oo nga, Darling. Dito ka na lang," sabat ni Mommy nang matapos siya sa kinakausap sa telepono. She gave me a wide smile, pagkatapos ay lumakad ito palapit at daglian akong niyakap. Napanguso ako sa pagtutol niya. "Kararating mo lang kahapon, you should rest here for now. Bukas ka na lang sumama dahil sa Bagumbayan kami pupunta at papayagan din kitang mamasyal do'n kasama ang kapatid mo."

Hindi man ako nito pinayagan ay napangiti pa rin ako. "Sige po, naiintindihan ko. But can I have this shirt already? I wanna wear this."

"Okay, sa 'yo na 'yan."

I hugged my Mommy's side and give her a kiss on her right cheek. Pagkatapos ay inilabas ko ang cellphone ko para ayain silang mag-picture which they gladly agreed. P-in-ost ko agad ang mga litrato sa social media account ko na pinusuan agad ng ilan. I also received comments after a minute from my close friends pero si Venus lang ang sinagot ko. She's asking where am I kaya hindi na ako nag-atubiling mag-reply dahil mukhang hindi pa nasasabi sa kanila ni Gwen ang pag-alis ko. Hindi ko na hinintay pang sumagot si Venus at itinago ko na ang cellphone ko sa bulsa.

Hindi rin nagtagal sina Mommy at umalis din sila dala ang mga bagay na ipamamahagi nila sa mga tao. Napaupo ako sa mahabang sopa na narito sa salas. Ang tanging kasama ko lang dito ay si Manang Selya na siyang tumatayong kasambahay nila rito at ang pamangkin nito na babae na kaedaran ko lang din. Hindi ko pa sila nakakausap kaya iyon na lang siguro ang gagawin ko habang wala pa sina Mommy.

"Ma'am Eya, ano pong kailangan n'yo?" tanong agad ng ginang nang makita ako nito sa lugar kung nasaan ang hardin ng mga Vicente. Sandali nitong tinigil ang pagdidilig ng mga halaman para ituro ang bandang kanan ko. "May aso riyan, mag-ingat ka at baka maabot ka ni Gene."

Wait. Did I heard it right?

"Je...Jean po ang pangalan ng aso na 'to?" I pointed the dog who's sleeping inside its cage.

"G-e-n-e po, Ma'am Eya," biglang singit mula sa aking likuran dahilan para mapalingon ako. Dumating iyong pamingkin ni Manang Selya na hindi ko pa alam ang pangalan hanggang ngayon.

"Oh yeah, right." I nodded as I scanned her body using my eyes. She's beautiful, but not even par at me. "What's your name?" kalaunan ay usisa ko rito na sinagot niya ng tipid na Shanen at ngiti.

Napatango akong muli bago nagpasyang humanap ng isa pang rigadera sa malapit dahil gusto kong tumulong sa pagdidilig ni Manang Selya. May hawak din kasing walis tingting itong si Shanen kaya nakakahiya naman kung manonood lang ako rito sa gilid habang sila ay may ginagawa.

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon