Chapter 34

56 1 0
                                    

LEAH

She doesn't want to talk to me. Okay fine, kung 'yon ang magpapagaan ng loob niya. I won't talk to her for the meantime. Ayoko naman ipilit ang sarili ko dahil baka lalo lang siyang magalit at umiwas. I don't want that to happen.

Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpasya nalang na umakyat sa kuwarto. After my evening routine, I laid my back to bed and forced myself to sleep. Pero nakailang palit na ako ng puwesto ng higa sa kama, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

I open my eyes and stare at the ceiling. She's really bothering me. Iyong mga sinabi niya kagabi ay hindi ko pa rin maintindihan kung saan nanggaling. Alam ko naman na mali na pinagtaasan ko siya ng boses pero bakit parang may iba pa siyang issue? At saka anong sinasalba niya ang sarili niya sa pamamagitan ng pagpapaligaw? Kung tama ang pagkakaintindi ko, may nagugustuhan siyang tao at hindi niya gustong mahulog doon ng tuluyan kaya niya gustong kumilala ng iba.

The question is, who is that person? Si Eldric ba na dati niyang boyfriend ang tinutukoy niya? Bumalik ba ang feelings niya sa best friend niya? Kasi saka lang naman siya umakto ng gano'n matapos iyong date namin ni Eldric. She seems ignoring me after that night. Kinulong niya pa ang sarili niya sa cabin para hindi malapitan. Is it because Eldric has feelings for me instead of her? Nagseselos ba siya?

"Goodness! Eh 'di sa kaniya na 'yon! Hindi ko naman inaagaw ah," bulong ko at saka napalatak sa inis. Ayoko nang maging hadlang sa pagmamahalan ng kahit na sino. Tama na iyong kina Gwen at Coleen.

Napabangon ako nang bigla akong may mapagtanto. Aha! Kaya pala lagi niyang pinapaalala sa akin na huwag kong i-entertain si Eldric kasi may feelings pa rin siya hanggang ngayon. May patanggi-tanggi pa siya eh halata naman sa galaw niya.

Napailing ako at napa-indian sit sa kama. Iyon lang pala ang rason kaya nagalit siya. I wonder, hindi pa ba niya alam na binasted ko na iyong lalaking gusto niya?

"Mukhang hindi pa nga niya alam," I whispered once again. Muli akong napabuntong-hininga at saka ako nagpasyang tumayo para lumabas. Gusto kong magpahangin at uminom saglit. Baka mabaliw ako kaiisip kapag nanatili ako rito.

I went to the closet and removed my top. Kumuha ako ng hoodie at sinuot iyon. I wear my flipflops and go downstairs. Tahimik lang ang galaw ko dahil baka may magising ako o makaramdam ng kilos ko. Nakababa ako sa kusina at maingat na naglakad papunta sa storage room kung saan nakalagay ang mga alak. Hindi ko binuhay ang ilaw dahil baka may makapansin. Malapit na ako sa pinto ng imbakan nang may marinig akong kaluskos mula sa loob. Imbis na umatras at bumalik nalang sa kuwarto ay dinala ako ng mga paa ko sa loob para tingnan kung anong meron.

“Shit! Who are you?” Napaiwas ako ng tingin nang bigla niyang itapat sa akin ang flashlight. “Ate Eya?”

“Alisin mo muna 'yong ilaw,” saway ko habang ina-adjust ang paningin ko sa paligid. Para tuloy akong nakakakita ng buwan sa dilim.

“I'm sorry, Ate. Nagulat lang ako.” Kita kong itinutok nito paibaba ang flashlight kaya nakita ko na ang mukha nito.

“What are you doing here?” Taas-kilay ko at saka sinilip ang nasa kabilang kamay niya. “Lisha, I told you not to drink, right? Akin na 'yan bote.”

Ibinigay naman nito sa akin ang hawak niyang vodka bago ito napayuko. “I'm sorry, Ate. Hindi kasi ako makatulog eh. Wala rin akong makausap. H-Huwag mo sana ako isumbong kay Mom o kay Lolo, please,” mahinang pakiusap nito bago muling nagtaas ng tingin sa akin. “B-Balik na ako sa room.”

“Sandali,” pigil ko nang akmang aalis na siya. Binigyan lang ako nito ng nagtatanong na tingin kaya nagsalita akong muli. “Come with me, doon tayo sa labas.” Sabay lakad ko paalis.

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon