Chapter 31

48 2 0
                                    

JEAN

“Your programs are outstanding, Tita Amelia. I commend you for putting our people first before anything else, sana ikaw na po ang hinahanap ng taong-bayan para umunlad ang lugar natin.” Inilahad ko ang kamay ko rito na siyang kinuha niya ng may ngiti sa labi.

Pagkatapos kasi naming mangabayo kanina ni Shanen, maya-maya lang ay dumating ito rito sa hacienda. Nag-usap muna sila saglit ng anak niya bago ako nito hinintay para kausapin din. She discussed her plans for our province and its people, and I found it tremendous. Maganda ang plano niya, mula sa agrikultura, pangkalusugan, edukasyon, at kabuhayan ng mga tao. May plano rin siyang ipatayo na mga gusali na makakatulong ng malaki sa mga tao, lalo na roon sa malalayong lugar na hindi masyadong naaabot ng gobyerno.

Nakukuha na niya ang loob ko pero kailangan ko pang malaman ang panig ni Tito Elijah. I want to be fair to the both of them.

“Maraming salamat, Callie. Masaya ako na nakita mo bilang maganda para sa ating lahat ang mga nilatag kong plano. Nawa'y makatulong ang desisyon mo upang maging totoo ang mga hangarin ko para sa bayan natin,” she uttered and shakes our hands. “Tandaan mo na hindi kita kailanman pipilitin na piliin ang partido namin. Huwag ka sanang makaramdam ng hiya o ano pa man kung sakaling mas magustuhan mo ang plano ng kabila. Piliin mo ang mas karapat-dapat. Don't stress yourself too much and just choose wisely. Okay?”

“Yes po, Tita. Salamat po sa advice.” I hugged her with a smile. Saka ako bumeso paghiwalay namin. “Hatid na po kita sa labas?”

Nakangiti itong tumango at lumabas na kami ng cabin. Akala ko ay magpapaalam na ito para umalis nang huminto siya sa tapat ng bahay pero mali ako.

“Ayos lang ba kung may ipakiusap ako sa 'yo?”

Natigilan muna ako bago ako nakasagot. “Oo naman po, wala pong problema. Ano po ba 'yon, Tita?”

“Kung puwede sana ay tingnan-tingnan mo ang anak ko habang nandito siya? Gusto ko lang malaman kung ayos lang ba ang lagay niya rito dahil hindi na rin kasi kami palagi nakakapag-usap. Hindi ko rin alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o ayaw na lang niya akong pag-alalahanin.”

“Makakaasa po kayo, Tita. I'll look after her, huwag po kayong mag-alala sa kaniya. Safe po siya rito.”

“Sana nga, Callie.” Lumayo ang tingin nito na sinundan ko kung saan napunta. She looked at the main house. “We both know that it's no longer safe here. Mas less lang ang danger kaysa sa labas pero hindi pa rin ligtas dito.”

Napatitig ako rito. She was aware. Alam siguro niya ang nangyari kay Lolo noon kaya nasabi niyang hindi ligtas dito.

“I'll make sure na wala pong mangyayaring masama sa kaniya, Tita.”

Doon ay bumalik ang tingin nito sa akin. “Thank you, Callie. Ingatan mo rin ang sarili mo.” Lumapit ito sa akin at tumapik nang marahan sa balikat ko. I just smile at her in appreciation. Kita ko ang pag-aalala nito sa anak niya at para na rin sa akin. Bigla ko tuloy na-miss si Mama.

“Tita.”

“Yes, darling?”

Napangiti ako sa tinawag nito sa akin. Mahilig talaga ito gumamit ng mga endearment kaya hindi na ako nagulat. “Dumaan po ba kayo kina Mama kahapon?”

Slowly, she shake her head. “Gusto ko sana kaso may ginagawa naman ako kahapon,” malungkot niyang sambit. “Ikaw, binisita mo na ba sila?”

A memory flashes my mind. I got deja vu from what she said. Iyon kasi ang parehong tinatanong niya sa akin kapag nakikita niya ako tuwing pinupuntahan niya noon sina Mama at Papa.

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon