JEAN
“Pwe! Ang pait!” Agad akong nagmartsa palabas ng kuwarto at hinanap ang babaeng nagtimpla ng kape ko pero wala akong nadatnan. Inis na dumiretso nalang ako sa sink at tinapon doon ang laman ng baso. “Akala niya ba nagbibiro ako? The audacity!” I gargle to remove the bitter taste. Uminom na rin ako ng tubig para mawala na nang tuluyan ang lasa.
Sinilip ko ang pool area pero wala rin ito roon. I sighed aggressively. Lumabas ako ng cabin at luminga-linga sa paligid dahil baka nasa paligid lang ang bruha. Natanaw ko ang bulto nito sa garahe habang may kinakausap.
I ran into them and interrupted whatever they're talking about. “How dare you?! Ang sabi ko coffee!”
She darted me a bored look. “Hindi ba kape 'yon?”
“Hindi!” I yelled but she just wave me off. Napapadyak ako sa inis. “Who are you to do this? I'll fire you!”
“Will you shut the hell up? Ang babaw lang no'n! Mamaya ka na magalit, I'll accept your wrath later pero tulungan na muna natin si Ate Risa. She needs to go to the hospital asap,” malumanay na sabi niya sa dulo.
Lumipat ang tingin ko sa katabi niya. Agad namang nawala ang namuong inis sa loob ko nang makita ang mukha nito. She looked problematic.
“Ayos ka lang ba, Ate Risa? May sakit ka ba?”
“Wala ho, Señorita. Pero iyong Nanang ko, sinugod siya sa ospital ngayon.” May tumulong luha sa mata nito matapos niya iyong sabihin. Napasinghot siya bago muling nagsalita, problemadong-problemado ito na naiintindihan ko naman ang rason. “Gusto ko sanang magpaalam kay Don Levi kaso may meeting pa siya. Hindi ko alam kung kailan 'yon matatapos. B-Baka hindi ko na maabutan ang Nanang ko, Señorita.”
Biglang sumikip ang dibdib ko nang marinig ang huli niyang sinabi. “Okay, uhm, anong puwede nating gawin? Ipagpapaalam kita kay Lolo.” Akmang aalis na sana ako nang may humawak sa pulsuhan ko para pumigil. “Get off, Leah. She has to go, 'di ba?”
“Nanggaling ako roon kanina. Your Lolo is currently in the meeting. Ikaw nalang ang magdesisyon.”
“Why me? Kay Lolo siya nagta-trabaho.”
“You have a power too. Utusan mo 'yong driver para ihatid si Ate Risa.”
“Hindi rin sila susunod sa 'kin.”
“At bakit? You're a heiress.” Hindi ako nakasagot dahil parang nakain ko ang sarili kong dila. She hissed and shot me a glare. May gusto pa sana itong sabihin pero mas pinili nalang niyang harapin si Ate Risa. Maya-maya ay hinawakan niya ito sa bandang likod at giniya sa sasakyan. “Ako na po ang maghahatid sa inyo. Sabihin n'yo na lang ang address.”
“M-Ma'am, baka mapagalitan ka ni Don Levi.”
“I'll take the responsibility, sakay na po kayo. Ang mahalaga makarating kayo ro'n as soon as possible.” She opened the shotgun seat and let the maid sat inside. Napaiwas ako ng tingin nang bumaling ito sa akin matapos maisara ang pinto. I suddenly felt incapable of being a heiress. Tama siya na may karapatan akong magdesisyon pero hindi ko magamit. Akala ko ay may sasabihin pa ito sa akin pero nakita ko na lang na paalis na ang sasakyan niya.
I realized something.
Gwen was right. Mukha lang walang pakialam si Leah sa paligid niya pero ang totoo ay meron talaga siyang malasakit. Hindi naman sila close ni Ate Risa pero tinulungan niya pa rin. Now I'm wondering, ano ba talaga ang totoong Leah doon? Iyong mahangin at mayabang, o iyong may puso para sa iba?
It makes me want to understand her more. Hindi naman pala siya gano'n kasamá.
“Kuya Waki,” tawag ko rito nang makarating ako sa tapat ng office ni Lolo. Nakatayo lang ito sa gilid ng pinto at nagbabantay. “Puwede na bang kausapin si Lolo? Is he done with the meeting?”
![](https://img.wattpad.com/cover/307006741-288-k380091.jpg)
BINABASA MO ANG
Runaway Heiress [ONGOING]
Romance"You can't boss me around here, this place is my territory." Pagkatapos madurog nang paulit-ulit sa pagmamahal sa taong hindi siya ang gusto, nagpasya si Leah na pumunta sa probinsya para makalimot. Pipilitin niyang makausad sa pamamagitan ng pagtul...