JEAN
Pakatok na sana ako sa pinto ng kuwarto ni Lolo nang biglang may humigit sa akin paalis sa harap ng pintuan. Namalayan ko na lang na dinala ako nito sa isang sulok malapit sa may bintana, itinago nito ang sarili namin sa likod ng malaking kurtina.
"Apay adadtoy ka, Señorita?" (Bakit nandito ka, Señorita?)
Napakunot ang noo ko sa kakaibang tinig nito. "Umuwi ako para kumustahin si Lolo nang personal." Hinarap ko ito at doon ko nakita ang 'di maipinta niyang mukha. "Bakit parang kinakabahan kayo, Manang?"
"Rummuarkayo ditoy sakbay a matiliw ti amin." (Umalis ka na dito bago pa mahuli ang lahat.)
"Apay, Manang?" (Bakit po, Manang?)
"Adda kayat-" (May gustong-)
Naputol ang gusto niyang sabihin nang biglang may tumunog na pumadyak sa sahig, parang naiinis. Kasunod niyon ang malakas na pagsabi nito ng Mangdadael iti init! (Panira ng araw!).
Pinakiramdaman namin ito hanggang sa umalis sa puwesto nito na sa tingin ko ay ilang metro lamang sa kurtina kung nasaan kami.
"Manang, anya ti ibagbagam? Saanka a maawatan." (Manang, ano po bang sinasabi n'yo? Hindi ko kayo maintindihan.)
"Agsaritatayo inton agangay, Señorita. (Mamaya na tayo mag-usap, Señorita.) Kapag umalis na si Cosette," bulong ni Manang Opel bago dali-daling umalis at iniwan akong tulala at walang maintindihan.
Kaya ba kanina pa siya tingin nang tingin kasi may gusto siyang sabihin? Nagkaroon nga siya ng pagkakataon pero 'di naman niya ako diniretso. Ano bang gusto niyang iparating? Para saan iyong pagbibigay niya ng babala? At saka, bakit t'saka niya ba sasabihin 'pag wala si Tita Cosette?
Something's really off here.
Kailangan ko ng sagot sa lahat ng tanong sa isip ko bago pa ako mabaliw kahuhula.
Inalis ko ang sarili ko sa kurtina at pumunta sa kuwarto ni Tita Cosette. Alam kong ito ang kuwarto niya kasi nakita ko siyang lumabas dito kanina nang umakyat ako para magpalit ng damit bago kami naglibot ni Eldric. Sa kasamaang palad ay walang nagbubukas nang kumatok ako.
Napatulala ako sa pinto habang ilang katanungan na naman ang pumapasok sa isip ko. Nagulat na lang ako nang may biglang nagsalita mula sa aking likuran dahilan para mapahawak ako sa dibdib.
"Who are you?"
Hindi ko pa man ito nakikita pero alam ko na kung sino siya.
"Again, who are you and how did you enter here?" tanong nitong muli sa mas ma-awtoridad na boses. Hindi ako sumagot at humarap na lamang, sapat na iyon para malaman niya ang sagot sa tanong niya.
Matagal bago nagkaroon ng reaksyon ang kulubot niyang mukha. Ang tanda na talaga ng Lolo ko. Noon kasi bago ako umalis, hindi pa ganito katanda ang itsura niya. Ngayon, meron na siyang pekas sa pisngi at guhit sa noo na senyales ng katandaan. Oh, may hawak na rin pala siyang tungkod ngayon bilang suporta sa paglalakad.
"Kumusta po kayo, Lolo Levi?" ang unang lumabas sa bibig ko at humakbang palapit para bigyan siya ng mabilisang yakap. Pagkatapos ay tinitigan ko ito sa mata at ngumiti. "Nabalitaan ko po kay Eldric ang tungkol sa lagay n'yo kaya dumalaw ako para mangamusta. How's your feeling now, Lo?"
BINABASA MO ANG
Runaway Heiress [ONGOING]
Romance"You can't boss me around here, this place is my territory." Pagkatapos madurog nang paulit-ulit sa pagmamahal sa taong hindi siya ang gusto, nagpasya si Leah na pumunta sa probinsya para makalimot. Pipilitin niyang makausad sa pamamagitan ng pagtul...