Chapter 03

54 3 0
                                    

LEAH

Hindi na ako nakatanggi nang hilain ako bigla ni Rihan papasok sa isang chapel kung saan kita ko na nagsisindi ng kandila ang iilan. Katatapos lang ng misa rito sa St. Peter Metropolitan Cathedral, at bago raw kami dumiretso sa paborito niyang kainan sa malapit ay magsindi muna raw kami ng kandila para magpasalamat at humiling sa nasa itaas.

I prayed for my family and friends, pagkatapos ay humiling naman ako ng para sa sarili ko---paghilom para sa lahat ng sakit sa puso ko at pagtanggap na galing kay Dad. Ngayon-ngayon ko lang kasi napagtanto na hindi pala ako tanggap nang buo ni Dad kahit na hindi ko pa naman inaamin sa kaniya ang bagay na hindi niya gusto.

Mommy said that he loathe the same gender relationship. Matigas ang pagtutol niya sa ganoon dahil ilang beses na raw siyang naiwan ng babae noon para rin sa babae. Even my mother only confessed it to him na matagal na iyon at hindi naman siya nito iiwan, my father still cut ties with her. Ewan ko kung mataas lang talaga ang pride ni Dad o talagang itinuturing niyang malaking apak iyon sa pagkatao niya. Every reason and feelings were valid though, kaya mas pipilitin ko siyang intindihin kahit na kabilang na ako sa kinaaayawan niya.

I should stay silent and I should make sure na pagkatapos kay Gwen ay lalaki naman para hindi kami magkaroon ng komplikasyon ni Dad kapag may ipinakilala ako sa kaniya. All my life, he's in my favor, palagi siyang nakikinig sa akin at hinahayaan ako sa mga gusto ko. But this story is different, hindi niya ito tatanggapin kaya tama lang na hindi ko siya i-dissappoint pagdating sa pagpili ng mamahalin.

“Ate, ba't 'di mo kinakain ang pagkain? 'Di mo ba gusto?”

Napakurap ako nang marinig ang boses ni Rihan. Doon ko lang napagtanto na hindi ko pa pala nagagalaw ang pagkain na nasa harapan ko. Her plate was almost empty while mine is still full.

“Ano nga ulit ang tawag sa pagkain na 'to?” tanong ko bago dinampot ang disposable spoon papunta sa pinggan at kumuha roon para tumikim.

“Pansit Batil Patong, Ate.”

“Ang haba naman ng tawag dito,” komento ko at sinubo ang pagkain na gaya ng sa kaniya. “But it's good huh.”

Tumango-tango lang si Rihan bago tinawag ang waiter at muling nag-order ng isa pang plato ng pansit para sa kaniya. “Ate, kung gusto mo pa, order ka lang at ako na ang bahalang magbayad.”

I smile at my sister. Ang sabi niya kasi, siya naman daw ang manlilibre ngayon dahil binilhan ko siya kahapon ng mga damit na gusto niya. Pay back time raw at sisters' thing ang ganito kaya dapat daw ay masanay na ako simula ngayon.

“Ate,” tawag nito dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kaniya mula sa pagkain. “Puwede ka po bang magkuwento ng tungkol sa 'yo? Katulad po ng trabaho mo at mga gusto mong ginagawa.”

“Kung sasagutin kita dapat ganoon ka rin,” I countered back and smile lovingly at her.

“Sige po, walang problema.”

Nag-umpisa na akong magkuwento at nakinig naman siya habang kumakain. Tumagal kami ng kalahating oras sa kainan na iyon dahil umulit pa si Rihan ng isa pang plato habang kumuha rin ako ng isa. Nag-try rin kami ng iba pang putahe na na-enjoy ko talaga dahil masasarap ang pagkakaluto nila sa mga iyon. Matapos no'n ay nagpatunaw kami ng mga kinain namin sa paglalakad at pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay tungkol dito sa probinsya.

Maraming nabanggit si Rihan na mga tourist spot na puwede naming puntahan 'pag pinayagan kami ni Mommy na gumala. Pero saka na lang namin dadayuhin ang mga iyon 'pag tapos na ang ginagawa ni Mommy dahil baka raw mapahamak kami. Sa maniwala man kayo o sa hindi, rito pa nga lang ngayon ay may nakabantay na sa 'min. Patago lang silang sumusunod dahil binibigyan nila kami ng privacy gaya ng utos sa kanila ni Mommy.

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon