Chapter 45

36 0 0
                                    

LEAH

“Mom, I'm already fine. Gusto ko nang bumalik sa Vergara estate bukas,” kumbinsi ko sa kaniya habang binabalatan ako nito ng mansanas pero parang wala lang itong narinig at nagpatuloy lang sa ginagawa.

It's almost been a week, at masyado nang matagal akong nag-i-stay rito sa hospital para magbawi ng lakas. Okay naman na ang kondisyon ko, si Mommy lang talaga ang mapilit na dumito na muna ako. Si Shanen kasi ay nakauwi na sa bahay noong nakaraang araw dahil bumuti na ang lagay niya. Kumpara kasi sa akin ay mas kaunti ang tinamo niyang sugat kaya pinauwi na siya.

Gustong-gusto ko na talaga bumalik sa hacienda dahil wala akong update sa nangyayari sa mga tao roon. Hindi na ulit bumisita si Jean para kumustahin ako. Hindi ko man lang nakita ni anino niya noong araw na nagkamalay ako. Pero ang sabi ni Mom ay siya ang nakahanap sa amin at magdamag na nagbantay sa akin bago niya ito pinauwi. But I was wondering why she's not coming back to check on us, on me. Sa tigas ng ulo ng babaeng iyon, gagawin niya kahit na anong gusto niya, kaya bakit hindi siya nagpapakita sa 'kin?

“Pinagalitan mo ba si Jean, Mom?” I can't help but asked her.

Nakita kong napahinto ito sa pagkilos bago nagbaling sa akin ng tingin. “Hindi ka na babalik sa kanila, Eya. I won't let you.”

“Bakit ba nagagalit ka sa kanila? Wala naman silang kasalanan sa nangyari, Mom, hindi naman nila ginusto 'tong nangyari sa 'min.”

“It's still because of them. Huwag ka nang matigas ang ulo,” diin niya at pagkatapos ay inabot nito sa akin ang mansanas na wala ngayong balat.

Kinuha ko iyon kahit pa masama ang loob ko dahil baka mas lalo itong magalit. Alam kong bibigay rin siya, kailangan ko lang siyang kumbinsihin. “Then how about the endorsement? Hahayaan mo nalang ba iyon na makuha ng kalaban mo? That's a huge loss for the campaign, Mom. Kailangan natin ang mga Vergara.”

“Not anymore, Eya. Hindi ko isusugal ang pamilya ko para sa posisyon na mahirap abutin.”

“I thought, hindi ka magtatanim ng sama ng loob sa kanila? Talagang bibitawan mo sila dahil sa nangyari? Mom, hindi---”

“Ikaw, Anak, why are you even staying with them, hmm? Nandito ka para bumawi tayo sa isa't isa, hindi ba? Bakit kailangan mo pang ubusin ang oras mo para magtrabaho sa kanila kung puwede naman na gumawa nalang tayo ng mga alaala nang magkasama? Rihan misses you, lalo na ako, Darling. I miss you so much. Huwag ka nang bumalik sa kanila, hmm? Sa bahay ka nalang para mas kampante ako.”

I stared at her face. Her eyes were glistening in fear? Sadness? Worry? Love? It was all at once. Ramdam ko rin ang sensiridad sa boses niya kaya alam kong hindi lang iyon dahil sa galit niya sa pamilya nila Jean o sa may gawa nito sa 'min. She's scared to lose me. Pero kailangan din ako ni Jean doon. And I want to be there with her, gusto ko siyang kasama dahil gaya ni Mommy, mas kampante rin ako kapag nando'n ako.

“Siguro nabuburyo ka na rito, ano? Oh sige, uuwi na tayo sa bahay mamaya,” dagdag pa nito na may maliit na ngiti na nakapaskil sa kaniyang labi.

Ayoko namang maging makasarili kaya sige, sa kanila na muna ako mananatili. If that's how I will convince her to do what I want then be it. Nami-miss ko na rin naman sila.

True to my mother's word, umuwi na nga kami sa bahay pagkatapos ng tanghalian. Unang sumalubong sa akin si Rihan, yumakap ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi. She's blabbering words like she's happy that I'm already recovered, nothing's bad happened, and whatnot. Halos hindi ko na maintindihan dahil sa excitement ng boses niya nang makita ako.

“Where's Shanen?”

“Nasa taas, Ate, nililinis pa niya iyong kuwarto na gagamitin mo.” I furrowed my brows at her. Mukhang na-gets naman niya ang reaksyon ko kaya muli itong nagsalita. “Sabi ko sa kaniya, ako nalang gagawa pero mapilit siya eh, salubungin daw kita rito sa baba. Siya na raw bahala roon at madali lang daw 'yong ayusin.”

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon