Chapter 16

48 2 0
                                    

LEAH

“Hep, where are you two going?”

Napangiti ako kay Mommy nang harangin kami nito ni Rihan sa pinto. Seryoso talaga siya sa sinabing babantayan ang kilos ko dahil nalaman na nito ang ginawa kong siya dapat ang gagawa. Nagsumbong pala kasi si Jean noong dumaan siya rito sa bahay. Napilitan tuloy akong makipagbati sa babaeng 'yon kahit na sobrang labag sa kalooban ko.

Sinabihan ako ni Mommy na hahayaan niya akong tumulong sa kaniya sa kampanya kapag naging magkaibigan kami ulit, I can't just let it passed kaya wala na akong nagawa at ginawa na lang ang gusto niya. The idea of red roses was from Shanen. Ayoko nga sana pero basta, no choice ulit ako. Wala rin kasi akong maisip na pang-peace offering. Anyway, let's move on from that. Mukhang ayos din naman ang nangyari, for now.

“Nanang, mamimili lang po kami ni Ate ng regalo para kina Nisha at Lisha. Birthday na kasi nila bukas,” dinig kong sagot ng kapatid ko na siyang tinanguan ko lang.

“Magpabili na lang tayo ng ire-regalo kay Heidi. Huwag na kayong lumabas, makulimlim pa naman ang langit.”

“Eh Nanang, naghihintay na po si Ate Callie sa 'min eh. Dadaanan pa po namin siya sa kanila.”

Naparolyo ako ng mga mata. Oo, sasama sa amin si Jean papunta sa mall. Kinausap niya ang kapatid ko para magpatulong kung ano ang magandang ibigay sa mga pinsan niya. Nagpumilit itong sasakay sa kotse ko para raw walang bubuntot na mga guard sa kaniya. Ayoko rin namang mangyari 'yon kaya pinayagan ko na.

“Oh siya, sige na. Nakakahiya naman kay Callie, sunduin n'yo na siya ro'n.”

“Thanks, Nanang!” Hinalikan ito ni Rihan sa pisngi bago nauna ng lumabas.

“Eya ha, behave.” Mommy gave me a stern look.

“I will,” tugon ko at hinalikan din ang pisngi nito. “Babalik kami agad after namin mamili. Ako na bahala kay Riri, Mom, don't worry.” Alam ko kasi na nag-aalala ito sa seguridad namin.

“Pasusundan ko na lang kayo.”

I sighed. “Sige po, Mom. Basta huwag lang po silang lalapit. I want us to have a privacy.”

“Alright, I'll grant your request.” Tinapik ako nito sa balikat. “Sige na, mag-ingat kayo. Drive safely.”

Alas-onse na nang makarating kami sa mall gawa ng matinding traffic. Ang kapatid ko lang ang kumausap kay Jean sa buong byahe. Pinagmukha pa nga nila akong driver dahil sa backseat talaga sila nagsiupo.

“Ang tatagal humakbang,” bulong ko habang nauuna ng lakad sa mga ito. Naglilibot na kami ngayon sa loob ng mall. Ilang beses nang nakapunta rito si Rihan kaya kabisado na nito ang pasikot-sikot.

Napahinto ako sa paglalakad nang makaramdam ako ng gutom sa tiyan. Sa paghinto kong iyon ay nakarinig akong napadaing.

“Aray!”

Sinamaan ko ito ng tingin matapos niyang bumangga sa likod ko. “Tumingin ka nga sa dinaraanan mo! Panay kasi usap habang naglalakad.” Mukhang tinamaan din si Rihan sa sinabi ko kaya na-guilty ako bigla. “I'm sorry. Kumain na nga muna tayo,” pabulong ko nang sambit sa dulo pero alam kong narinig naman nila.

Kumain kami nang tahimik sa isang fast food restaurant at umalis din agad pagkatapos. Huminga ako nang malalim bago pinantayan ang paghakbang nila. Hindi na kasi nag-uusap ang mga ito dahil sa sinabi ko kanina.

“Look, girls, hindi ako galit kanina. I don't want to ruin what we're doing so please don't make me look like a bad person here,” I approached them using my soft voice.

“Ate, sorry rin. Siguro pakiramdam mo nale-left out ka namin ni Ate Callie.”

I smiled at my sister. “No, I'm perfectly fine.” Binalingan ko si Jean na nakatingin din pala sa akin. “You, I'm sorry if I yelled at you. Gutom lang ako kanina kaya umatake iyong init ng ulo ko.”

Runaway Heiress [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon