LEAH
I groaned. Nahihilo na nga iyong tao binato pa! Puwede naman kasing iabot nalang, 'di ba? Napakasama ng ugali. Nagka-scratch pa tuloy ang mukha ko dahil sa talim ng lalagyan ng tableta. Kainis.
But I remember, we're still not okay so I had to be civil with her. I sighed. Parang wala tuloy akong karapatan na magalit at magtaray sa kaniya. In my normal, kahit na masakit pa ang ulo ko ay lalabanan ko iyon. But now that I've decided to change myself, titiisin ko nalang para hindi lumaki ang away. I think dapat akong maging proud sa sarili ko dahil nakokontrol ko na kahit papaano ang inis ko.
“Ma'am, tubig ho.”
Nag-angat ako ng tingin nang may lumitaw na baso sa harapan ko. “Salamat, Ate.” Kinuha ko iyon at nilapag sa lamesa.
“Pasensiya ho sa paggising ko ah, utos kasi ho ni Señorita eh. Kailangan n'yo na raw ho kasi lumabas dito,” nahihiya niyang sabi habang binubuksan ko ang isang tableta ng gamot.
“It's okay.” I drank the medicine with the water. Pagkatapos ay tumayo na ako at sandaling nag-inat ng katawan. My head was still aching but I think I can walk straight. Ayoko naman na ipagpilitan pa ni Jean na paalisin ako. Kaya bago pa siya makalabas ng room niya ay dapat wala na ako rito.
“Magkaaway ho ba kayo ni Señorita, Ma'am?” dinig kong usisa ni Ate Risa nang makalabas kami sa cabin.
I know better not to answer her question. Kapag sinagot ko iyon ay baka kumalat pa. Ayoko naman na pag-isipan niya ako o si Jean ng masama. Sila nalang ang bahalang mag-isip kung anong nangyayari sa pagitan namin.
Nang hindi ako sumagot ay hindi na ito nagtanong pa. Dumiretso ako sa kuwarto, hindi para ipagpatuloy ang tulog ko kun'di ay para maligo na. Hindi magandang ideya ang matulog ulit dahil alanganin na sa oras. Baka mahuli lang kami sa trabaho.
Nasa gitna ako ng pagligo at minamasahe ko pa ang sumasakit kong sentido nang biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. I was stunned. Oh crap! What the heck? Where's Lisha? Is she safe?
Mabilis na pinatay ko ang shower at lumabas ng shower room. I grabbed the robe and wore it before I rushed outside the room to find a maid near my place. Nang may nakita ako ay agad akong lumapit dito at inabala ito sa paglilinis ng hagdan.
“Ate, where's Lisha's room here? Pakituro naman sa 'kin,” pakiusap ko rito.
She turned to me, bahagya pang nalaglag ang panga niya ng makita ang mukha ko. Pero imbis na sumagot sa akin at ituro ang kuwarto ay napaatras ako sa sobrang lakas ng sigaw nito. Shit! Nakalunok ba siya ng microphone? Ang aga-aga. Sa tingin ko ay dumagundong ang boses niya sa bawat sulok ng bahay.
“Hey, I was just asking you. Where's the---”
“M-Ma'am...” Nanginginig at nakapikit na tinuro nito ang katawan ko kaya napatingin din ako sa aking sarili at napalaki ako ng mga mata nang mapagtanto ang rason kung bakit siya sumigaw. The hell.
The robe is fvcking open!
Dali-dali akong tumalikod at tinali iyon ng maayos. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa pagkapahiya. She saw my nudity... for free. Argh! This is humiliating!
“Anong nangyari? Maricar, bakit ka sumisigaw? Nakakabulahaw ka! Ang aga-aga!” rinig ko ang boses ng mayordomang si Manang Opel.
Hindi pa man nakakasagot itong babae sa harapan ko ay mayroon muling nagsalita.
“Anong nangyari rito? Ano iyong sumigaw?”
That's Joaquin, if I'm not mistaken.
I am still turning my back on them but I saw Maricar pointed her finger at me. “S-Sir, si Ma'am kasi---”
![](https://img.wattpad.com/cover/307006741-288-k380091.jpg)
BINABASA MO ANG
Runaway Heiress [ONGOING]
Romance"You can't boss me around here, this place is my territory." Pagkatapos madurog nang paulit-ulit sa pagmamahal sa taong hindi siya ang gusto, nagpasya si Leah na pumunta sa probinsya para makalimot. Pipilitin niyang makausad sa pamamagitan ng pagtul...