JEAN
“Magandang umaga, Señorita, bakit n'yo po ako muling pinatawag?”
I smiled when I got a glimpse of how he looked today. Ang warm niya tingnan at ang lakas makaginoo ng porma niya.
“Salamat sa paghihintay at pagdating, Andrew,” sambit ko bago naupo sa kaharap niyang sopa. Katatapos ko lang kasing maligo dahil kagagaling ko lang sa labas para magpapawis.
Akala ko ay mamaya pa ito darating dahil kasasabi ko palang sa tauhan namin kanina na papuntahin siya, hindi ko inexpect na makakapunta siya agad dito para kitain ako.
“Walang anuman, Señorita, ang gaya mo ay hindi dapat ipinaghihintay,” ang nakakaunawang tugon nito bago nagbigay ng ngiti sa akin.
Napangiti rin ako rito. “Gaya ng sabi ko noong nakaraan ay bibigyan kita ng trabaho. Ito na ang oras na iyon, Andrew. Tatanggapin mo ba ang inaalok ko sa 'yo?”
“Anong trabaho, Señorita? Baka hindi ako maruno---”
“May ipasusundan lang ako sa 'yong tao at sasabihin mo sa 'kin lahat ng ginagawa niya. Gano'n lang kasimple,” putol ko nang hindi nagsasayang ng oras. Ayokong magtagal siya rito at baka makatunog ang iba. Hangga't maaari kasi ay hindi ko muna gustong ipaalam kahit na sino iyong plano ko.
“H-Hindi ako para sa gano'ng trabaho, Señorita. Pasensiya na pero ayokong malagay sa alanganin.”
Mabagal na napatango ako. Naisip ko na rin na tatanggihan niya ang alok ko pero siya lang ang kilala ko para magtrabaho sa akin na hindi mapapansin na sa akin nagta-trabaho. I'm planning to watch Tita Cosette. Hindi niya kilala si Andrew at hindi siya nito mapapansin na umaaligid sa kaniya dahil kilala niya naman ang mga tauhan namin.
“Andrew, alam mo ba kung bakit ikaw ang napili ko?” Umiling naman ito sa tanong ko. “It's because I trust you. Naniniwala akong mabuti kang tao at matutulungan mo 'ko. So please, pag-isipan mo.”
“S-Sino bang pasusundan mo, Señorita?”
“Si Cosette Vergara. Kilala mo naman siya, 'di ba?” palagay ko dahil imposible namang hindi niya kilala dahil alam nila ang kuwento ng pamilya namin, lalo na at si Tita Cosette ang asawa ni Tito Lucas.
“Oo,” tila kabado niyang sabi at parang hindi makahinga na tiningnan ako.
Bigla naman akong naalarma. “Andrew, okay ka lang?”
Mabilis na pinakawalan nito ang malalim na hininga at nag-adjust sa kinauupuan niya. He look tensed. Parang nagdadalawang-isip na tuloy akong ipagawa sa kaniya iyong gusto ko. Baka mapaano pa ito kapag inutusan ko dahil halatang kabado siya.
“Ayos lang ako, Señorita. Hindi ko lang talaga inasahan iyong rason kung bakit ninyo ako pinatawag.” Mahina na natawa pa ito sa akin.
“Pasensiya ka na kung biglaan. Nababahala na kasi ako sa inaakto ni Tita Cosette nitong mga nakaraang araw. Pero kung hindi mo talaga kaya iyong trabaho na inaalok ko, naiintindihan ko naman. Pasensiya ka na ulit, Andrew, naistorbo pa yata kita,” nahihiya kong sabi at bahagya na lamang na napangiti rito. Tumayo na ako para sana ihatid siya sa labas nang bigla niya akong hawakan sa pulsuhan. Nagtataka ko itong tiningnan at bago pa ako makapagtanong ay nauna na siyang magsalita habang nanginginig pa ang kamay.
“M-May usap-usapan ngayon sa baryo.”
“Anong usap-usapan?” Hindi ko alam pero kinabahan ako sa kung paano niya iyon bigkasin, dagdag pa iyong paraan ng pagtingin niya sa akin na para bang sikreto iyon na hindi dapat sabihin dahil nakamamatay.
Bumitaw na ito sa akin nang makuha niya ang atensyon ko. Muli akong napaupo sa sopa at ito naman ay napahawak sa magkabila niyang tuhod. “May nakakita raw kina Mayor at Cosette na magkasama, usap-usapan na meron daw relasyon ang dalawa.”
![](https://img.wattpad.com/cover/307006741-288-k380091.jpg)
BINABASA MO ANG
Runaway Heiress [ONGOING]
Romansa"You can't boss me around here, this place is my territory." Pagkatapos madurog nang paulit-ulit sa pagmamahal sa taong hindi siya ang gusto, nagpasya si Leah na pumunta sa probinsya para makalimot. Pipilitin niyang makausad sa pamamagitan ng pagtul...