Chapter 2.
Ilang araw ko nang iniisip kung bakit tinanong niya kung Alonzo ba ako. Hindi ko na kasi siya nasagot dahil dumating na rin sa dada Travis, asawa ni titanang Xiera. Sa kanila akong nakatira ngayon dito sa La Union, at kahit na nakikitira lang ako ay maayos nila akong tinatrato.
Sobrang babait kasi ng mga kapatid ng mga magulang ko, kaya minsan blessed na ako kung ituring. Sobrang swerte ko sa kanila dahil tinatrato nila akong tunay na anak. Si Vixie lang kasi ang anak nila, lalaki rin, pero hindi ko gaanong kasundo dahil tahimik siya samantalang ako ay madaldal.
"Anthropology is the study of human societies and cultures and their development." I gulped. "In short, it is the science of human be—"
I suddenly stopped reciting when someone knocked on the door of our classroom. Our instructor went to the door and opened it.
"Yes?" she asked sweetly.
Lahat tuloy kami ay napatingin sa pintuan dahil doon. I saw a man standing there holding a pile of papers. Our eyes met, and he was intently looking at me.
He averted his gaze for awhile. "Ma'am, hindi ko po kasi alam kung saan ko 'to ilalapag? Kaya hinanap ko po kayo," ani ng lalaki.
Tumingin muna saglit si ma'am sa akin. "Ms. Alonzo, you may sit down," aniya kaya naupo na ako. Tumingin siya ulit sa kaniyang kausap. "Pakilapag na lang dito sa mesa at iche-check na namin iyong sa kabilang section."
Pumasok ang lalaki at bulungan ng mga kaklase ko ang naririnig. They murmured about him—about his all-over features, and admiring him.
"Hays. Ang pogi talaga niya," bulong sa akin ni Karla.
Lumingon naman sa akin si Ayel. "Nandiyan na ang rival mo, 'teh."
I rolled my eyes at her. Saglit pang lumingon sa pwesto ko ang lalaki at nagtama ulit ang tingin naming dalawa. I raised my brows and was confused. He just went back to the door and talked to our instructor shortly.
Ano kayang tinitingin-tingin niya? Nakikita ko pa lang siya ay nababadtrip na ako. Paano pa kaya kapag nakasama ko isang lugar, 'yan? Edi iinit na palagi ang ulo ko.
Mukhang mahina talaga ako kay Lord dahil akalain mong nagkaroon ng meeting ang mga sasali para sa short story, kaya naman nasa AVR kami ngayon. Isa itong room sa admin building kung saan madalas isagawa ang mga meetings.
Nakita ko kaagad si Jaziel na nakatayo na sa may pintuan, kakapasok niya lang. Napapikit na ako nang mariin at iniisip na sana hindi siya tumabi sa akin at doon na lang sa kabilang side. Bakante pa kasi sa kabilang pwesto.
Lahat na yata ng santo ay tinawag ko, but he still chose to sit beside me. Maya-maya lang ay naamoy ko na kaagad ang kaniyang pabango na sumisiksik sa ilong ko.
Wala pa iyong head of the meeting, kaya ang ilan ay nagdadaldalan maliban sa amin ni Jaziel. Jusko alam ko, kasi kung saan ako madalas dumaldal! Sa mga kaibigan ko lang, o kaya sa ninong at pamilya ko lang.
Pero sa mga ganito, may hiya pa naman ako. Inaamin ko talagang madaldal ako simula pagkabata, pero binawas-bawasan ko na iyon ngayong dalaga na ako dahil baka may masabi sila sa akin.
"Is this your first time to join?"
Napatingin ako sa katabi ko at nakatingin siya sa akin. Kinakausap niya ba ako? Ha? Ako kakausapin niya? Bakit sabi nila tahimik lang daw ito?
Umiwas ako ng tingin at humalukipkip. "Nope. This is my nth time already."
Naramdaman ko pa rin ang tingin niya sa akin, kaya medyo anticipated ako. I don't know how to react! Madalas naman akong makipagkwentuhan sa mga lalaki, pero pagdating sa kaniya ay naiilang na ako na ewan. Sabagay dahil siguro kalaban ko siya at ayaw ko siyang maka-close.
Tumingin ako ulit sa kaniya. Nakatingin pa rin siya sa akin. "'Wag ka ngang tumitig," sabi ko at inirapan siya.
"Sorry," sabi niya at umiwas ng tingin.
Sinabi sa amin na p'wede na kaming gumawa ng entries namin at ipasa na lang sa deadline. Ang theme namin ay more on historical love stories. Habang nagsasalita ang organizer ay may pumapasok na agad na idea sa utak ko. May nabubuo ng scenarios doon. Makakapagsulat na rin ako mamaya.
After the meeting, we were dismissed. Sabay-sabay kaming lumabas ng AVR, pero sa likod lang ako banda dahil nahihiya ako. Hindi ko ma-activate ang pagiging madaldal ko.
Maya-maya lang ay napansin ko si Jaziel na umatras nang kaunti at halos magsabay na kami sa paglalakad at iyon nga ang nangyari.
"Nakakakaba naman. Kasali iyong dalawang top students," rinig kong sabi ng isa at nagtawanan sila.
Nagkatinginan kami ni Jaziel, pero sinamaan ko siya agad ng tingin. Dukutin ko 'yang mata mo, eh. He smirked at me before walking fast rather than me. Pagkababa ng admin building ay dumiretso ako kaagad sa may gymnasium area dahil may PE kami ngayon.
"P.E. n'yo rin?"
Halos mapaigtad ako dahil sa gulat. Napatingin ako sa katabi ko. I just noticed now that na naka-PE uniform rin pala siya ngayon.
"Bakit na naman?" kunot-noo kong tanong habang naglalakad kami papunta sa gymnasium.
"I think we have the same P. E. instructor."
2nd week pa lang ng 2nd semester at ngayon lang din pumasok ang instructor namin dahil hindi pa nakahanap last time. Iyong P.E. instructor kasi namin sa first sem ay nag-resign na kaya kailangang palitan.
Tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng isang kilay. "Eh, ano naman ngayon?"
"Bakit ba laging mainit ang ulo mo lalo na sa akin?" kunot-noo niyang tanong sa akin at humalukipkip pa. "Pero kapag sa ibang tao, you're smiling."
Tumingin ako sa kaniya at tinarayan siya ulit. "Eh, nababanas ako sa 'yo. Pakialam mo ba?" pagtataray ko pa at inunahan siyang maglakad papasok ng gymnasium.
Tama nga ang sabi niya dahil nang pumila na ako ay chinika ako kaagad ni Ayel na kasama raw ang STEM sa P.E. namin dahil same lang ang time slot sa schedules namin.
Nang nasa unahan na ang instructor namin ay nagsitahimik kami dahil mukhang masungit ang isang 'to. Pero mukhang active talaga siya sa mga recreational activities dahil fit ang kaniyang katawan kahit na nakasuot siya ng t-shirt ng PE.
"Good morning, class. I'm instructor Radiel. I've graduated with a BS in Civil Engineering, but dahil gusto kong mag-explore ng ibang bagay ay nag-take ako ng units para sa educ at P. E. iyon. But at the same time, I know STEM." tumingin siya sa mga students ng STEM. "You will encounter me numerous times because I will teach calculus next year. While on HUMSS," Tumingin siya sa amin. "Statistics and Probability for people here."
Nagpalakpakan kaming lahat at naghiyawan dahil mukhang kwela pala ito at hindi masungit! Kaya alam kong may makakasundo na kaming professor. It's a rare to have teachers to be close with; that's why we're happy.
"So, let's start. Warm up muna tayo! Walang madaya, ah ang hindi gumalaw riyan sinasabi ko sa inyo. Pero kung may sakit na nararamdaman ay p'wedeng maupo sa bench, okay? May mga serious illnesses ba ang iba rito?" tanong niya.
Wala namang nagtaas ng kamay, kaya ang lahat ay nakapag-PE. Tinatapik niya kaagad ang mga hindi gumagalaw masiyado.
"Galaw-galaw naman. P. E. Ito kaya 'wag nang mahiya. 'Wag kayong mag-alala dahil after ng 2 activities natin ay p'wede kayong mag-volleyball."
Naghiyawan naman ang iba. Okay lang naman sa akin ang P. E. pero mas bet ko talaga ang volleyball dahil naglalaro rin ako dati. After ng recreational activities, ay naupo na si Sir Radiel sa may blechers at hinayaan kaming maglaro ng volleyball.
"Jaziel, laro tayo!" sigaw ng isa sa mga STEM doon kay Jaziel na nakaupo sa gilid. Mabilis itong umiling.
Lumapit sa akin sina Karla at Ayel sa akin. "Makilaro raw tayo sa STEM, Chim. Tara na," aniya at hinila ako papunta sa may gitna.
Initali ko muna ang buhok ko bago ako magsimula. Nagulat ako nang maghiyawan ang mga nasa grupo ng STEM. Biglang pumasok si Jaziel at inirolyo ang manggas ng kaniyang P. E. t-shirt.
"Ayan na nga ba! Maglalaban na sila!"
"Akala ko ba, ayaw mo?" tanong ni Jaspher pero hindi iyon pinansin ni Jaziel.
"Hoy, madaya sabi mo ayaw mo!" sabi naman ng isa na nasa harapan.
______________________________________________
__________________________
BINABASA MO ANG
Against All Odds | ✓
Teen FictionChim, the daughter of a famous producer and a baker, strives to honor her parents' legacy. Jaziel, raised by a single mother, excels in his studies to support her. Despite their contrasting personalities-Chim's bubbly nature and Jaziel's reserved de...
