Chapter 9

7.2K 159 6
                                    

Chapter 9.
 

 “Kulang pa ang bakasyon,” tamad na tamad na sambit ni Ayel, at humilig pa sa desk niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 
“Kulang pa ang bakasyon,” tamad na tamad na sambit ni Ayel, at humilig pa sa desk niya. “Buti pa si Chim, Nasa City!” Nilingon niya ako. “Pero bakit nga nasa tita mo ikaw? Nakalimutan ko, eh.”
 
Napatingin din sa akin si Karla. Tapos na kami sa activities namin, pero ako ay nagsusulat pa rin ng notes or reviewer ko dahil anytime this month ay may quizzes.
 
“I had illness, kaya kailangan ko ng new environment,” I told them while writing.
 
Naramdaman ko na inusog ni Karla ang upuan niya papunta sa akin. “So, hindi ka na babalik doon?” tanong niya.
 
I smiled at them. “Babalik pa. After SHS... doon ako magka-college.”
 
Bigla silang sumimangot. I know that I will miss these two, but yeah, I need to go back to where I really live.
 
“Ayaw mo ba sa university namin dito? Sa may North lang banda. Hatid sundo ka lang namin,” pangungumbinsi ni Ayel.
 
La Union State University is really a good one, but I don’t think that I’m fit there. Ayoko nang bawasan ang mga estyudanteng walang-wala talaga para lang makapag-aral sa kolehiyo. Tho, I know na may Public University naman ang Justice Reyes University ay hindi pa rin maitatanggi na may binabayaran pa ring books lalo na kapag kailangan.
 
“I promised kasi sa parents ko na babalik ako. Masiyado akong mahal ng mga magulang ko,” I jokingly said na may halong truth.
 
“Sus. Totoo naman, ‘yon! Sa mga comment pa lang do’n sa last post mo, eh grabeng open mo sa kanila.” Karla cleared her throat. “Na-try mo na bang mag-secret sa kanila?”
 
Napaisip ako sa kaniyang sinabi. Everything I did, they knew. Kahit simpleng bagay ay alam nila. I’m super close with my parents especially my papa. He spoiled me with everything, so I think he doesn’t deserve it if I keep secrets from him. Kahit iyong mga crushes ko ay alam niya. Kahit mga iniiyakan kong scores ay alam nila. Everything about me.
 
But lately, when I went here, Unti-unti akong hindi madalas makapag-open up sa kanila. I can’t tell it every weekend dahil nakakalimutan ko rin. Kaya may mga times na kapag umiiyak ako sa gabi ay kinabukasan ay okay na ako.
 
I feel homesick, but this is also for me to adjust to new environment. Hindi naman p’wedeng nakadepende ako palagi sa kanila. Lalo na sa mga magulang ko.
 
My father is a producer; madalas siyang wala sa bahay pero kapag weekends, he spent time with us at talagang sulit iyon. While my mother is a baker, she’s busy every day, especially on holidays. Buti nga ay hindi siya tumanggap no’ng Christmas masiyado.
 
“Lately lang siyempre. Hindi ko na sila madalas nakakausap, eh, but not most of the time,” I shrugged and continued what I’m doing.
 
“Swerte mo sa parents mo, ‘no?” Nangalumbaba si Ayel. “Ako kasi palagi silang nag-aaway. Gabi-gabi na lang puro sila away about sa pera.”
 
“Do you want me to lend you a money?” I asked her.
 
She immediately shook her head. “Hindi, ah! Kaya pa naman ng commission ko sa arts. May mga oras lang talaga na naririndi ako sa kanila. Alam mo ba ‘yong feeling na parang ipinagmumukha na nila sa akin na tumigil na ako sa pag-aaral,” pagkwento niya pa.
 
Ito rin minsan ang nakakalungkot kapag nag-aaral ka sa mga public schools. You will hear a lot of painful stories from your colleagues, classmates, and especially your friends. Hindi mo rin mahahalata ang sakit na nararamdaman nila dahil magaling silang magtago. They will only smile after painful circumstances.
 
Kaya nga mostly of the students here ay mas gustong nasa paaralan because they escape their problems from their house.
 
She laughed. “Pero ‘wag n’yo na iyon alalahanin! Drama ko lang ‘yon,” she said. Her eyes reflect what she really feels. Kung nakakapagsalita ang ating mga mata ay siguro marami na itong sinasabi sa kausap natin.
 
When our eyes met, her smile instantly faded. She bit her lower lip. “Chim kasi...” She averted her gaze. Tumingin siya kay Karla na inaalo siya. Her tears instantly fell from her eyes.
 
I put my pen on my desk and instantly hugged her. “It’s okay to cry sometimes, Ayel. Huwag mong itatago ang nararamdaman mo sa pamamagitan ng mga ngiti mo because it’s really heavy on our feelings.”
 
“Pinapaiyak mo ako. Nakakainis ka,” aniya at natatawa pa.
 
I faced her. “Kapag kailangan mo ng tulong, nandito kami lagi ni Karla.”
 
“Oo nga. Kahit madalas akong tahimik, you can count me in!” sabi ni Karla at itinaas pa ang isa niyang kamay.
 
Sa totoo lang ay bago lang din kaming magkakilala. I met them on the first day. Si Ayel talaga ang unang kumausap sa amin tapos nahila niya kaagad si Karla na nasa kabilang side niya. Pero kahit nabaho ang sitting arrangement ay sama-sama pa rin kami sa paglabas.
 
They’re really kind... And sila ang kauna-unahang masasabi kong ‘kaibigan’ talaga.
 
No’ng nag-aaral kasi ako sa private school ay mapagmataas ang tingin nila sa akin at ayaw makipagkaibigan. But they just called me ‘friend’ when they needed some answers or someone who would help them finish a task.
 
Pero na-realize ko na hindi pala gano’n ang kaibigan.
 
After we ate on our lunch break, Dumiretso kami sa banyo para magpalit na ng PE uniforms namin dahil may P. E. kami today. It was shifted to Monday, but at the same time slot pa rin. Itinali ko lang ang aking buhok at nilagyan ng pink ribbon ang mismong tali. I put on some blush and lip tint to not look pale.
 
“Nagkausap na kayo ni Jaziel, Chim?” tanong ni Karla.
 
“Why? May dapat ba kaming pag-usapan?” tanong ko sa kaniya.
 
“Kasi hindi ba nagpa-picture siya sa ‘yo no’ng Christmas party natin, and he even posted it on his birthday!” kinikilig niyang saad.
 
I looked at her. “Kailan? Wala akong maalala. We've been Facebook friends since first week of January.”
 
They both chuckled. “Naku. December pa iyon. After the Christmas party. Nakalagay pa nga sa caption na—'enemy in life’.”
 
I rolled my eyes. “Talagang enemy kami!”
 
Hinampas ni Ayel ang braso ko, kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Si Jaziel, hindi nagpo-post basta-basta lalo na kung walang connect sa kaniya. Crush ka no’n, pustahan.”
 
Umismid ako bigla. “Ano ba'yan, Ayel!? Ang pangit nang iniisip mo! Enemy can’t be lovers, dzuh! ”
 
Ipinatong niya ang kaniyang siko sa balikat ni Karla. “The more you hate, the more you love exist,” aniya at nakipag-apir pa kay Karla.
 
“Ewan ko sa inyo. Tara na,” aya ko sa kanila at nagtungo sa gymnasium na nasa likuran ng STEM building.
 
Nang makarating kami roon ay halos kalahati pa lang ng klase namin ang nandito, but the tangkay is almost complete. Nag-aattendance na rin ang secretary nila. On the other hand, I noticed Jaziel sitting in the bleachers while his eyes were closed.
 
“Flores,” tawag ng kanilang secretary. “Flores!”
 
“Tulog, hoy!” sigaw ni Jaspher. Napunta ang tingin niya sa akin. “Hi, Chim!” malakas na sigaw nito at rinig na rinig sa buong gymnasium.
 
Pati siguro mga langgam maiingayan sa lakas ng boses niya! Iba rin amats ng lalaking ‘to, eh, ‘no?
 
“Uy, si Chim...” Lumapit si Lander sa pwesto namin kasunod ni Jaspher. “Kita ko mga posts mo. Pa-autograph nga, lods.”
 
I rolled my eyes at him. “I don’t give those easily. Who are you anyway?” mataray kong tanong.
 
Napa-whoah naman ang mga nakikinig at tinapik-tapik ni Karla ang balikat ko.
 
“Anong kaguluhan ‘yan?”
 
Pare-parehas kaming napatingin sa boses na iyon. His baritone voice made us look at him. He even yawned. Hinubad niya ang kaniyang blue na hoodie at isinabit sa kaniyang balikat.
 
“Wala naman, Jaziel,” nakangiting sagot ni Lander.
 
Nagtagpo ang tingin namin ni Jaziel. He looks at me like he’s asking, What happened? look But I don’t even dodge. I just left them and went into our line. Sakto lang din dahil dumating na si sir Radiel.
 
“Ballroom dance ang gagawin natin for the first half of the semester, and the other half will be modern dance,” he told us.
 
Nakakapanlumo. Kailangan na naman makipagsayaw sa lalaki, kahit ayaw mo talaga! Nakakainis naman, oo. I hate ballroom dancing, dahil naapakan ko ang paa ng ka-partner ko!
 
Pinaghiwalay niya lang ang index card ng mga babae sa lalaki. Binalasa niya iyon na parang mga barahan. ”

“Okay, the first pair...” He picked an index card. “Flores and...” sa kabila naman. “Alonzo.”
 
What? Seriously?
 
 
 
 

______________________________________________
__________________________
✓JonalynYan

Against All Odds | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon