Chapter 1.
"He's an asshole, girls! Narinig n'yo ba iyong sinabi niya kanina? Nakakaasar talaga siya! Bwesit-bwesit!"
Sinamaan ko sila ng tingin nang makita silang tumatawa. Are they laughing at their friends? "Chill. Bakit kasi sinungitan mo? Nagtatanong lang 'yong tao, eh," Ayel told me with a playful smile.
I rolled my eyes. "Kaasar siya."
Narinig ko ang hagikhikan nilang dalawa. "Infairness, narinig na namin siyang tumawa. Girl, once in a blue moon lang 'yon!" pagkwento ni Karla.
"Happypill niya si Chim, ayiee!" pang-aasar pa ni Ayel.
I groaned and ignored both of them. Ang goal ko lang talaga this senior high school ay maging valedictorian this year. Hindi ako papatalo sa lalaking 'yon! Tingnan na lang natin kung sino sa amin ang magiging top student.
I need to earn more extracurricular points, kaya kung mayroon man mga contest ay sumasali talaga ako dahil sayang din ang opportunity.
"Good morning, HUMSS 11-Plato," bati ng aming instructor.
"Good morning, Mrs. Ortilla," bati namin pabalik.
Mrs. Ortilla is our instructor for Creative Writing this semester. 2nd semester na nga at nagsisimula na naman ang bagong laban. It's already in the middle of November.
Kailangan ko ring mag-aral ngayon dahil binilhan ako ni papa ng bagong sapatos na matagal ko ng gusto, kaya kailangan kong magsumikap.
"Anyway, before I begin our second lesson, I would like to ask you, class. Who wants to join our short story contest on November 23? "
Short story. Sasali sana ako, kaso nakakayamot naman mag-isip ng plot ulit. Napangiwi ako, nagdadalawang isip na naman ako. Kaso sayang kasi ang points na makukuha ko. But... It's hard to think about the plot of the story. Should I join or not?
"Walang interesado? I will give an additional point sa mga sasali because this is part of our subject, creative writing," she added.
"Chim, sali ka na," lingon ni Ayel sa akin. She's sitting in front of us, dahil iyon ang designated seat niya.
"Oo nga, girl, sayang opportunity," dagdag ni Karla na nasa tabi ko naman.
"I'm still undecided," I told them.
Nagulat ako nang magtaas ng kamay si Ayel. "Ma'am, kasali po ba si Jaziel? Iyong nag-top na student? "
Our instructor smiled. "Why? May crush kayo sa kaniya?" Nagkantyawan ang mga kaklase namin dahil sa usapang crush na naman. They're always active kapag usapang crush talaga. "But anyway, yes, he's going to join the contest."
"Wha! Ma'am, sasali raw si Chim! Pambato natin 'to!" Sinabayan iyon ng paghiyawan ng mga kaklase ko at palakpakan.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Ayel. Ito talagang kaibigan ko puro kalokohan kahit kailan! Dinamay ba naman ako? Nagdadalawang isip pa nga ako, eh!
"Ilaban na natin 'yan!"
"Go, Chim! Pambato ka namin!"
"Itaas ang bandera, City girl!"
Tumingin sa akin si Ma'am Ortilla. "Oh, yes! Congratulations, because you're the next top student. So, if you're interested in joining, look for Mr. Jaspher. Senior High School Council secretary. He's from STEM," she said, going to the front and facing her laptop. "Okay. Let's start our discussion."
Naramdaman ko ang paggalaw ni Karla sa gilid ko, kaya tumingin ako sa kaniya. "Sali ka na. Palabasin mo na ang clingy side ni Jaziel. Rooting sa loveteam n'yo," pang-aasar niya pa.
"Stop what you're thinking. He's too far away from my expectations."
"Sus."
Nagkaroon kami ng breaktime sa hapon. Mga 20 minutes, kaya naisipan ko nang pumunta sa STEM building para hanapin iyong secretary ng SHSC. Most of the students looking at me. Baka iniisip nilang may naliligaw na naman sa building nila. Who cares?
Hindi naman ako pumunta para sa kanila. Pumunta ako para sa future ko. Future points na makukuha ko after the contest!
I saw a group of girls and decided to approach them. "Hello, alam n'yo ba kung saan ang room ni Jaspher? Iyong secretary ng SHSC?" tanong ko.
Itinuro nila iyong last classroom. Hayff talaga! Doon na naman! Kaklase niya pala 'yong lalaking hambog na 'yon.
"STEM-Einstein, miss," one girl said.
I smiled at them. "Thank you."
After I asked them, I went to the last room. Bakit kasi hindi nila ako sinamahan? Nagdahilan ang mga kaibigan ko na may pupuntahan kahit na ang totoo gusto talaga nila akong mapahiya sa mga STEM! Argh!
Sumilip ako sa bintana at naghahanap nang matatanungan. Magulo sa classroom nila. Wala namang instructor, pero tingnan mo at may pinagkakaguluhan silang papel. Most of them are holding scientific calculators and yellow paper, and there's one just looking at them, knotting her forehead, and wondering what her classmates are talking about.
"Oh, sino ka diyan, Precious?" sabi ng isa niya yatang kaibigan dahil vinivideohan siya. She just raised her middle finger and laughed.
Napaiwas na ako ng tingin doon at hinanap na ulit ang Jaspher. Sino ba kasi sa kanila diyan? Wala naman akong makitang p'wedeng mapagtanungan, hayst.
"So, you're peeking at your crush."
Napaigtad ako dahil sa gulat. Mabilis akong lumingon at nandito na naman ang lalaking bwesit!
He's crossing his arms below his chest while looking at me seriously. I rolled my eyes at him.
"Pakialam mo? Apektado ka? Bakit ka ba nandito?" mataray kong tanong sa kaniya.
He chuckled. "Room namin 'yang sinisilip mo, isn't that obvious?"
Napahiya ako roon, ah! Oo nga pala at room nila ito. Minsan talaga, my mind is getting weaker. This weekend, I need to unwind.
He put his hands inside his pockets. "Eh, ikaw? Bakit ka nandito? Are you stalking someone? Your crush?"
Napangiwi ako. "Nandito ba si Jaspher? Iyong SHSC secretary."
Tutal at nandito na rin naman siya sa harapan ko. Edi siya na ang sumagot kung nasaan ang hinahanap ko.
His brows furrowed a bit and hemmed. "Why? Do you have a crush on him?" tanong niya.
I groaned. "Ang dami mo namang tanong. Ano ba 'to job interview? Shuta stress," I said while fixing my hair. "If you don't want to answer my question, then don't. I will find him by myself," sabi ko at akmang sisilip ulit sa bintana nang magsalita siya ulit.
"He isn't there, but I can accompany you where he is," he said.
I let out a heavily sighed. "No. Thanks. Babush na nga! Nasstress ako sa 'yo," pagtataray ko sa kaniya at tuluyan nang umalis doon.
Mabilis akong naglakad palayo sa STEM building at bumalik na rin sa classroom namin. Nang makabalik ako doon ay nakita ko ang mga kaibigan ko na hinihintay ako at may pagkain sa desk.
I groaned while sitting.
"Saan ka galing? Mukhang galit ka na naman," puna ni Karla.
"STEM."
"Pumunta ka talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Karla.
I rolled my eyes at them. "Malamang! Kailangan, eh."
"Ano nangyari? Nakuha mo ang form?" tanong ulit niya. Umiling ako.
"Wala. Binwesit lang ako no'ng Jaziel na 'yon. Nakakaasar talaga siya!"
Nagkatinginan silang dalawa. "What do you mean?"
"Ahh basta."
The time passed so fast. Nang mag-uwian ay nagbakasali lang ako ulit na pumunta roon dahil sakto namang uwian na. Hindi na ako nagpasama sa dalawa dahil malalayo pa ang mga bahay nila at kailangan na nilang umuwi. Susunduin naman ako ni dada.
Papunta pa lang ako sa room nila ay naririnig ko na ang ingay dahil nga uwian na rin. Nang makarating ako roon ay nagkatinginan agad kami ng lalaking lumabas mula roon.
Nandiyan na naman siya. Nakikita ko pa lang siya ay nababanas na ako.
Marahan siyang lumapit sa akin, habang seryoso pa ring nakatingin sa akin. "You're still here? You're still looking for Jaspher?"
Hindi ko siya sinagot at umiwas lang ng tingin. Kutang-kuta na siya sa akin ngayong araw, kaya tama na.
Nanahimik siya saglit at sumandal sa railings, sa may tabi ko. Narinig ko ang pagtawag niya sa kaklase niyang babae.
"Jessie..." Lumingon ang babae. "Si Jaspher daw. May naghahanap," dagdag niya.
Parang salungat naman ang sinasabi nilang tahimik ang lalaking 'to! Ang hilig-hilig mang-asar pagdating sa akin. Inuubos oras sa mga walang kwentang tanong, eh.
Dahan-dahan akong tumingin kay Jaziel at nakatingin siya sa akin ngayon. Parang namamangha. Nakapatong ang magkabilaang kamay niya roon sa railings, habang nakasandal.
"Ano?" pagtataray ko sa kaniya.
Humakbang siya papalapit sa akin. "Bakit ba galit na galit ka sa akin?"
"So, what?"
He's just mocking me, "So, what?"
I rolled my eyes. "Can you get out of my sight?"
Kitang-kita ko ang pagkaseryoso sa kaniyang mukha habang magkaharap kaming dalawa. Pinanliitan ko rin siya ng mga mata ko bago humalukipkip.
"Alam mo..." He licked his lower lip. "Ang ganda mo sana, ang sungit mo lang."
Natigilan ako sa kaniyang sinabi. My furrowed brows ceased. After I recovered on what he said, I looked at him sharply.
"Pakialam mo? At least, maganda pa rin. Edi thank you."
He poked his cheek using his tongue to stifle his smile before looked away. Nang tumingin ulit siya sa akin ay napangiti na siya nang husto.
"I'm glad that you're still thankful."
I smiled fakely before I rolled my eyes at him.
"Sino naghahanap sa akin diyan? Wala akong kasalanan, ah?" Napatingin ako sa nagsalita sa may pintuan. Tumingin siya sa akin. "Ayy ikaw ba 'yon?"
"Jaspher?" tanong ko. Lumapit siya at ngumiti. "Can I get the registration form for the short story contest?"
"Okay, sure. Wait lang." Bumalik siya sa loob, habang ako ay naghihintay lang din dito sa labas.
Napatingin ako sa lalaking kausap ko kanina. Tinarayan ko lang siya ulit at hindi na pinansin.
Bakit hindi pa umaalis 'tong lalaking nasa tabi ko?
Mabuti na lang at makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin si Jaspher at inabot sa akin ang papel.
"Thank you," sabi ko.
"Sige po. Pakipasa na lang sa mga susunod na araw para mailista po kayo." Tumango ako sa kaniyang sinabi habang binubuksan ko ang bag ko dahil ipapasok ko muna ang form sa aking bag.
Humarap siya kay Jaziel. "Oh, bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong niya rito. "Kapag ganito wala ka na rito, eh. Ahh, hinihintay mo crush m—"
Napatingin ako sa kanila saglit at nakita kong nakatingin sila sa akin. Umiwas ako ng tingin at ipinasok na ang papel sa clipboard ko. Matapos iyon ay tumingin ulit ako sa kanila.
"Salamat ulit. Babush," paalam ko sa kanila at naglakad na palayo.
"Hoy, Jaziel! Mamaya ka na umuwi!" sigaw ng lalaki.
Hindi na ako lumingon at dire-diretsong naglakad hanggang sa makalabas ako ng university. Nagulat ako nang may humawak sa palapulsuhan ko, kaya lumingon ako.
"You're Alonzo, right?"
______________________________________________
__________________________
BINABASA MO ANG
Against All Odds | ✓
Ficção AdolescenteChim, the daughter of a famous producer and a baker, strives to honor her parents' legacy. Jaziel, raised by a single mother, excels in his studies to support her. Despite their contrasting personalities-Chim's bubbly nature and Jaziel's reserved de...
