Chapter 13

7K 161 11
                                        

Chapter 13.
 
 

"Ano?!" gulat na tanong nina Ayel at Karla nang ikwento ko sa kanila ang tungkol sa sulat.
 
"Hindi ba? It's really surprising, and it's really weird. Hindi naman siya nagpapakita ng motibo," pagkwento ko pa habang naglalakad kami papunta sa gymnasium dahil P. E. na namin.
 
"Pero baka mali ka lang ng interpretation," sabi naman ni Karla. "Sabi nga nila, don't expect unless stated."
 
I just shrugged at them before going inside. Pumunta na rin kami sa kani-kaniya naming grupo, kahit wala pa si sir para may masimulan na kami.
 
Lumapit na ako kay Jaziel na nasa tabi at hinihintay ang instruction. Pumunta si Hannah sa may unahan.
 
"Okay. Ang first formation natin ay linya muna tayong lahat, pero by partner pa rin. Lahat ng nasa left side ay boys at right side, puro girls. Tapos medyo abante lang ang babae ng kaunti."
 
Nagsimula na kaming mag-practice hanggang sa kailangan na naming humarap sa mga partner namin. Kailangan naming hawakan ang kamay ng isa't isa, habang ang isang kamay ng lalaki ay nasa bewang ng babae at ang sa babae ay sa may balikat ng lalaki.
 
"Tapos pagka-yah! sa kanta. Girls, be flexible, kailangan n'yong i-bend ang katawan n'yo, kaya boys please guide girls, okay?"
 
Humarap na ako kay Jaziel at kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mga tainga lalo nang medyo malapit ako sa kaniya. Kailangan kasi bago namin i-bend ang katawan namin.
 
Kailangan kong kumapit sa kaniya. "Chim at Jaziel, move," sabi ni Hannah.
 
Narinig ko ang malakas na tawa ni Lander sa may tabi. "Kalmahan mo naman, Hannah mamamatay na sa kilig iyong isa. Hindi na 'yan makatulog mamaya," pang-aasar nito. "Hindi pa nga nakaka-move on 'yan sa date nila kahapon."
 
Sinabayan iyon nang pagtawa ng ilan. Hindi ko na sila pinansin.

Kumapit na ako sa mga balikat ni Jaziel. I put my one hand on the other side. Samantalang ang isa kong kamay ay sa kabila naman. He guided me on the back using his arms.
 
"Hindi na makahinga si Jaziel, hoy! Pakalmahin n'yo na. Isang linggo na naman niyan ipe-perfect iyong mga quiz. Tama na," pang-aasar naman ng isa.
 
Hindi ko na sila ma-gets!
 
"Ano'ng sinasabi nila?" marahan kong tanong.
 
Bumaba ang tingin niya sa akin dahil hanggang baba niya lang talaga ang height ko! Dahil nga nakapwesto pa rin kami ay ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya.
 
"Okay ka lang? Ang bilis ng tibok ng puso mo. Para kang hini—"
 
Binitawan niya ako saglit. "Balik ako, saglit lang," aniya at mabilis na lumabas ng gymnasium.
 
Muntik pang madapa sa bilis niyang maglakad!
 
Narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan niya maging si Hannah. "Kilig na kilig hmp! Hindi na kinaya!"
 
Nagpahinga lang kami saglit at bumalik na. Pero si Jaziel ay hindi pa bumabalik. Ano kayang nangyari doon?
 
"Hannah, baka naiilang na sa akin si Jaziel. P'wede naman siguro akong magpalit ng partner," sabi ko.
 
Tumingin sa akin si Hannah. "Ha? Gusto n'yo ba?"
 
"Baka kasi si Jaziel naiilang na," sagot ko pa.
 
Ayoko namang maging uncomfortable sa akin 'yong tao.
 
Humarap siya sa mga kagrupo namin. "Guys, sino raw gustong makipagpalit ng partner kay Chim?"
 
"Ha? Bakit?"
 
"Why?"

"Halah hindi p'wede. Hindi papayag si ano."

"Dali. Sino may gusto?" tanong ulit ni Hannah. 

Nakita kong lumabas si Lander ng gymnasium at maya-maya lang ay bumalik siya kasama na si Jaziel na kunot na kunot ang noo habang nag-uusap silang dalawa.
 
"Same steps lang naman, pero magpapalit lang ng partner," dagdag ni Hannah.
 
Mabilis na naglakad si Jaziel papunta sa tabi ko. "Akin na siya," aniya.
 
"Inangkin, wow!"
 
"Sana all po!"
 
"Edi wow, ate ko!"
 
Napaangat ako ng tingin kay Jaziel. Nakatingin siya sa akin, nagsusungit. "Why are you deciding like this? You don't want me?" he asked firmly.
 
"No, I mean, I don't want you to feel uncomfortable," sabi ko sa kaniya.
 
"Who told you that I feel uncomfortable with you?" seryoso niyang tanong habang kunot na kunot ang noo.
 
I shook my head. I felt his hands on my wrist, and we went to our place. We decided to start again and again.
 
Sa bawat pagdikit ng aming mga balat habang sumasayaw kami ay siya ring pagbilis ng tibok ng puso ko. I feel electrifying energy within my veins. His eyes once met mine; it's unexplainable because it turns out that everything except him will get blurry.
 
Sa tuwing nagpapractice kami ay iba na ang nararamdaman ko para sa kaniya. He's too soft when it comes to me, so hindi ko maiwasang hindi na maging mabait sa kaniya.
 
Do I like him already?

--- 

"Chim, may sulat para sa 'yo," sabi ni Ran at inabot na naman sa akin ang sulat.
 
I cleared my throat. "Sorry, Ran, pero hindi kita gusto," pag-amin ko sa kaniya.
 
Bahagya siyang napanganga at maya-maya lang din ay tumawa siya. "Gaga, hindi rin kita bet! May boyfriend ako," natatawa niyang sabi.
 
My brows furrowed. "Eh? Bakit mo ako binibigyan ng sulat?" taka kong tanong.
 
"Huh? Malamang may nagpapaabot! Ayaw sabihin name, eh sabi lang iabot ko sa 'yo."
 
"Sorry." Napakamot ako sa aking ulo. "Sige salamat."
 
Napabuntong-hininga na lang ako at itinago ang sulat sa may bag ko. Mabilis na lumipas ang oras at naghanda na rin kami para sa P. E. namin. Performance na ngayong araw kaya medyo kinakabahan kami.
 
Ang suot ng grupo namin—sa girls ay fitted long sleeves black dress and heels. We also did a clean ponytail on our hair, and after that, we did our make-up. Sa boys naman ay white long sleeves shirt and black trouser with black shoes.
 
Umupo na ako sa bleachers para makapagpahinga at hindi ma-haggard bago pa magsimula ang performance namin. I'm using my mini-fan.
 
Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko at si Jaziel iyon. May suot siyang earphone, he's relaxing while his arms cross across his chest.
 
He looked at me. "Why?" he softly asked.
 
"Ano pinapakinggan mo?" tanong ko.
 
He removed the one piece from his ear and put it on mine. Nahulaan ko kaagad agad ang kanta na pinapakinggan niya. About you by 1975.

"Chim..." Tumingin ako sa kaniya. "Can I ask you something?"

"Hmm? Sige lang."

Tumitig siya sa akin kaya sinalubong ko rin iyon ng aking tingin. "Are you allowed to have a boyfriend?"

Natigilan ako sa tanong niyang 'yon. Sobrang random niya yatang magtanong ngayon. Hindi ko aakalain na itatanong niya sa akin 'yan.

"Bakit mo natanong?"

He smiled. "I'm just asking because I'm wondering why you don't have a boyfriend."

I chuckled. "Marami namang umaamin, pero walang sumusubok na ligawan ako. Hanggang sa stage lang sila na umaamin para maka-move on. But never, confessed to pursue..." I shrugged. "They said, matalino raw ako kaya mahirap i-reach or mapantayan. Maybe they hate smart girls."

He nodded his head. I smiled at him. "But I'm allowed to have a boyfriend. Hindi lang talaga ako binibiyayaan ng lalaking ipu-pursue ako. How about you? What's your type?"

He averted gaze. "I like smart girls."

Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang ma-realize ang sinabi niya. I don't want to assume but he's doing things that beyond our limitations. But now, I need confirmation first from him. Gusto kong siya mismo ang magsabi sa 'kin.

He played a new song. Parehas naming pinakinggan iyon hanggang sa matapos. Saktong tinawag na rin kami dahil magsisimula na. Grupo namin ang una kaya mas lalo akong kinakabahan.
 
"First group. Salsa. Okay, start na," sabi ni sir Radiel.
 
We did our best. Hindi naman ako kinabahan habang sumasayaw dahil alalay ako ni Jaziel kahit na ilang beses akong umikot. Kahit nakakahilo iyong steps namin ay kinaya naman namin. Kaya nang matapos kami ay napangiti na lang ako.
 
Napatingin ako kay Jaziel na nakatingin sa akin. "Galing," sabi niya. "Congratulations."
 
"We did our best," sabi ko sa kaniya. "Congratulations to us!"
 
Ngumiti lang siya sa akin at tumingin na ulit sa harapan. Nang mag-perform na ang next group ay umupo na kami ulit sa bleachers. Nagulat ako nang may nag-abot sa akin ang tubigan ko. Tiningnan ko kung sino ang may hawak no'n. Si Jaziel ulit.
 
"Salamat," sabi ko.
 
Tumungga na rin siya sa kaniyang tubigan bago umupo sa may tabi ko. Ipinunas ko na ang hawak kong light red na may pattern kong panyo sa pawis ko. Napansin ko namang tagaktak din ang pawis niya.
 
I don't know, maybe because of my muscle memory dahil palagi kong pinupunasan ang pawis nina Ayel ay nagawa ko na rin pati kay Jaziel. Nakita ko pa siyang natigilan, pero hindi ako tumigil.
 
"Grabe ka naman, 'nak. Hindi ka nagpupunas ng pawis mo," pang-aasar ko sa kaniya.
 
"Chim," tawag niya sa akin.
 
Huminto ako at sinalubong ang kaniyang tingin. "Ano 'yon? "
 
"Beat me on the 3rd quarter examination."
 
 
 
 

______________________________________________
__________________________

Against All Odds | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon