Chapter 11.
2 days and 1 night kaming nandito kaya nang maghapon ay nagkaroon ako ng simple game. Kung saan kailan mong ipasa mo ang baraha gamit ang iyong labi.
Sobrang hirap ng larong 'to dahil kailangan kontrolado mo ang baraha sa pagdikit sa labi mo dahil kung hindi, maaari itong mahulog at mahalikan mo ang kasunod mo.
Napalingon ako kung sino ang kasunod ko, si Jaziel. Random ang picking sa linya, hindi ko alam kung nanandiya ba talaga o ano ang tadhana.
I saw how he behave in the line. Kanina ay mataas pa ang energy niya pero ngayon ay parang kinakabahan siya.
"Start na tayo!" natutuwang sabi ni Prof. Mendez.
Ako ang nasa unahan ng pila kaya napalunok din ako. Humarap na ako kay Jaziel dahil nakadikit na sa labi ko ang baraha.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya laking gulat ko na lang sa ginawa niya. He cupped my face and angled his head. Nanlaki ang mga mata ko nang papalapit na siya sa mukha ko hanggang sa naramdaman kong dumikit ang mga labi niya sa kabilang side ng baraha.
I don't understand what I feel that time. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang kaba na hindi ko maintindihan.
Umabot ng tatlong baraha ang nakuha namin hanggang sa maging apat na magbabago ng buhay ko.
Sa hindi inaasahang pagkakataon nang malapit na siya ay nahulog ang baraha at halos manlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mga labi niya. Parehas kaming napalayo sa isa't isa dahil sa gulat.
Narinig ako ang talunan ng ilan at halatang nang-aasar.
I covered my face through my palms dahil sa sobrang hiya. I even feel my cheeks burned. Gosh! First smack kiss ko 'yon!
I can't look at them because of embarrassment.
"Ma'am, wala na may hulog na hulog na po," rinig kong sabi ni Lander. Sinabayan iyon ng ilan.
Hindi na kami nagpatuloy dahil puro lang sila asaran sa nangyari. Hindi ko alam kung paano pa ako nakatulog matapos ang gabing iyon. Siguro ay pinilit ko na lang ang sarili kong kalimutan ang lahat.
Nang mag-umaga nga ay kapag nakikita ko si Jaziel ay hindi ko siya matingnan pero ramdam ko ang mga tingin niya sa akin. Sinasabi nga rin nina Karla at Ayel na panay raw ang tingin sa akin ni Jaziel.
"Samahan mo ako mag-banyo, Chim," aya sa akin ni Ayel.
Abala ako sa pagkuha ng litrato gamit ang digicam na dala ko. Marahan akong tumango at sinundan siya. Abala kasi si Karla sa pakikipagkwentuhan sa mga kaklase namin.
"Sa baba pa iyon, hindi ba?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi naman gaano," aniya.
Meron kasing mga banyo na itinayo, pero sa medyo baba pa dahil doon lang kinabitan ng tubo para sa tubig. Hindi na umabot hanggang sa taas.
"Chim, naiihi na talaga ako! Doon na lang tayo sa gilid," sabi ni Ayel at hindi na mapakali.
"Ha? Are you sure?" taka kong tanong sa kaniya.
"Oo. Hindi ko na kaya," aniya.
Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa may bandang gilid. Lumingon pa ako para tingnan ang dinaanan namin, pero hindi ko matansya dahil masiyadong maraming puno! Hayaan mo na at si Ayel naman ang susundan ko!
"Ayel," pagtawag ko nang hindi na siya makita sa harapan ko. "Ayel!" ulit ko pero walang sumasagot.
Inilibot ko pa ang aking tingin.pero wala na akong maaninag na anino niya. Bigla akong kinabahan dahil mukhang iniwan niya ako nang hindi niya napapansin!
"Ayel, lumabas ka na. 'Wag ka nang magbiro ng ganiyan," pangungumbinsi ko pa sa aking sarili na sasagot siya. "Ayel, sige iiyak talaga ako rito," dagdag ko pa.
Nag-stay ako sa kinatatayuan ko, pero wala akong narinig na hakbang! Dahan-dahan akong tumalikod para bumalik sa pinanggalingan namin, pero hindi ko alam kung saan ako dadaan dahil hindi ko alam kung saan kami kanina pumasok!
Ang ginawa ko na lang ay dumire-diretso nang lakad. Napalunok ako nang makitang mukhang naliligaw na ako dahil papunta na ako sa mga kweba!
Ramdam na ramdam ko ang katawan kong nanginginig na sa takot. Nagsimula na ring mamuo ang mga luha ko dahil hindi ko na alam kung paano ako babalik. I get my phone from my pocket. Umaasang may signal dito sa bundok! Pero no'ng makita kong may x sa signal ay nanlumo na lang ako.
My eyes started to get blurry because my tears wanted to escape from my eyes. Natigilan ako saglit dahil sa narinig kong hakbang mula sa aking likuran.
"'Wag kang l-lalapit, please? Naliligaw lang p-po ako. G-gusto ko na pong bumalik," humihikbi kong sabi at halos maestatwa na sa kinatatayuan ko.
Naramdaman ko ang patak ng tubig sa aking kamay, kaya napatingin ako roon. Dahan-dahan akong tumingala at nagsimula na ngang bumuhos ang ulan. Nagulat ako nang may humila sa akin. Hawak-hawak niya ang palapulsuhan ko at tumatakbo.
Nagpumiglas pa ako habang umiiyak.
"Chim, ako 'to," aniya.
Napatigil ako saglit nang mabosesan kung sino iyon. Si Jaziel. Halos mabasa na rin ang kaniyang blue hoodie. Hinawakan niya ako sa aking kamay at dinala sa may cave. Mas lalong bumuhos ang malakas na ulan.
"Chim," tawag niya ulit. I slowly turned my gaze at him. He's looking at me intently. "Paano ka napunta rito?" he softly asked.
BINABASA MO ANG
Against All Odds | ✓
Teen FictionChim, the daughter of a famous producer and a baker, strives to honor her parents' legacy. Jaziel, raised by a single mother, excels in his studies to support her. Despite their contrasting personalities-Chim's bubbly nature and Jaziel's reserved de...
