Chapter 12.
"Chim, may sulat daw para sa 'yo," sabi ng kaklase ko at inabot sa akin ang isang envelope na may design sa akin.
Kumunot ang noo ko. Kailan pa nauso ulit ang mga letters? I mean, yes, I love letters, but why am I receiving things like this right now?
"Kanino galing?" tanong ko.
"Hindi ko alam, eh iabot ko lang daw sa 'yo," aniya at bumalik sa kaniyang kinauupuan. Ibinaba niya ang kaniyang bag.
"Salamat," tanging sabi ko na lang.
I scanned the letter and saw small writing at the bottom. 'Read when you're ready'.
Ipinasok ko na iyon sa bag ko, at mamaya ko na lang babasahin kapag nasa bahay na ako. It's been two weeks since our field trip. My parents didn't allow me to join the trip next year.
It saddened me, but I know that they just want to protect me, so I need to obey them for the sake of everything.
Since that day, I've just encountered Jaziel twice. Hindi ko pa nga nasasauli ang hoodie niya. Tuwing dala ko, kasi ay hindi ko naman siya mahagilap, pero kapag hindi ko dala ay nakikita ko. So, I think isasauli ko na lang kapag napag-usapan na namin kung kailan ko ibabalik.
Hindi rin kasi kami nakapag-PE last week dahil wala si sir at may biglaang event sa gymnasium kaya hindi na kami nagpumilit na mag-practice.
"Chim, tara na sorry at natagalan," sabi ni Ayel kasama si Karla. Galing silang banyo at hindi na ako sumama. Ewan ko ba at parang na-trauma ako kakaaya ni Ayel.
That time ay sinabi ni Ayel na hindi niya napansin na hindi na ako nakasunod sa kaniya, kaya dali-dali siyang tumakbo pabalik. Hindi ko nga alam kung paano nangyari iyon, eh!
"Okay lang," nakangiti kong saad sa kanila.
Parehas silang kumapit sa magkabilaang braso ko at nagsimula na kaming maglakad palabas ng building. Napansin namin na mukhang makulimlim, kaya mukhang uulan.
Maya-maya nga lang ay bumuhos na ang malakas na ulan, kaya napasilong kami kaagad sa waiting shed sa labas ng school.
"May payong kayo?" tanong ko.
"Meron ako," sabi ni Karla. "Ikaw? Ito kasing si Ayel wala siyang dala, eh."
Binuksan ko ang aking bag at alam kong may dala akong payong, pero napasimangot ako nang walang makitang payong sa bag ko! Naglaba nga pala si tita ng bag ko at hindi ko na napansin na hindi ko na naibalik ang payong ko sa loob ng bag!
Argh! Nakakainis naman!
"Naiwan ko siya."
Karla bit her lower lip. "Halah? Gusto mo ba ihatid ka muna namin?" aniya.
I shook my head. "Baka tumila na rin 'yan mamaya saka hindi tayo kasya sa payong mo," natatawa kong saad.
May lumabas sa gate, napatingin kami roon at nakita namin si Jaziel kasama ang mga kaibigan niya. Pare-parehas silang may dalang mga payong at nagtatawanan pa ang dalawa.
"Mamaw talaga 'tong si Jaziel, binasic ba naman ang calculus, hmp!" sabi ni Lander.
Napatingin ako kay Jaziel na nakatingin lang sa kaniyang dinadaanan. Parang walang pakialam sa pinag-uusapan ng dalawa niyang kaibigan. Para bang ang lalim ng iniisip niya.
Hindi ko pa siya nakakausap after the incident.
Napatingin sa gawi namin si Jaspher.
"Oh, girls? Bakit nandito pa kayo?" tanong niya at lumapit sa amin.
"Wala kasing payong si Chim, eh. May payong naman ako pero kasabay ko kasi si Ayel at ibang way kami," paliwanag niya.
Ngumiti naman ako. "Ayos lang naman ako! Titila rin ang ulan," sabi ko. "Sige na. Una na kayo," sabi ko sa dalawa kong kaibigan.
"Oh, payong," sabi ni Jaspher kay Karla. "Tig-isa na lang kayo ni Ayel," dagdag niya.
Kumunot ang noo naming tatlo. Edi, wala na silang payong? Pero teka nga? May something ba sa kanilang dalawa?
"Eh, paano ka?" tanong ni Karla.
"Sasabay na lang ako kay Lander." Lumingon siya sa kaibigan. "Hindi ba?"
"Oo naman!" mabilis na sagot ni Lander. "Saka ihahatid naman ni Jaziel si Chim. Huwag na kayong mag-alala."
Mas lalong kumunot ang noo ko. Baliw ba siya? Nananahimik iyong tao sa likuran, oh. Napatingin naman ako kay Jaziel na nasa likuran nila na nakatingin sa malayo. Ang lalim talaga nang iniisip niya!
"Sige. Sige. Una na kami," paalam ni Ayel.
I waved my hands at them and waited them to ride a tricycle. Mas malapit kasi ang tricycle papunta sa kanila.
"Tara, tara," rinig kong sabi ni Jaspher, at nakita kong sumilong siya sa payong ni Lander. Napanguso naman ako.
Nahihiya na ako kay Jaziel! Ang dami na niyang ginawa para sa akin, pero ewan ko ba sa sarili ko. Pinipili ko pa ring maging masungit sa kaniya minsan lalo na kapag nagkikita kami. Pero siguro dahil iyon sa pagkukumpara sa amin ng mga core subjects teacher namin.
"Let's go," aya ni Jaziel na nakatingin na pala sa akin. Naglakad siya papalapit sa akin at inayos ang payong.
Inilagay ko sa aking harapan ang bag ko at sumukob sa kaniyang payong. Medyo lumayo lang ako nang kaunti dahil pakiramdam ko ay makukuryente ako! Pero nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa may kabilang balikat ko at inusog ako papalapit sa kaniya.
Mas lalong bumuhos ang malakas na ulan. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong medyo nakatigilid sa akin nang bahagya ang hawak niyang payong. Tumingin ako sa side niya. Nababasa na ang kaniyang balikat.
"Nababasa k–ka na," I told him.
"'Wag mo akong alalahanin," aniya. "Basta ang importante ay hindi ka nababasa," dagdag niya.
Hindi na ako nakaimik dahil ramdam ko ang init ng aking mga pisngi. Siya na nga itong pinapayungan ako, pero siya pa itong considerate.
Parang gusto ko tuloy siyang maging kaibigan.
"Okay ka na ba ngayon?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Against All Odds | ✓
Teen FictionChim, the daughter of a famous producer and a baker, strives to honor her parents' legacy. Jaziel, raised by a single mother, excels in his studies to support her. Despite their contrasting personalities-Chim's bubbly nature and Jaziel's reserved de...
