Chapter 28.
Dumiretso ako sa may oval. Umupo ako sa may damuhan dahil hindi naman gaanong mainit. Dito na lang din muna ako magpapagabi at mahangin naman talaga.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit magkasama sila kanina. What does she mean by 'wag siyang gagaya sa ama niya? Sino ba ang ama ni Jaziel?
"Chim." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Speaking of.
Pumunta siya sa may harapan ko. Napatingala ako.
"Anong kailangan mo?" kalmado kong tanong.
He bent his knee in front of me. He's softly looking at me. Ibinalik ko ang tingin sa librong binabasa ko. "Nakausap ko ang Director kanina. He wants us to join the three-days seminar for top students."
I closed the book and looked at him. "Is it required?"
"Yes. Additional points for our final average."
"You can go. I will tell him tomorrow that I can't come."
Napakamot siya sa kaniyang noo. "How about the title you are aiming for?"
I lazily looked at him. "I told you, kuhain mo kung gusto mo. I don't care."
He heavily sighed. "Please be fair, Chim. I want you to fight me fairly. Get the title because we fight for it, not because we give it."
Ang daming sinasabi ng lalaking 'to. For sure, kapag nakasama ko siya ay maiinis lang ako araw-araw dahil sa pagmumukha niya. Bakit kasi nakita ko na naman siya? Tapos ngayon mukhang tatlong linggo na naman naming makakasama ang isa't isa!
"Bakit tayo pa? Marami namang top students. Sa lower year, for sure, meron diyan."
"He's considering this our last activity. Sa lahat daw kasi ng batch in the past 5 years, sa atin lang bumalik ang highest rank."
"I will think of it," sabi ko. I opened my book and read again, where I stopped.
Napansin kong hindi pa siya umaalis, kaya tumingin ako sa kaniya. "May kailangan ka pa ba?" I asked him casually.
"Can I add you in my Facebook?"
May bago siyang account? Hindi naman niya ako inunfriend dahil madalas kong makita ang mga tagged post sa kaniya ng mga kaibigan niya, but he didn't respond anything about it.
I stalked it once at ang profile niya roon ay siya. Ako pa ang kumuha no'n. While 'yong cover niya ay kaming dalawa. I kissed his cheeks while he was smiling and looking at the camera.
We were young back then.
Maybe it was hacked...
"Chim G. Alonzo," I told him.
He just nodded and got his phone out of his pocket. He's typing something on it.
"I will accept you later," sabi ko na lang bago magbasa ulit.
"Patulog muna ako rito," rinig kong sabi niya, pero hindi ko na siya pinansin dahil nasa exciting part na ako ng kwento.
It took me hours to finish the book. I stretched my back when I noticed someone sleeping beside me. Ginawa niyang unan ang kaniyang bag habang nakatakip ang kaniyang mukha ng panyo.
Nando'n ang kaniyang kamay, and I noticed the bracelet. The one I gave it. Why does he still have that? Why is he still keeping it? Why?
Parang gusto kong paniwalaan na nagsinungaling siya sa akin dati dahil may pinoprotektahan siya. It's still a big question for me. Ang dami kong tanong tungkol sa paghihiwalay namin noon, pero mas pinili kong manahimik.
Kaya hangga't maaari ay hindi na lang ako nagagalit nang husto sa kaniya.
I looked at my watch, and it's already 7 p.m.Madilim na rin at ang tanging ilaw na lang namin dito ay ang ilaw sa poste mula sa gilid.
Niligpit ko na ang mga gamit ko. I moved his shoulder numerous times to wake him up. Baka maiwan siya rito at kagatin ng lamok.
He hummed.
"I will go now. Ginising kita kasi malamok na rito," I told him.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang panyo sa mukha niya at nagsalubong ang tingin naming dalawa. Nandiyan na naman ang mga namumungay niyang mga mata na nakatingin sa akin.
Kumurap ako at umiwas siya ng tingin. Umupo siya at tiningnan ang kaniyang cellphone.
"I slept for hours. It's so good," he said. He keeps silent, like he's thinking about something. "Gusto mo bang kumain?" he asked softly.
I cleared my throat. "Actually, I'm planning to eat."
"Can I join you?"
Marahan akong tumayo at pinagpag ang suot kong pantalon. "Tara," casual kong sabi.
Ngumiti siya sa akin. The genuine one. Ngayon ko lang siya ulit nakitang ngumiti nang ganiyan simula nang makita ko siya after years.
Tumayo siya kaagad ang binitbit ang kaniyang bag. "I will carry your bag," he said.
Natigilan ako. It was like him years ago. After class, he used to bring my bag every time we went out to eat.
"Sorry," aniya, mukhang natauhan.
Tumalikod na ako at naramdaman ko kaagad siya sa gilid ko. Sinasabayan ang lakad ko. Napatingin ako sa anino namin.
Tumangkad na ako. Hindi katulad dati na hanggang baba niya lang ako. Now, it's like I'm at his nose tip level. Tumangkad din naman ako talaga. Lalo na't naging active ako sa gym when I was in my 2nd year.
Walang umimik sa amin hanggang sa makarating kami sa malapit na karinderya. "What do you want? Would you like the pares or lugaw?" he asked me.
Nananandya ba talaga siya? Alam niyang iyon ang madalas naming kainin noon.
"No. I will go for lechon kawali."
He nodded. Siya na ang umorder at ako naman ang humanap ng table naming dalawa. Pinunasan ko ang table namin gamit ang dala kong tissue.
Parang bumabalik kami sa pagkabata. Ganitong-ganito kami noon. Like, while he's ordering the food, I'm the one who prepares the table. Reminiscing pa.
Inilabas ko na ang alcohol at naglagay na sa aking kamay. Maya-maya lang ay dumating na si Jaziel, bitbit ang isang tray. Nando'n ang order naming dalawa.
Tig-isa lang kami ng kanin at hati naman kami sa ulam dahil marami naman ang serving sa karinderya rito. Umalis siya ulit nang ilapag niya iyon.
I think he's going to get water and utensils for us. Kaya inayos ko na rin ang mga plato namin. Para kapag bumalik siya ay ayos na rin.
Nang makabalik siya ay may dala siyang isang basong tubig at isang botted water.
"Sa 'yo." Inilapag niya sa gilid ng plato ko ang bottle water. "Baka kasi sumakit ang tiyan mo."
I'm sensitive when it comes to water. "Thank you."
He just smiled and sitted in front of me. "Let's eat."
Nagsimula na kaming kumain at buti na lang ay hindi na siya nagtanong-tanong pa dahil hindi ko rin naman alam kung paano pa magiging casual sa harapan niya.
I still noticed the bracelet on his wrist. Para bang matagal na iyon sa kamay niya, kaya wala na siyang pakialam kung mapansin iyon o hindi.
"Why are you still wearing that?" I asked him.
He stopped for a while. "Sayang, eh."
I smiled fakely. Sayang? Hindi naman mahal 'yon. It's only 20 pesos. So, what's the point?
"Hindi naman mahal 'yan."
He glanced at me. "Hindi lang naman bracelet ang tinutukoy ko."
Natigilan ako sa kaniyang sinabi. "What do you mean?"
Kinuha niya sa kamay ko ang bottled water dahil nahihirapan akong buksan iyon. Siya na ang nagbukas para sa 'kin.
"Nothing..." Inabot niya sa 'kin iyon. Naglagay rin siya ng isa pang ulam sa plato ko. "Kumain ka pa."
"I have a diet plan," sabi ko dahil puro taba ng baboy ang nilagay niya sa plato ko.
"Sorry," aniya. He looked at me again. "Are you going to come or not sa seminar? Sa La Union iyon."
______________________________________________
__________________________
BINABASA MO ANG
Against All Odds | ✓
Teen FictionChim, the daughter of a famous producer and a baker, strives to honor her parents' legacy. Jaziel, raised by a single mother, excels in his studies to support her. Despite their contrasting personalities-Chim's bubbly nature and Jaziel's reserved de...
