Chapter 29.
“Thank you for accepting my offer, Ms. Alonzo. Ingat kayo roon,” said the director of the university.
I smiled at him. “No problem, Doc.”
Tumingin siya kay Jaziel. “Oh, paano ba ‘yan? Mag-ingat kayo at alagaan mo itong kasama mo,” aniya.
“Of course, sir.”
Sumakay na rin kami sa bus pagkatapos naming magpaalam. Kasama namin ang Dean ng CAS at Dean nina Jaziel. Kasabay din namin sa bus ang ilan sa mga top students from different universities. Kumpara sa kanila, kami lang yata ang nasa higher year. Most of them are in their 1st or 2nd year.
Magkatabi kami ni Jaziel at ako ang malapit sa bintana. We have numbers in our ID lace at suot rin namin ang university shirt namin.
“May neck pillow ako,” aniya.
Napanguso ako dahil nakalimutan ko iyong akin! Kaya wala tuloy akong magamit.
“Okay.”
He chuckled. “Oh, ito gamitin mo. May dala pa akong extra. Alam ko namang makakalimutin ka sa mga dadalhin mo.”
Wala na akong nagawa nang isuot niya na sa akin ang neck pillow. Napalunok ako nang makita ang mukha niya nang malapitan ulit. Our eyes met.
I immediately cleared my throat and averted my gaze. Umupo na rin ako nang maayos at inilabas ang earpods ko at isinuot iyon. I played some music. Medyo mahaba rin ang biyahe dahil galing kaming university. Hindi katulad sa bahay namin galing na medyo malapit lang.
Sumama na ako rito dahil baka payagan kaming lumabas pagkatapos. I want to meet Karla and Ayel again. Wala na akong naging balita sa kanila. Hindi rin naman sila masiyadong active sa social media. Parang thrice a year nga lang yata silang mag-online.
“Mahina ba ang signal sa La Union?” tanong ko sa katabi ko at tinanggal ang earpods kong suot.
He glanced at me while he was eating chips. “Hindi naman. Why?”
“Minsan lang kasi mag-online sina Ayel at Karla. I don’t have any news from them.”
“They’re not just fans of being active on social media. They’re more focused on their lives.”I slightly nodded. Sabagay magkakasama silang magpapamilya roon, kaya para saan pa ang social media? And maybe they’re just busy.
Nakita kong may kinuha siya sa kaniyang sling bag. It was a fudgee bar, inabot niya sa ‘kin iyon nang bukas na. Maging ang C2 ay nagbukas siya.“Salamat,” tanging nasabi ko. “How about your friends?”
He shrugged. “I didn’t get any news from them since I transferred here.”
“Since when?”
“Few months after you left.”
“I thought you were going to study at LUU? ”
“Changed plan. A lot of things happened that time, Chim.” He looked at me. “Are you ready to hear it all?”
I shook my head. “Not yet. Maybe some other time.”
He nodded. “I understand. Take your time.”
Nang makarating kami sa resort kung saan kami tutuloy ay sama-sama sa isang kwarto per university. Kaya sa isang kwarto ay mayroong apat na bed para tig-iisa kami. Kasama namin sina Ms. Perisia at Dean Trese.
Malapit ako sa may balcony, kaya kapag umupo sa gilid ng kama ay kitang-kita ang view sa labas. Sana ay payagan kaming lumabas after 3 days para makita sina Ayel at Karla.
Girls
Chim G. Alonzo
Hi, girls, baka gusto niyong mag-meet up? I’m in La Union right now.
Hindi nag-deliver ang message means that they’re not online at this time. Itinago ko muna ang cellphone ko at dumiretso sa banyo para maligo. Tulog na si Jaziel dahil siya ang unang nakaligo sa aming apat. Ang mga Dean naman ay mukhang nasa baba. Nang matapos ako sa lahat ay namalayan ko na lang din ang sarili kong nakatulog na.
Kinabukasan ang unang seminar namin. Most of the topics are about how to achieve goals with dedication. The next day is all about don’t be upset if we get lower grades. It taught us not to think that we’re failures if we get lower grades. Lastly, it's all about enjoying our school days and not stressing ourselves too much.
Marami akong natutunan sa mga seminar. They think that it’s a boring one, but kung ang speaker ay maganda magdala ng conversation, it wasn’t boring at all. Hindi rin talaga siya nakakaantok.
After 3 days, babalik na rin kami bukas ng umaga. It was sad na busy sina Ayel at Karla dahil mga graduating na rin. Maybe after graduation, daw ay labas kami.
“Chim...”
“Hmm?”
“Can we talk?”
Napatingin ako kay Jaziel. He’s like begging for something. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Ibinaba ko ang libro na hawak ko gamit ang isang kamay ko.
“About what?”
“About us?”
I smiled bitterly. “Wala namang tayo, Jaziel. Can you stop this?”
He blinked. “I want to explain myself.”
“Maybe some other time. Hindi sa ganitong oras.” I get my hand. “Matutulog na ako.”
Hindi pa ako handa sa mga kwento niya. I’m not ready to handle everything. I’m afraid that he’s still using me to get the title. Wala naman na talaga akong pakialam doon, eh, but it’s like deja vu on what happened when we were in high school.
“I really love you, Chim.”
Hindi ko na siya sinagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I don’t know what to feel.
Hindi kami nagkaimikan after that day, hanggang sa makabalik kami sa city. He maybe gives me space, dahil nando’n pa rin ang care niya habang pauwi kami.
Nang makarating ako sa condo ko ay nag-ayos na ako kaagad ng mga gamit kong dala dahil ayokong matambakan.
After a few days, an unknown number called me. Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba, pero sa huli ay sinagot ko rin iyon.
[Pa, can you go here? Bring me some medicine. I have a fever.]
Kilalang-kilala ko ang boses niya kahit na may sakit siya. [Please, pa, I can’t move my body.]
I ended the call and got my hoodie from the closet. Bumaba na ako ng pharmacy para bumili ng gamot. Napadaan na rin ako sa malapit na convenience store para bumili nang makakain namin ni Jaziel.
I rang the bell. After a few minutes, it opened. “What are you doing here, Chim? Do you need anything?” he asked.
“You called my number.”
His lips parted. Maya-maya ay para siyang natataranta. “I’m sorry! Pasensya na.”
“It’s fine. Nakabili na ako ng mga kailangan mo.”
I pushed the door slightly, para makapasok. Pumasok ako na parang ako ang owner ng unit niya. Dumiretso ako sa kusina para ihanda na ang lulutuin ko. Lulutuan ko siya ng lugaw.
"What are you doing?”
Lumingon ako at nakita kong nakatingin pa rin sa ginagawa ko si Jaziel. “You should rest. Ako’ng bahala.”
Nilapitan ko siya at iginiya siya sa kwarto niya. Pinaupo ko siya sa gilid ng kama bago ako dumiretso sa banyo. Kumuha ako ng towel at binasa iyon.
Bumalik ako at pinunasan siya. While I’m wiping his forehead, he stops me. Our eyes met. “You don’t need to do this.”
“I need. Kailangang bumaba ang lagnat mo.” I raised my brows at him. “Akala ko ba fight fairly? Magpagaling ka para makuha ang Valedictorian.”
He smiled faintly. “I’m willing to give up everything for you, Chim.”
“Why?”
“I love you,” he softly said.
Nasabi niya na sa akin, ‘yan no’ng nasa La Union kami, but there was no emotion at all. Pero ngayon ramdam ko ang sincerity niya.
Dahan-dahan kong binaba ang kamay ko. “I thought it was all fake?”
He shook his head. “It’s just my alibi. I love you so much.” He cried. “I love you until now. My feelings are never faked. I just don’t want to hurt you.”
I wiped his tears. “Let’s talk about it when you’re already fine, okay? Get some rest.” I caressed his cheek. “I won’t leave you.”
Dito ako natulog sa unit niya. Nang magising ako ay nasa kama na niya ako at nakayakap siya sa akin. Ang huli kong naalala ay nasa sofa ako natulog... sa sala. Marahan kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at umupo ako sa gilid ng kama.
Maya-maya lang ay naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Hindi ako lumingon pero ilang segundo ang lumipas ay naramdaman ko na lang ang mga braso ni Jaziel sa bewang ko.
“Are you okay?”
He kissed my shoulder.
“Who’s your father?” I asked.
He stopped kissing me. “It’s your tito pogi.”
My eyes widened.
______________________________________________
__________________________
✓JonalynYan
![](https://img.wattpad.com/cover/345254406-288-k273397.jpg)
BINABASA MO ANG
Against All Odds | ✓
Teen FictionChim, the daughter of a famous producer and a baker, strives to honor her parents' legacy. Jaziel, raised by a single mother, excels in his studies to support her. Despite their contrasting personalities-Chim's bubbly nature and Jaziel's reserved de...