Chapter 27

4.9K 122 8
                                    

Chapter 27.
 

 
“Chim, pinapatawag ka ni Dean,” tawag sa akin ng kaklase ko.
 
Medyo kinakabahan ako dahil last time ay pinatawag niya ako. There’s a possibility raw na maging Valedictorian ako this batch. Pero hindi pa raw sure dahil may isa pa raw akong competitors.
 
I went to the third floor, dahil doon ang opisina ni Sir Pelaez, the Dean of the College of Arts and Science.
 
Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang buksan ko ang pintuan. Nandito na naman si Jaziel. He’s sitting in front of Dean Pelaez, along with Dean Fortres, the dean of other colleges.
 
“There. Siya si Ms. Alonzo ang kalaban ni Mr. Junquero para sa valedictorian title.”
 
What? Who the hell is Junquero? Why is it familiar?
 
Mr. Pelaez smiled at me. “You may sit down, Ms. Alonzo. We have the results of your partial average this semester.”
 
Naupo ako sa tapat ni Jaziel at hindi tumingin sa kaniya. I’m just looking at Mr. Pelaez.
 
Nandito na naman tayo sa feeling na sana ay hindi na lang ako nagsipag mag-aral. I hate competition already, but lagi ko pa rin itong nararanasan, and it’s always Jaziel, my rival.
 
This time, I looked at him. He’s softly looking at me. I didn’t give him any emotions. Ayoko na nga siyang makita, pero bakit paulit-ulit na lang na ganito?
 
Umiwas ako ng tingin at muling tumingin kay Mr. Pelaez. “Your averages are almost the same. Depende pa iyon sa grades na makukuha ninyo this semester. Kaya isa sa inyo ang magbibigay ng speech. Actually, ang averages n’yong dalawa simula 1st year ay nagtatalo kaya nahihirapan kami.”
 
I gulped. Ayoko nang makipagtalo sa posisyon na ‘to. Kung hindi ako ang batch Valedictorian ay okay. Kung ako naman, edi okay lang din. No matter what the results are, at least I did my best.
 
“I’m open to accept what my grades will be this semester. No matter what the results are, I’ll accept it.” I stood up. “I don’t want to have an issue with this. I’m willing to wait for the final announcement.” I gave them a bow. “Mauuna na po ako. I have a lot of things to do,” paalam ko.
 
Lumabas na ako ng office at huminga nang malalim. Nang makalayo-layo na ako ay may humablot sa palapulsuhan ko, kaya napatingin ako roon.
 
“What?” tanong ko at binawi ang kamay ko.
 
“Gano’n na lang ‘yon? You will give up the valedictorian title, kahit ako ang kalaban mo?” he asked confusedly.
 
I smirked at him. “Baliw ka ba? We’re not young anymore, Mr. Junquero. Or whoever you are. I don’t care. Kung gusto mo ulit kuhain sa akin ang posisyon, go! I don’t care.” I smiled fakely. “Kung akala mo na ako pa rin ang babaeng nakilala mo noon, well, I’m not.”
 
“Chim, beat me again this time,” aniya.
 
I shook my head. “No. I won’t do that again. I’m done with your bullsh*t.” I slightly scratched my forehead. “May sasabihin ka pa ba? I really need to go,” dagdag ko.
 
Umiling siya at pekeng ngumiti sa akin. I rolled my eyes at him before I left.
 
Bumalik na rin ako sa classroom at tinatapos na ang narrative report ko. Pumapasok na lang talaga ako para rito. Kami pala. Most of our professors told us to make it here, dahil minsan may mga announcement silang kinakailangan mong malaman.
 
It’s already 6 p.m. when I noticed the time. I closed my laptop and stretched my body for awhile. Tumayo na rin ako dahil nararamdaman ko nang nagugutom ako. I have no specific friends here at our new university. Si Rochelle lang yata ang nakakausap ko nang matagal, pero dahil hindi ko na kinakaya ang mga extrovert energies ay minsan lumalayo ako.
 
Wala na rin akong naging balita sa dalawa kong kaibigan sa La Union. Since I left, I haven’t had any communication with them.
 
Dumiretso ako sa may convenience store sa tapat ng university. I just bought a cup of noodles and a water bottle.
 
Bukas ay uuwi muna ako sa bahay namin. May sasabihin daw kasi si mama sa akin. Ayaw niya rin namang sabihin sa akin sa call. Hindi kaya buntis siya? Pero grabe naman ang mga magulang ko, ayaw tumigil. Halah sige bahala kayo.
 
Napatingin ako sa katabi ko dahil naramdaman kong may umupo roon. He’s wearing a blue hoodie. Hindi ko makita ang mukha niya. Napatingin ako sa kamay niya; he’s wearing a bracelet. Pamilyar iyon!
 
Ang nasa table niya ay parang tinapay na may toppings. I don’t know what it is called para bang may garnish sa ibabaw.
 
Umiwas na ako ng tingin at sinimulan nang buksan ang ang cup noodles ko at kumain na rin. Napatingin ako sa repleksyon nag glass wall.
 
Napatigil ako sa pagnguya nang mamukhaan ko kung sino iyon.
 
He looked at me, and shock was written on his face.
 
“Let me eat at peace,” I told him, looking away.
 
Walang umimik sa amin hanggang sa matapos na akong kumain. Minadali ko pa iyon dahil ayaw ko talaga siyang makasama nang matagal. Mas nauna siyang lumabas ng convenience store. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na siya makita.
 
Kinabukasan ay maaga akong bumiyahe papunta sa bahay. Sinalubong kaagad ako ni papa. He kissed my forehead.
 
“Hi, pa.”
 
“Are you okay, baby? Bakit umuwi ka? Is there a problem?” tanong niya.
 
I shook my head. “May sasabihin daw si mama. So, I went home today. Ano ba ‘yon, pa? Alam n’yo po ba?”
 
He just shrugged. Agad kaming dumiretso sa kusina dahil nando’n si mama. Mukhang may customer na naman siya.
 
“Mama,” bati ko kaagad at humalik sa kaniyang pisngi.
 
“Hi, baby. Buti at nakauwi ka...” She smiled at me. “Anyway, I’m here to announce that I’m pregnant! ”
 
My lips parted. Nakita ko naman si papa na halos matumba na kaya inalalayan ko siya kaagad. Maya-maya lang ay tuluyan na siyang bumagsak sa sahig!
 
Ang OA talaga ng papa ko minsan!
 
“Gising na ba, baby? Gusto ko lang naman siyang i-prank. Ito talagang tatay mo, napaka-arte.”
 
Natawa ako sa sinabi ni mama. 10 minutes na ay hindi pa rin nagigising si papa. It’s just a prank! Ang totoong balita talaga ni mama ay pupunta sila ni papa sa Norway para makita ang Northern Lights, and she’s inviting me, but sadly, I can’t dahil may tinatapos pa ako.
 
Babalik na lang daw sila kapag 1 week before graduation ko.
 
“Bakit kasi ‘yon sinabi mo, ma? Alam mo naman, ‘yan si papa gusto mo pang magkaroon ng isa pang anak, eh,” paliwanag ko.
 
Tumawa naman si mama. “Oo nga, eh, pero mas masaya kasi,” sabi niya.
 
Napailing na lang, but at the same time, I’m happy because they have the healthiest relationship that I’ve known.
 
Nang magising pa si papa ay umiyak siya, kaya tawang-tawa kami ni mama.
 
“Another child? Are you serious, Naya?” he sobbed more.
 
I covered my mouth to suppress my laugh. Ayoko na talaga!
 
“It’s a prank, Cheus! Ang sasabihin ko lang naman ay sasama ako sa ‘yo sa Norway,” sabi ni papa sabay yakap kay papa.
 
He stopped crying. “Huh? So the pregnancy wasn’t true?”
 
Umiling si mama.
 
Binuhat ni papa si mama. “Gagawa na kami ng bago, Chim,” sabi ni papa.
 
Napailing-iling na lang ako habang tumatawa. Ito talagang mga magulang ko, iniinggit ako minsan.
 
Nang mag-lunes ay nagpa-check lang ako ng files ko sa Prof. namin. Napadaan ako sa Director’s office nang hindi ko sinasadyang napasilip sa hahgyang nakaawang na pintuan.
 
Nakita ko roon ang mother ni tito pogi. She’s like arguing with someone. Ano kayang ginagawa niya rito? Ang alam ko, kasi ay wala naman ng ibang kapatid si tito pogi.
 
One more thing... Tito Pogi and his mother weren’t close to each other.
 
“If you don’t get that valedictorian title, I won’t accept you!” sigaw nito.
 
Umabante ako nang kaunti para makita kung sino ang kausap niya. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita kong si Jaziel ang kausap niya.
 
Ano’ng ibig niyang sabihin kanina? Pinapaaral niya ba si Jaziel?
 
“Umayos ka, Wayne. Hinding-hindi kita tatanggapin sa pamilya ko, kung hindi mo makuha ang gusto ko. ‘Wag kang gagaya sa ama mo.”
 
 
 
 
 
 

 
______________________________________________
__________________________
✓JonalynYan

Against All Odds | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon