Chapter 5

7.5K 180 3
                                        

Chapter 5.
 

"Balita ko may crush daw si Jaziel sa HUMSS! Bali-balita iyon sa buong STEM," rinig kong sabi ni Ayel habang nakikipagkwentuhan sa mga kaklase namin.
 
"Gagi! Hindi pa ako handa. Hayaan n'yo muna akong magka-crush sa kaniya, please. Gusto ko pang maging delulu," madramang sabi ng isa kong kaklase.
 
Biglang sumingit ang kaklase kong bakla sa usapan nila. "Paano mo naman nasabi iyon, ha? Gurl, wala namang umabot sa akin," Nagpapaypay siya sa kaniyang sarili gamit ang hawak niyang papel at ipinulupot ang kamay sa braso ni Ayel na nakapamewang.
 
"May nakita raw na babae na kasama niya kanina! From HUMSS nga raw, eh." Tumingin siya sa akin. "Hindi naman ikaw 'yon, hindi ba?"
 
Lahat sila ay nagtinginan sa akin, kaya napalunok ako. "Bakit ko naman siya magiging kasama? Kaaway ko 'yon," casual kong sabi at bumalik sa aking ginagawa.
 
Nagsusulat kasi ako ng outline para sa darating na short story contest next week. Nagpatuloy sila sa kwentuhan at naririnig ko pa rin na siya ang topic. Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi ako makapag-focus. Masiyado silang maingay.
 
I decided to stand up with my paper and pen on my hands. Dahil may oras pa naman para sa next subject ay lumabas muna ako ng classroom at dumiretso sa may Chill Zone. Tambayan ito ng mga estyudante kapag wala silang ginagawa, kwentuhan, eat place at group meeting place, etc.
 
Naupo ako sa isa sa mga upuan. Kakaunti lang ang nandito nandito dahil sa malamang ay marami pa ang mga may klase. Wala kasi ang instructor namin at sa next subject pa ang mayroon.
 
When I'm busy doing my outline, something blocks my view from writing on my paper. I look at the hand's owner; it's Jaziel.
 
My brows furrowed when I saw him darkly looking at me. His jaw tightened.

"Problema mo?" mataray kong tanong.
 
"Pinagkalat mo ba na nagtatrabaho ako sa palengke?" tanong niya.
 
Dahan-dahan akong tumayo. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Do I care about your life?"
 
Napasinghap siyang tumingin sa akin. "Really? Pretending to be an innocent. You want to ruin my reputation, Chim. Ramdam na ramdam ko iyon."
 
Mas lalong nangunot ang noo ko. "Bakit ba ako ang sinisisi mo? Ganiyan ba talaga ang tingin mo sa akin? Isa pa, ano bang ikakasira mo kung malaman nila?"
 
Umiwas siya ng tingin bago bumuntong-hininga. Mas lalong nagdilim ang kaniyang tingin nang magtagpo ang mga mata naming dalawa.
 
"You don't understand, Chim. Isa pa, bakit ka ba nangingialam sa buhay ko? Sino ka ba?"
 
And it does hit my nerve. Sino ba ako? Bakit ang sakit niyang magsalita? Hindi ko siya maintindihan. Wala naman akong alam sa sinasabi niya.
 
It made me feel worthless.
 
"Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit mo, Jaziel. Kung ano man 'yan, wala akong pakialam dahil sino ka rin para pakialaman ko," pakikipagtalo ko sa kaniya.
 
"Someone told me that you shared others about my job."
 
"Do you have a proof? Ipakita mo sa akin o iparinig mo na nagkwento ako tungkol sa 'yo! Kahit kailan, Jaziel hindi ako nangialam ng buhay ng ibang tao. My parents taught me to never interfere in someone's life unless they want to talk about it."
 
Mas lalong nanliit ang kaniyang mga mata dahil sa galit na nararamdaman niya. Ano bang makukuha ko sa pagkakalat ng chismis tungkol sa kaniya? Isa pa, kahit galit ako sa kaniya ay never ko siyang siniraan sa ibang tao dahil patas naman akong makipaglaban.
 
"Ikaw lang ang nakakita sa akin kahapon, Chim. Sapat na iyon para malamang ikaw iyon," kumbinsido niyang sabi.
 
Sinamaan ko siya lalo ng tingin. "Paniwalaan mo kung anong gusto mo. Isa lang masasabi ko, hindi lang ako ang taong nakakita sa 'yo kahapon."
 
Umirap ako sa kaniya at nakita ko siyang umayos siya nang pagkakatayo. He combs his hair back using his fingers.
 
"If I already know the truth, I will promise that I won't give you the top place na pinapangarap mo," sabi niya bago ako talikuran.

"Sandali..." Tumigil siya. "Siguraduhin mo rin na tama ang narinig mo dahil kung hindi, I won't forgive you," dagdag ko.

Hindi na siya nagsalita at nagpatuloy sa paglalakad.
 
Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko at dali-daling pinunasan iyon. Ang kapal ng mukha niya! My parents never feel that they're mad at me. But him? I feel so worthless!

Humanda siya. Let's see if sino talaga ang makakauna.
 
Nang bumalik ako sa classroom ay nasa unahan ang president namin, kaya mabilis akong naupo. Karla approached me immediately. "Saan ka galing?" she asked.
 
I shook my head slightly. "Diyan lang at tinapos ang outline ko."
 
She didn't ask questions anymore and just nodded at my answer. I also listened to our president.
 
Napag-usapan na sa 1st week of December ay magkakaroon ng SHS means that we don't have classes for one week, dahil puro kami booths, games, and contests. Need daw muna mag-relax ng buong SHS.
 
After the meeting, our instructor for the next subject arrived. Pagkatapos nito ay uwian na rin naman, kaya hinayaan ko na lang ang kalungkutan na manaig habang patapos na ang klase.
 
"Uwian na! Tara na!" sabi ni Karla at umakbay sa akin.
 
"Tara! Tara! "Sabi naman ni Ayel.
 
"Chim, pinapatawag ka ni sir Radiel sa faculty!" sigaw ng kaklase namin mula sa pintuan.
 
I let out a heavy sigh before shifting my gaze at the entrance. "Okay. Thank you."
 
Pinauna ko na ang dalawa dahil kailangan nga raw akong makausap ni sir Radiel. I knocked on the faculty's door before entering. "Good afternoon po. Si sir Radiel po?" tanong ko sa mga faculty na narito.
 
They pointed to the math area, and I saw Sir Radiel through the glass. "Thank you, po," I said.
 
Kumatok ako sa pintuan ng math area at pumasok. Bahagya pa akong nagulat dahil nandito rin si Jaziel. May sinasagutan siyang test paper. Sumeryoso ang aking mukha bago ako lumapit kay sir Radiel.
 
"Hi, sir. Pinapatawag n'yo raw po ako?" tanong ko.
 
He looked up at me and smiled. "Yes. I will just ask how's your wound? Magaling na ba?"
 
I nodded. "Yes, sir. My mother took care of me," I said.
 
He even smiled more at me. "Xiara is your mother, right?" he asked me, casually.
 
"Yes, sir."
 
"How is she? And your father Zach?"
 
Mukhang kilala ni sir Radiel ang mga magulang ko. Hindi naman siya magtatanong-tanong kung hindi. And I think they were schoolmates back then.
 
"Nagtataka ka siguro kung bakit ko kilala ang mga magulang mo? Well, sila lang naman ang naging sikat no'ng graduation ng batch nila. Your father proposed to your mother after graduation. Now, I know that your father is a well-known producer and your mother is a famous baker."
 
I smiled. "Yes, sir. They told me about that. And yes po, they're still strong today."
 
He chuckled. "I didn't doubt that because your father really loves your mom."
 
"Sir, I'm done," pagputol ng sasabihin ni Jaziel kay sir. Lumapit siya sa table nito bago ibigay ang test paper na hawak niya, kaya halos magkatabi kaming dalawa.
 
Tumingin sa test paper si sir bago niya ibinalik ang tingin sa aming dalawa. "You may go now. Ingat kayo sa pag-uwi."
 
"Thank you po," sabi ko at naunang lumabas.
 
Ayaw ko siyang kasabay, 'no!? Pero alam kong imposibleng mangyari iyon dahil iisa lang naman kami ng daan pauwi. Kaya hindi na ako magtataka kung nasa likuran ko siya habang naglalakad ako pauwi.
 
Pinagmasdan ko na namang ganda ng kulay ng kaulapan na epekto ng papalubog na araw.
 
Naupo ako saglit sa may waiting shed dahil sa gusto kong pagmasdan pa ang kulay ng kaulapan. Akala ko ay mauuna nang maglakad si Jaziel, pero huminto siya sa may gilid ng waiting shed at sumandal sa poste no'n.
 
Ilang minuto ang lumipas ay may tumawag sa kaniyang pangalan. It was the girl yesterday who was with them at the market. She's wearing the uniform of our school while wearing a cap backwards.

"Tara na, gag*. Sorry ngayon lang," aniya at umakbay kay Jaziel. Iyong maangas na pagkakaakbay.
 
Nahagip ng mga mata ko ang kaniyang Id Lace; she's from the HUMSS strand.
 
 
 

 
______________________________________________
__________________________

Against All Odds | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon