Chim, the daughter of a famous producer and a baker, strives to honor her parents' legacy. Jaziel, raised by a single mother, excels in his studies to support her.
Despite their contrasting personalities-Chim's bubbly nature and Jaziel's reserved de...
“Settle down, class. I just want to give an opening remarks for our party today,” sabi ng adviser namin, si sir Vladi.
Lahat kami ay nagsiupuan ng lahat at napatingin na lang kay sir. He’s our adviser and, at the same time, our professor in oral communication. I met him once in the City, naging customer kasi sila ni mommy noon. I was on vacation at that time, and I’m not sure kung naalala niya ako.
“Ang g’wapo mo talaga, sir! ” “Sir, dapat sinama mo iyong triplets mo, sir! ” “Sir, aagawin na kita sa asawa mo! ” “Sir, ilang taon na ba mga anak mo? ”
Most of us laughed because our professor is indeniably gorgeous, and we can’t deny that! Malakas talaga ang appeal ni sir at most of the students ay hinihiling na siya na lang ang maging prof. dahil sisipagin daw silang pumasok. Aside from his gorgeous appeal, he’s also a good teacher; he never lets anyone get behind with anything. He’s hands-on with his students.
He laughed because of my classmates’s commotion. “Quiet muna. Anyway, my children are playful, so I didn’t bring them today. I want you all to enjoy the party, not take care of my children.”
They giggled at what they heard. “How about your wife, sir?” Ayel asked.
“She’s busy in our restaurant,” aniya habang namumula ang kaniyang mga tainga.
Mas lalong nag-aasaran ang mga kaklase ko dahil sa kaniyang reaksyon. Every time na pinag-uusapan ang asawa niya ay ganiyan ang reaksyon niya. He always feels shy, and his ears turned crimson red.
We noticed that he loves her wife so much!
After he led the opening remarks, we started to have our program, games-performance-game-performance-eat, while exchanging gifts.
We had so much fun in the game, dahil magaganda ang laro ang pineprepare ng mga officers, and we’re happy that everyone’s participating in the game.
“Exchange gifts na!” my classmate yelled. Si Ran, ang treasurer namin. He almost laughed when he got a pack of pancit canton!
Tawa naman nang tawa ang mga kaklase namin. Dahil iyan talaga ang gusto niyang regalo, eh! Kung ano kasi ang nakalagay sa wishlist mo ay siya ring matatanggap mo, eh ayan ang natanggap niya. That’s why!
I didn’t put much on my wishlist. Ang nailagay ko lang yata doon ay peace, comfort, at kahit ano. My parents always provided my needs and wants, so I don’t think that I need to be a materialistic things.
“Cravings satisfied!” sigaw niya ulit.
Napangiti na lang ako nang makita silang masaya sa mga natanggap nilang regalo. I waited my turn until my name was called.
Tumayo ako at pumunta sa harapan. Nagkakagulo rin sa labas pero hindi ko iyon napansin dahil excited na akong makuha ang regalo ko!
Si Ayel ang nakabunot sa akin. She smiled ear-to-ear while laughing. I laughed at her too, dahil nahahawa ako sa tawa niya. Not until I couldn’t hear anything but the shout and whistle of my classmates.
“Pasok na!” sigaw mula sa labas.
I was shocked when I saw Jaziel with his friends. “Sir...” Napatingin ako kay Ayel na kausap si sir. “Siya po kasi iyong wish ni Chim, kaya hiniram ko na. Tapos naman na po party nila, eh.”
Mabilis na kumunot ang noo ko, I’m confused!
I could hear my classmates teasing us. Napatingin ako kay Jaziel na nasa tabi ko na. Ayan na naman ang pabango niyang sumisiksik sa ilong ko. He looked at me shyly. I don’t know kung totoo ba talaga ang nakikita ko sa kaniya. But he looks really shy toward me.
He looked away and cleared his throat.
“Are you two dating?” tanong kaagad ni sir, nanunudyo.
“No po!” maagap kong sagot.
Pero kahit gano’n ang sagot ko ay rinig ko pa rin ang hiyawan at palakpakan ng mga kaklase ko. Hindi ko alam kung ano ba itong pakulo ni Ayel! Kami na yata ang pinakamaingay na classroom.
“Sir, sir! Picture na silang dalawa!” sigaw ni Ayel. Si sir Vladi, kasi ang may hawak ng camera.
Kahit naguguluhan ay ngumiti na lang ako sa camera habang naka-peace sign ang aking isang kamay. Napatingin ako kay Jaziel na seryosong nakatingin sa camera. I saw how his ears turned red.
I’m really confused... Does he like me?
Nang matapos ang commotion ay may inabot siya sa aking regalo. “Regalo raw ni Ayel,” aniya “Una na ako, Chim. Merry Christmas,” dagdag niya.
Naiwan naman akong tulala habang hawak ang regalo. Halos mapatakip na lang ako sa aking mukha habang pabalik sa aking upuan. Paulit-ulit kong pinapalobo ang aking pisngi, habang pinipigilan ang pagngiti. Patuloy sila sa asaran hanggang sa pigilan na sila ni sir dahil masiyado na raw nakakaabala sa kabila. Pero rinig na rinig pa rin ang hagikhikan ng ilan.
“Crush mo ba si Jaziel, Chim?” tanong ni Karla sa akin habang nagbubukas ako ng regalo.
“Hindi, ah!” tanggi ko kaagad.
Nakita ko ang mapang-asar niyang ngiti. “Siguro may crush sa ‘yo ‘yon,” aniya.
Hinarap ko siya saglit. “Dzuh. Paano magkakagusto sa akin iyon? Nagalit nga siya sa akin no’ng nakaraan dahil sa fake news. Isa pa, he’s my rival here. No feelings were involved. Baka may plano,” I shrugged.
Napangiti ako nang makita ang regalo sa akin. It was a new notebook! Not a simple notebook, but for journaling or writing a diary. Kulay pink din iyon na sobrang favorite ko.
Napatingin ako kay Ayel na abala pa sa harapan dahil isa siya sa organizer ng gift giving. Tumingin ako kay Karla na kumakain habang nakikitawa sa mga kaklase ko.
“Anong nakuha mo?” tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin.
“Ang dami! Puro school supplies. Halagang 250 raw iyon. Random,” aniya.
Ipinakita ko sa kaniya ang binigay sa akin ni Ayel. “May bago na naman akong stock ng diary,” sabi ko sa kaniya.
“Nagsusulat ka pa rin until now?” tanong niya.
Marahan akong tumango. “Oo. Pero kapag malungkot or masaya lang ako.”
“Ano iyong huli mong sinulat?”
Bigla akong napaisip. Hindi ko maalala kung ano iyong sinulat ko doon. Pero last few weeks pa yata iyon. Hindi ko lang talaga siya matandaan.
“Hindi ko maalala.”
Hanggang sa natapos na ang exchange gift ay nakaupo na rin si Ayel. “Thank you sa gift! I have another gift,” sabi ko.
Binuksan ko ang aking bag at naglabas ng costumized pen na mayroong mga pangalan nila ni Karla. Una kong inabot ang ballpen kay Ayel.
Nakita ko ang ngiti sa kaniyang mga labi at niyakap ako. “Thank you! Ang ganda so much!”
“Grabe naman, Chim! May pahabol ka pang gift, ah,” dagdag ni Karla. “Thank you, thank you. Love you,” aniya at niyakap ako sa aking leeg.
Niyakap ko lang sila pabalik. I’m happy to see that they enjoyed what I gave them. Sila rin kasi talaga ang nagpagaan ng unang semester ko rito sa Peralta Senior High School. I don’t know what will happen after SHS. Babalik na kasi ako sa city para sa college. One more thing: we don’t talk about college universities yet. Siguro kapag grade 12 na kami.
On Christmas break, I spent it with my family. Sa bahay namin sa City. Lahat ng mga kamag-anak namin ay umuwi roon. While on New Year ay sa bahay ni MamaLa.
Now, I’m just enjoying the remaining days before class starts... Again.
I’m lying on the bed while scrolling on my phone, reading comments on my profile picture. It was me, wearing a light pink halter dress, holding a champagne glass— pretending that I’m drinking the liquor. Facing the right view. On the background is our Christmas tree with gifts.
A notification popped out.
Jaziel Flores sent you a friend request.
After I hit the accept button, he immediately reacted to my profile picture, which made me confused— even more.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.