Chapter 7

7.4K 182 4
                                        

Chapter 7.

 
I stood up and went to the door. "P'wede bang makahingi ng tubig?" tanong ko sa kanila.
 
Lumingon sila sa akin at binigyan ako kaagad. Bumalik ako sa pagkakaupo nang makuha ko ulit iyon. Uminom ako ng tubig. Napatingin ako sa kasama ko. He looked at me intently.
 
Tumaas agad ang isa kong kilay. "Bakit nakatingin ka na naman? Kung gusto mo ng tubig, manghingi ka rin," pagsusungit ko sa kaniya.
 
"I'm sorry," he sincerely said.
 
Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. "For what?"
 
It's been weeks since we had our conversation— the not so well one. Kung iyon man ang ihihingi niya ng sorry sa akin, I can't forgive him easily because I was really hurt.
 
"Pinagsalitaan kita ng mga masasakit na salita, kahit hindi naman dapat. I judged you easily, without any concrete proof. I made a mistake for that," sabi niya.
 
I rolled my eyes at him. "Tss. Bakit ngayon lang? Hindi ko na kailangan 'yan. You hurt my feelings though, so para saan pa? Do you feel guilty ba? Isa pa, hindi na kailangan. Lagi mo kasing pinagmumukha sa akin na mahina ako. You see, our core subject teachers always comparing me to you, and I hate that so much," I rant.
 
Ayaw ko na talaga siyang makasama! Naiinis lang ako lalo kapag nakikita ko ang pagmumukha niya. Huminga siya nang malalim.
 
"Alam kong hindi na no'n mababago ang katotohanang hindi ko na mababawi ang sakit ng nararamdaman mo, but I still want to say sorry."
 
I could feel his sincerity. Ayoko namang mag-ipon ng sama ng loob sa matagal na panahon, kaya ngayon ay hindi ko na lang sasabihin sa kaniya na pinapatawad ko na siya.
 
Wala nang umimik sa amin pagkatapos. I feel bored already, kaya naman nakaisip ako ng dapat kong gawin para makalabas na ako rito.
 
"Psst," tawag ko sa kaniya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. "Marunong ka bang umarte?"
 
Kumunot ang kaniyang noo. "What?"
 
Dahan-dahan akong tumayo at nagpanggap na nahimatay bigla. Naramdaman ko kaagad ang kaniyang pagkataranta dahil sa hakbang ng kaniyang mga paa.
 
"Chim? Are you okay?" nag-aalala niyang tanong habang niyuyogyog ako.
 
Narinig ko ang paghakbang niya papunta sa pintuan. "Jaspher, buksan mo na ang pintuan! Gag* nahimatay si Chim!" sigaw niya.
 
"Weh? Baka prank mo lang 'yan, ha?"
 
"Ha? Tang* ka? Kapag may nangyari ritong masama lagot ka talaga sa akin!" sigaw niya.
 
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Naramdaman ko kaagad ang pagbuhat sa akin. Alam kong si Jaziel ang nagbuhat sa akin dahil sa amoy ng kaniyang pabango. Ramdam ko ang mabilis niyang paghinga at ang kabog ng kaniyang dibdib.
 
Maya-maya lang din ay naramdaman ko ang paglapag sa akin sa kama at nakahinga ako nang maluwag. I heard the curtains close. Narinig ko ring kinakausap ni Jaziel ang nurse, pero hindi ko na maintindihan.
 
"Wala na sila," rinig kong sabi ni Jaziel.
 
Dahan-dahan akong nagmulat at tumawa. "Panis ka na naman sa skills ko! Gano'n dapat pero infairness, ang galing mong umarte, ha?"
 
Napailing na lang siya sa akin habang tinatago ang kaniyang ngiti gamit ang kaniyang mga kamay. Umiwas pa siya ng tingin.
 
"Mauna ka na. Dito muna ako magpapahinga para naman hindi sila makahalata," sabi ko at umayos ng higa sa kama. Itinaas ko rin ang kumot hanggang dibdib ko.
 
"No. I will wait in the waiting area."
 
Nginitian ko siya bago tumango. "Okay. Go."
 
Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan ang sarili kong makatulog.
 
Nang magising ako ay agad kong tiningnan ang relo ko. It's almost 45 minutes na rin kaya dahan-dahan na akong bumangon. Binuksan ko ang kurtina at nakita kong nakaupo si Jaziel sa may waiting area habang naglalaro sa kaniyang cellphone.
 
Tumikhim ako. Sandali siyang nag-angat ng tingin sa akin bago ibinalik sa cellphone.
 
"Una na ako, ah," paalam ko at mabilis na lumabas ng clinic.
 
Sandali pa't narinig ko na ang hakbang ng kaniyang mga paa. Napalingon ako at nakita kong nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.
 
"Ano? May kailangan ka pa?" tanong ko.
 
"I'm hungry. Hindi ka ba nagugutom?"
 
I shook my head. "I will go to my friends."
 
"Okay."
 
I just wave my hand, signifying that I'm saying goodbye to him. I walked toward the ABM building because I knew that my friends were there. Hindi nga ako nagkamali dahil nandito sila.
 
Hinampas ko ang kanilang mga braso at sinamaan sila ng tingin. "Fake friends! Hindi n'yo man lang ako binayaran do'n. Then, my phone lost," I said.
 
They're just both laughing. "Nasa 'min," sabi ni Karla, kaya pinanliitan ko sila lalo ng aking mga mata.
 
"Kainis talaga kayo!"
 
SHS week is so stressful dahil isa ako sa mga nag-aasikaso ng mga gagamitin namin for our booth. Maging sa sports namin ay isa ako sa organizer. I'm active in the sports organization of our school; that's why I'm busy for some reason.
 
After that week, I'm preparing for our year-end party. We called it that instead of a Christmas party because of our respect for other religions.
 
"Ang ganda naman ng first girl pamangkin namin," sabi ni titanang.
 
First girl pamangkin, pero hanggang ngayon ay ako pa rin naman ang nag-iisang babae sa generation namin. From my mother's side, Tito Xian has only one child; it's Kuya Adamian, while Titanang has only Vixie. On the father's side, Tita Icha is living her life as a single, rich Tita. Dahil kami lang ni Zeus ang pamangkin niya sa side nila dahil dalawa lang sila ni daddy ay spoiled kami.
 
Especially for me, I have this special treatment from them because I'm an only girl.
 
I'm looking at the mirror; it's so beautiful. I'm wearing a light pink one-shoulder dress while my hair is fixed by curling the lower part of my hair. For my make-up, my Titanang did it for me.
 
"Thank you, po, Titanang. It's really beautiful."
 
She caressed my hair. "You're welcome, baby girl. Gusto ko na ring magkaroon ng anak na babae. Sana palarin na kami ni Travis next year," aniya.
 
"For sure, Titanang. Mage-18 na ako next year. I'm not a baby girl anymore."
 
She smiled. "But you're still our favorite baby girl."
 
I arrived at school with many eyes looking at me. They're staring like they saw me for the first time. I cleared my throat because I felt shy.
 
I caught myself staring at the people in the STEM building when someone familiar looking at me. He's wearing a khaki polo shirt and pants with a black belt on it.
 
He's looking at me while tilting his head. I rolled my eyes at him, and I heard his classmates teasing him.
 
"Wala ka pala, eh!"
 
"Talino, pero walang karisma, aguy!"
 
 
 
 

 
______________________________________________
__________________________

Against All Odds | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon