Chapter 10.
“Destiny na ang gumagawa ng paraan!” pang-aasar ni Jaspher at siniko pa si Jaziel. Mabilis akong umiwas ng tingin at napatakip sa aking mukha.
They’re teasing us! Maririnig mo ang mga hiyawan nila at asaran. Lumakas iyon nang makisakay lalo si sir.
“Oh, tama na ‘yan baka magkatuluyan nang hindi natin nalalaman,” panunudyo niya pa at mas lalo silang naghiyawan.
Iyong iba ay tumatalon-talon pa habang natatawa at parang pabor talaga sa kanila na inaasar kaming dalawa. I pouted because I felt shy!
Buti na lang ay natapos na. Matapos ang by pair, ginrupo na kami sa tatlo. Ang napuntang ballroom dance sa amin ay ang Salsa. Mabilis pa naman ang galaw ng paa no’n.
“Simulan n’yo na, okay?” sabi ni sir Radiel. “Mag-meeting na lang muna kayo kung anong kanta ang gagamitin ninyo tapos next week mag-start na agad kayo ng steps. Ipeperform niyo yan sa akin sa end of February, kaya be ready.”
Magkatabi kami ni Jaziel, kaya tumingin siya sa amin. “Hinihintay ko rin ang loveteam n’yo. Ayieee,” pang-aasar niya pa na ikinapula ng pisngi ko.
“Sir, hindi talaga sila nagre-react, ‘no? Kinikilig siguro,” dagdag na pang-aasar ni Lander na sinabayan pa ng ilan naming mga kasama.
Agh! When will they stop teasing us? Wala na bang ibang pair sa section ng bawat isa? It’s like they're pushing us together—kahit wala naman talagang mangyayari! I hate Jaziel, and I don’t see myself falling for him. Yes, indeed, he’s smart... intelligent, rather—but he doesn’t suit his attitude. He keeps annoying me, and I hate that.
After the commotion, we have our meeting at the side. Sabi ni sir Radiel ay bawal daw kaming lumabas hangga’t hindi tapos ang oras niya kaya wala na kaming magawa. We can’t even play volleyball here. Ginagamit kasi ang bola sa field, doon nag-practice ang mga sasali sa volleyball team.
Sa college na lang ako babawi sa sports. I don’t feel like joining this year, eh? Maybe in my 1st to 2nd year.
Nagpaikot sila ng water bottle. “Kakanta iyong matatapatan, ah,” sabi ng isa, si Hannah ang leader namin sa grupo. Siya rin ang magcho-choreo sa amin.
Napausog ako dahil masiyadong madikit sa akin si Jaziel at baka hindi siya matapatan ng bottle. Edi, hindi ko na siya maaasar.
Napalunok ako nang sa akin matapat ang water bottle. “What song do I need to sing?” nahihiya kong tanong.
My parents have both been vocalists in their respective bands since they were in high school. Pero si mama ang nagturo sa akin na kumanta no’ng bata pa ako. I have a talent for singing. I won a lot of certificates and trophies because of it.
“Kahit ano! Basta iyong maiinlove si Jaziel,” singit ni Lander. Napanguso ako dahil inaasar na naman kaming dalawa.
“Tigilan n’yo na nga ‘yan. We’re enemies, and I don’t like him,” sabi ko sa kanila. Napatingin ako kay Jaziel.
I caught his eyes. “Hindi rin naman kita gusto,” casual niyang sabi.
I smiled. “Edi mas maganda.”
Napatingin ako sa mga kasama namin na malawak ang mga ngiti kahit na narinig na nila ang mga sinabi namin. “Hindi lulubog ang JaChim! "Sigaw ni Hannah.
I grimaced. “Baduy. Ang asim.”
“Tama na ‘yan. Kakanta ka na, eh. Tumatakas ka, ha?” pang-aasar ni Lander.
Tumikhim ako at bumwelo na. “Yeah... Falling from cloud nine... Crashing from the high,” I looked at them.
Their lips parted while looking at me. “You know, I'm letting go tonight... Yeah, I'm falling from cloud nine.” I heavily breathe.
“Thunder rumbling... Castles crumbling... I am trying to hold on.” I stopped for awhile. “God knows that I tried seeing the bright side... I’m not blind anymore.” I smiled at them.
“Wide awake.”
Mabilis silang nagpalakpakan at naghiyawan. “Grabe! Ang ganda ng boses mo! Nakaka-proud ka naman, beh!”
“Hoy! Ang ganda! Pang-contest ka!”
“Thank you,” I shyly said.
After our mini game, ay saktong pinayagan na naming lumabas ng gymnasium, kaya nagtayuan na kaming lahat. Nagkalasan na ang mga kagrupo namin maliban kay Jaziel.
Napaangat ako ng tingin sa kaniya. “What?” taas kilay kong tanong.
“Your voice is really good,” he said before, leaving me dumbfounded.
Did he compliment me?
I think he did.
![](https://img.wattpad.com/cover/345254406-288-k273397.jpg)
BINABASA MO ANG
Against All Odds | ✓
Teen FictionChim, the daughter of a famous producer and a baker, strives to honor her parents' legacy. Jaziel, raised by a single mother, excels in his studies to support her. Despite their contrasting personalities-Chim's bubbly nature and Jaziel's reserved de...