Chapter 22

5.4K 116 3
                                    

Chapter 22.
 
 

“Naku po! Kung hindi ko lang talaga alam na mag-jowa kayo, iisipin ko pa rin iyon kung ako makarinig niyan,” pang-aasar ni Ayel sa amin.
 
Tinawanan lang namin siya. Napatingin naman kami kina Karla at Jaspher, parehas silang tahimik at hindi magkatinginan.
 
“Oh, anong drama n’yong dalawa?” tanong sa kanila ni Ayel.
 
“Kami na,” sagot kaagad ni Karla na nagpanganga sa amin.
 
Hindi halatang nagliligawan ang dalawa dahil palagi silang nag-aaway! Kaya nakakabigla talaga.
 
Naramdaman ko kaagad ang pagkaakbay ni Jaziel sa akin. “Tara na, Xachi. Gusto kitang ma-solo,” bulong niya at nagsimula na kaming maglakad.
 
Hindi na namin pinansin ang mga estyudanteng pinagtitinginan kami dahil ganito ang asta ni Jaziel sa akin. Malamang ay mag-iisip na ang mga ‘yan. Pero matagal nang kalat sa eskwelahan na kami ng dalawa dahil sa mga nakakakita sa amin sa labas.
 
Dumiretso kami sa canteen para bumili lang ng pagkain at sa garden area na namin naisipan kainin iyon. Kakaunti lang ang tao rito dahil medyo mainit din minsan, pero sa pwesto namin ay hindi naman.
 
“Saan ka sa bakasyon?” tanong ko sa kaniya habang kumakain ng burger.
 
He glanced at me. “Trabaho.”
 
Napanguso ako. Imbes na magpahinga siya ay magtatrabaho siya. Alam ko namang hindi siya kasingyaman namin, pero wala ba talaga silang bakasyon?
 
“Uuwi ka sa inyo?” tanong niya.
 
Marahan akong tumango. “Wala ako ng 2 months dito. Baka ma-miss mo ako kaagad,” I jokingly said.
 
“Nami-miss nga kita kaagad kapag weekends, 2 months pa kaya?” He tapped my head. “Pupuntahan na lang kita.”
 
“Ako na lang pupunta sa ‘yo. Alam ko kasing may pinag-iipunan kang bagay, eh ayoko namang gastusin iyon para lang puntahan ako.”
 
He smiled at me. “Don’t worry, Xachi. I will always find ways to be with you.”
 

•••

“Mamita!” tawag ko kay mamita, she’s papa’s mother. She smiled at me. I hugged her immediately when I reached her.
 
“Na-miss ko kaagad ang apo ko. Buti na lang at bakasyon n’yo na. Ilang buwan na naman kitang hindi makikita niyan,” nalulungkot niyang sabi.
 
“Malapit na po akong matapos, mamita. Isang taon na lang po, goods na po ako rito.”
 
Hindi ko naman iiwan si Jaziel dahil gusto kong isama siya rito sa Siyudad para rito kami mag-aral dalawa. Gusto ko na magtrabaho para sa aming dalawa. Gusto ko rin siyang tulungan sa mga gastusin niya.
 
Kaya nga kinukumbinsi ko si mama na tanggapin ako, kahit isa sa mga baker niya para may ipon ako, pero sabi niya ay kailangan kong magpahinga. Sabi ko kahit 3 times a week lang. Pag-iisipan niya pa rin daw dahil nga bakasyon at kailangan kong ipahinga ang sarili ko.
 
“Aba talaga naman ang apo ko. Magkokolehiyo na. Balita ko ay may boyfriend ka na,” aniya, nanunukso.
 
Marahan naman akong tumango. “Opo, mamita. Jaziel po pangalan niya. Alam mo ba, mita masipag po siya, g’wapo, matalino, matangkad.” Itinuro ko ang baba ko. “Hanggang dito niya lang ako. Tapos ano po sweet pagdating sa akin, pero sa ibang tao ang tahimik niya po.”
 
Napangiti ako tuwing naalala kung paano lumalabas ang soft side ni Jaziel sa akin. Kung sa iba ang tingin sa kaniya ay masungit, snob, tahimik, at hindi palangiti. Sa akin naman siya na yata ang nakikita kong palagiang nakangiti. Hindi siya masungit, lagi pa nga niya akong inaalala sa lahat ng bagay. He’s the softest guy I know.
 
“Talaga? Naku, mukhang napatiklop mo ang isang lalaki. Ganiyan talaga ang lahi natin, apo,” natatwa niyang saad sa akin.
 
Matapos ang maiksing usapan namin ni mamita ay nagkayayaan na kaming pumunta sa may sementeryo para dalawin si panganay. It’s my unborn siblings. Pinagbubuntis pa lang siya ni mama ay nawala na siya. Panganay ang tawag sa kaniya dahil hindi naman namin alam ang gender niya at siya ang unang baby sa pamilya.
 
Pagkatapos naming dumalaw roon ay bumalik na kami sa bahay at nagsalu-salo. Matapos ang pagkain namin ay dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga.
 
Isang linggo na akong nandito at ang routine namin ni Jaziel ay tuwing 7PM kami mag-uusap sa video call at pagka-9PM naman ay matutulog na. Sa umaga kasi ay busy siya dahil sa trabaho niya. Alam kong nagdagdag siya ng trabaho niya kaya gano’n.
 
Sabi ko nga ay magpahinga naman siya minsan, pero sabi niya ay sanay na raw siya.
 
“Hi, love,” bungad kong bati.
 
He smiled at me. Naghuhugas siya ng plato. Walang palya na kahit may ginagawa siya basta 7PM na ay sasagutin niya pa rin ang tawag ko o hindi kaya ay tatawag siya.
 
[Hi, Xachi, how are you? I miss you so much.]
 
“I miss you more! Gusto na ulit kitang makasama.”
 
He chuckled. [Me too. Isang linggo pa lang pero ang pangungulila ko sa ‘yo, grabe na] aniya at humawak pa sa kaniyang dibdib.
 
Natawa ako. “Ang OA mo naman.”
 
Tumingin siya sa camera at ngumiti. [How’s your day, hmm? ]
 
“I’m fine. Dinalaw namin si panganay. How about you?”
 
He nodded. [That’s good. I’m fine here.] Tumingin siya sa camera. [‘Wag mo akong ipagpapalit diyan, ha. Ang dami pa namang pogi diyan]
 
“Ikaw lang naman ang pogi sa paningin ko.”
 
Tumalikod siya saglit at maya-maya lang ay humarap na siya. [Alam na alam mo talaga kung paano ako kunin. I love you.]
 
I giggled. “I love you more.”
 
Matapos kong makipag-asaran sa kaniya ay pinatay ko na rin ang tawag. I really miss him so much.
 
Weeks passed; wala akong masiyadong ginawa kung hindi ang matulog, kumain, dumalaw sa shop, at sumama kay papa sa set nila. Minsan naman ay dinadalaw ko sina tito Xian. Wala rin masiyado roon si kuya Adamian na anak ni tito dahil busy siya sa law school.
 
“Oo nga pupunta nga ako roon. Bakit ba?” tanong ni tito pogi.
 
“Sama ako! Saglit ka lang ba do’n? Sige na, tito pogi. Dadalawin ko lang si Jaziel,” pagmamakaawa ko pa sa kaniya.
 
Narinig ko kasi na pupunta siya sa La Union, kaya kinukumbinsi ko siyang isama niya ako dahil susurpresahin ko si Jaziel.
 
“Sige na, sige na. Sasabihan ko ang papa mo. Isang araw lang ako doon dahil may iche-check lang ako,” seryoso niyang sabi.
 
“Yey! Thank you, Tito Pogi. Sana makapag-asawa ka na talaga!” Nakangiti kong sabi bago umakyat para maghanda na.
 
Bale, bukas ay babalik din agad kami rito. Doon ako kina titanang matutulog. Pero sabi ni tito pogi ay sa isang hotel daw siya mag-overnight dahil may meeting siya.
 
3hrs. ang naging biyahe namin kaya talagang pagod-pagod. Dumaan lang kami saglit kina titanang at sabi kong babalik na lang kinahapunan.
 
Ala-dose nang makarating ako sa palengke. Umalis na si titopogi at babalikan na lang daw niya ako bukas.
 
Hinanap kaagad ng mga mata ko si Jaziel at nakita ko siyang kasama si Irish at isang lalaki na kasama rin nila noon.
 
Nasa likuran ako ni Jaziel, kaya hindi niya ako mapapansin. I covered his eyes using my hands and smiled. Marahan niya iyong tinanggal at nagulat nang makita ako.
 
Naramdaman ko kaagad ang yakap niya. Hinaplos niya ang buhok ko. “You visited me? I missed you so much, Xachi,” he said with relief.
 
May nangyari kaya? Parang ang lalim ng hugot ng paghinga niya. Hinarap niya ako.
 
“Sinong kasama mo?” tanong niya.
 
“Si tito pogi. Babalik din kami kaagad bukas. Okay, ka lang?” tanong ko.
 
Tumango siya at ngumiti sa akin. “Oo naman. Nandito ka. I really missed you,” aniya.
 
“Ilang araw ka bang mawawala, Jaziel?” tanong ng isang lalaki at napalingon ako roon.
 
“Saan ka pupunta?” tanong ko sa boyfriend ko.
 
 
 


 
______________________________________________
__________________________
✓JonalynYan

Against All Odds | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon