Chapter 3

8.6K 211 2
                                        

Chapter 3.
 

Nagtama ang tingin namin ni Jaziel bago siya bumaling sa kaniyang mga kasama at inagaw ang bola.

Hindi ko alam pero tuwing nakikita ko ang mga mata niya ay may kakaibang kislap ang mga 'yon. I couldn't identfy how's it possible that it's like shining when he's looking at me while when he's with other, it's a normal one.

Dahil hindi naman totoong laro ang ginagawa namin ay nag-bato pick na lang ang mga leader ng bawat strand. Pumwesto na ang ilan sa amin at ako sa may gitna banda. Libero ang position ko.
 
Nasa kabilang team ang bola, kaya si Jaziel ang nag-serve. Seryosong-seryoso siya habang hinahanda ang bola. Nang ihagis niya na 'yon ay naghanda na kami sa kabilang court.
 
Mabilis kong pinalo ang bola nang mapunta ito sa amin. Sinundan iyon ng mga kasama ko hanggang sa mapunta sa kabilang grupo ulit.
 
Magagaling din ang mga nasa kabila at wala pa ring nakakahulog ng bola. Rinig na rinig ko ang hiyawan ng mga kaklase naming hindi naglalaro.
 
"Go, HUMSS!"
 
"'Wag papatalo, mga STEM!"
 
"HUMANISTA, ITAYO ANG BANDERA!"
 
"TANGKAY ANG MANANALO! ILABAN NA 'YAN!"
 
Halos muntik nang sumayad ang bola sa sahig, kaya mabilis akong nag-dive sa sahig at sinalo iyon at grupo namin ang nanalo. Napailing na lang ako, habang tinutulungan ako ng mga kasama ko. Inangat ko nang bahagya ang jogging pants ko.
 
Sakit, pucha! Masiyado ko namang sineryoso ang laro!
 
Halos nakapaikot sila sa akin, pero hindi na ako makatayo dahil sa sugat sa tuhod ko. Maging ang instructor namin ay lumapit na sa amin.
 
"Masiyado namang ginalingan, Ms. Alonzo. Mana ka talaga sa mga magulang mo," aniya. "Hindi pa final, hoy katakot," natatawa niya pang dagdag.
 
Napaangat ako ng tingin sa kung sinong pumunta sa harapan ko. Iika pa yata akong pupunta sa clinic. Lumuhod siya nang bahagya sa harapan ko at tiningnan ang sugat ko.
 
"Kaya mo bang tumayo?" malambing niyang tanong nang tumingin siya sa 'kin. May pag-aalala sa kaniyang mukha.
 
Narinig ko ang mahinang asaran ng mga classmates namin na nanonood. Umiling na lang ako dahil medyo malaki talaga ang sugat ko sa tuhod. Patay na naman ako kina mama nito!
 
Magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong buhatin bigla, kaya mas lalong nanlaki ang mga mata ko! Rinig na rinig ko lalo ang mga asaran ng mga nanonood sa 'min.
 
"NASA TRUE LOVE ANG PE, SIR!" rinig kong sigaw ng isa.
 
"Si tanga, baliktad," sabi naman ng isa, kaya mas lalo silang nagtawanan.
 
Halos kumapit na ako sa leeg ni Jaziel dahil ayokong mahulog. "Nakakahiya. Ibaba mo na lang ako," mahina kong sabi.
 
Nagsalubong agad ang mga kilay niya habang nagpapatuloy sa paglalakad. "Why? Kaya mo bang maglakad?"
 
I averted my gaze from him and bit my lower lip. I couldn't, but nakakahiya kasi binitbit niya na ako palayo sa kanila. Nasa admin building pa naman ang clinic. Napatitig na lang ako sa mukha niya habang naglalakad siya.
 
Maitsura talaga siya! At alam kong maraming nagkakagusto sa kaniya. But I'm still eyeing him as my enemy, my rival, and not a friend.
 
Nang makarating kami sa clinic ay ibinaba niya ako sa may kama at tinawag ang nurse mula sa loob ng office. Lumabas naman kaagad ito at tiningnan ang sugat ko. Nilagyan niya ng panlinis at napahawak ako sa braso ni Jaziel na nasa tabi ko. Masiyado kasing mahapdi!
 
Napapikit pa ako lalo nang mas lagyan niya ang mga fresh na sugat. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kina mama. They will come here tomorrow because it's Saturday.
 
Every weekend, they will visit me to check on my condition. Well, I'm not staying here for a long time because I will just stay until I graduate. Sa siyudad ako magkokolehiyo, sa dating pinapasukan nina mama.
 
Nang matapos siyang linisin ay nilagyan siya ng gamot para mas mabilis gumaling. Napahinga ako nang maluwag, pero nilagyan din ng bandage para mas dumikit iyong pampagaling.
 
Pumasok na ulit ang nurse sa office at kami ni Jaziel ang naiwan dito. Tumingin ako sa kaniya na nakatingin din sa akin. "Thank you," sabi ko. "P'wede ka nang umuwi, papasundo na lang ako," dagdag ko.
 
Rinig ko ang mga yabag mula sa hallway at pumasok naman sina Ayel at Karla. Dala-dala na ang mga bag namin ni Jaziel.
 
"Okay ka na, Chim? Hindi ka raw masusundo ni dada mo," sabi ni Ayel. "Nag-OT daw, eh. Isasabay ka na lang namin."
 
Marahan akong natawa. "Sige na. Mamaya ay makakalakad na rin ako. Saka anong sabay? Magkaiba ang daanan natin," sabi ko.
 
"Ihahatid ka mu—"
 
"Where do you live?" tanong ni Jaziel, kaya napatingin ako sa kaniya. "South?"
 
Marahan naman akong tumango. "Bakit? "
 
"We're in the same way." Tumingin siya sa mga kaibigan ko. "Ako na maghahatid sa kaniya."
 
Nagkatinginan pa ang dalawa kong kaibigan. Tumikhim si Karla bago tumingin sa kaniya. "Sigurado ka? P'wede naman namin siyang ihatid."
 
Tumango si Jaziel. "It's already 5:30. It's not safe for you to go home late. Ako na maghahatid sa kaniya."
 
Inilahad niya ang kaniyang mga kamay at mukhang kinukuha na ang mga bag namin. Nang makuha niya na rin iyon ay mabilis na nagpaalam ang dalawa at umuwi na rin.
 
Naupo muna si Jaziel sa may waiting area, hindi kalayuan sa kama. "Just wake me up once you feel okay."
 
Tumango lang ako nang marahan at nakita kong isinandal niya ang kaniyang ulo sa sandalan ng sofa at pumikit habang yakap-yakap ang mga bag namin.
 
I rest for awhile too. Nang maramdaman ko nang hindi na siya sobrang sakit ay dahan-dahan akong nagmulat at tiningnan si Jaziel. Nagtitipa siya sa kaniyang cellphone. He's seriously looking at his cellphone, like he's arguing with someone.
 
He looked at me. "Are you okay now?" he asked and put his phone inside his pocket. I slightly nodded. He stood up and brought our bags.
 
Ibinigay niya sa akin ang bag ko at isinuot ko naman iyon. Samantalang ang kaniyang bag at isinukbit niya sa kaniyang harapan. Tumalikod siya mula sa akin, kaya nangunot ang noo ko.
 
"Hop in," sabi niya at umupo pa nang bahagya.
 
"I can walk already. No need to carry me," I told him.
 
Lumingon siya saglit sa akin. "Just hop in. You can't force yourself to walk."
 
Wala akong nagawa kung hindi ang sumakay sa kaniyang likuran. Habang nakasakay ako roon ay amoy na amoy ko ang kaniyang pabango at alam kong didikit iyon sa may uniform ko.
 
After that, we said goodbye to the nurse and went outside. Nilakad niya hanggang sa palabas ng university. Nahihiya ako dahil wala namang tricycle papunta sa South at kailangan mo talagang lakarin hanggang kanto para makasakay ka.
 
"Just tell me if you're tired. I can walk slowly," sabi ko.
 
Hindi siya sumagot at diretso lang siya sa paglalakad. Pinagtitinginan nga kami ng mga taong nakakasalubong namin. Pagabi na rin, kaya maraming lumalabas para bumili ng ulam sa palengke.

"Thank you," bulong ko. "Jaziel."

Tumigil siya saglit sa paglalakad. Inayos niya ang pagkakarga niya sa akin bago magpatuloy. "Hmm?"

"Kahit na sinusungitan kita nang madalas, you're still kind at me..." I smiled. "You raised well."

"I know. I have a question."

My brows furrowed. "Go ahead."

"Bakit ang sungit mo sa 'kin?"

Natigilan ako sa kaniyang tanong. I don't know too. Like what I've said, I hate him maybe because he's my rival and I don't want him to take an advantage once we get closer.

"I don't know."

Silence filled us. Wala ng sumubok magsalita. Napatingala ako sa kalangitan. I can see the hues of orange and yellow combining with purple in the sky. It's a beautiful ending to a day—the sunset.

"Bakit pala tinanong mo ako last time kung ako si Alonzo?" bigla kong tanong habang naglalakad siya. 

"Your name is always next to me. Curious lang kung sino ka."

"Hindi mo ako kilala? Ngayon lang?"

"Not really. I've known you since last sem but don't have a chance to talk to you."

Kahit ilang beses ko nang narinig ang pangalan niya or makita sa bulletin board ay ngayon lang talaga ako nagkaroon ng interes na makilala siya.
 
"Chim?"
 
Napatingin ako sa nagsalita. Si titanang! Gulong-gulo siyang nakatingin sa amin ni Jaziel.
 
"Hello po. Good afternoon," bati ni Jaziel.
 
Marahan kong hinampas ang kaniyang braso. "Ibaba mo ako," bulong ko sa kaniya.

Dahan-dahan niya akong ibinaba sa gilid ng kalsada at inalalayang makaupo sa may sementong upuan sa gilid.

"Ano nangyari sa 'yo? Naku mapapagalitan ako ng mama mo. Lalo naman ng papa mo! Pupunta pa naman sila bukas," nag-aalalang sabi ni titanang.
 
"Kasalanan ko naman po, titanang," sagot ko. Tumingin ako kay Jaziel. "You can go home now. My titanang is here."
 
Tiningnan niya muna si titanang bago tumingin muli sa akin. "Are you sure?"
 
Tumingin sa kaniya si tita. "Sige na, ijo papasundo na lang kami sa asawa ko at pauwi na iyon," aniya.
 
Tumango si Jaziel. "Okay po. Ingat," aniya bago tuluyang maglakad palayo.
 
Tumingin sa akin si titanang. "Ikaw na bata ka. Ano bang ginawa mo sa buhay mo, ha? Bakit nagkagalos ka ng ganiyan?"
 
"Napasobra lang po ng laro," nakangisi kong sagot.
 
 

______________________________________________
__________________________

Against All Odds | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon