Chapter 18.
The thing that I hate the most is that they're being kind in front of me, and after that, they backstab me like I did nothing good for them. That's why I'm afraid to be friends with someone. I adjust for everyone's convenience.
'Ang yabang niya'
'Huy, sa totoo lang! Kaya ko lang kinaibigan iyon, kasi famous iyong tatay.'
'Sino ba tatay no'n? Si Zach? Ahh, iyong nakulong ang tatay baka gano'n din ang anak at mga apo kaya magdahan-dahan kayo.'
'Hindi naman siya maganda! Feeling lang'
'Feeling superior amputa, kaya ayaw ko sa kaniya.'
'Mayabang'
Lahat 'yan narinig ko na nang paulit-ulit simula no'ng junior high school ako. I thought it would be different at this senior high school, but it's not. You can't control people around you; you can't please them.
Kahit gaano ka kabait sa kanila, walang mangyayari. Dahil kung ayaw talaga nila sa 'yo, they will find a way just to hate you.
Napaupo na lang ako sa waiting shed sa may kanto namin at nakayuko. I cried silently. Ang bigat sa dibdib. I thought I will have a good environment. Pero bumabalik lang ako sa dati.
Ano ba'ng nagawa ko para ayawan nila ako? I'm OA ba in front of them? Did I do anything wrong na hindi ko nalalaman? They can say it to me, though. I'm open to improvement... Just don't hate me.
"Chim." Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. It's Jaziel. I cried out loud in front of him.
He got panicked and bent his knee. "Are you okay? What happened?" he asked softly.
"They hate me, Jaziel. They hate everything about me."
I cried more when I felt his hand on mine. "You want to talk about it in the park?"
I nodded and he supported me when I was walking. Nang makarating kami sa park ay naupo ako sa may swing at siya naman sa kabila.
"I heard them throwing bad words at me. I'm confused about what's happening. Hindi ko kasi alam kung ano ba 'yong mga maling nagawa ko sa kanila?" I looked at him. "Am I too much? Am I a bad person?" I sobbed more.
He went in front of me and bent his knee. He held my hands and kissed its knuckles. "You're kind, Chim. Kahit na madalas kang magtaray, inuuna mo pa rin ang ibang tao."
"Baka dahil doon naooffend sila sa akin. Sa pagtataray ko. P-pero nagso-sorry naman ako k-kaagad, eh. H-hindi ko naman gusto 'to."
He stood up before bending a little. He gave me a hug before brushing my hair with his hands. I just cry at his words.
"I'm not good at giving words, Chim, but I just want to know that I'm here. I won't leave you."
I hugged him back. "Thank you so much."
•••
I feel my palms sweating. Ipapakilala na kasi ako ni Jaziel sa mama niya. Hindi pa kami, but he still wants me to introduce me to her mom. I still agree with what we have talked about.
I hope his mom would like me...
"Ma, nandito na po kami," bungad na bati ni Jaziel sa loob ng bahay nila. Dumiretso kami dito pagkagaling sa school.
It's small compared to Tinanang's house. Pagpasok mo sa bahay nila ay bubungad na kaagad ang sala at kusina. There's a small room at the side, and sa tabi no'n na maliit sa kusina ay ang banyo.
Sinalubong kami ng ngiti ng isang ginang na mukhang kasingedaran ni mama or mas matanda pa kaunti. She's wearing a duster, and her hair has a clip on it. She's beautiful.
"Pasok, pasok," aniya at iginiya ako sa may upuan nila na kahoy. I smiled before sitting down.
"Good afternoon po," I greeted her before getting her hand and putting it on my forehead.
"God bless. Kumain na ba kayo? Naghanda ako ng pancit canton at tinapay. May juice rin doon," said Aniya.
"Salamat po," sambit ko. Ang bait-bait niya.
Tumingin siya sa kaniyang anak. "Kuhain mo na, Jaz, at para makakain si Chim. Chim, tama ba," tanong niya sa akin.
"Opo."
"Buti na lang naalala ko pa ang kwento ng anak ko." She pressed my hands. "Napakaganda mong bata."
"Thank you po. Ang ganda-ganda rin po ninyo," sambit ko at mas lalong ngumiti.
"Sinong mga magulang mo?" tanong niya.
Nagkatinginan pa kami ni Jaziel. Ibinalik ko ang tingin ko sa mama ni Jaziel. "Si Xiara and Zach Alonzo po," I simply said.
Her sweet smile faded slowly. "Zach Alonzo? Iyong kilalang producer?" she asked, and I nodded.
"Kailan pa kayo nagka-interes sa film, ma?" tanong ni Jaziel sa ina.
Marahang binitawan ng mama ni Jaziel ang kamay ko at pinasunod niya ang anak sa kwarto nila. Napayuko ako nang bahagya.
Ayaw niya ba sa akin?
"'Di ba sabi ko naman sa 'yo ay 'wag mayaman lalong-lalo na ang pamilya nila!"
Rinig na rinig ko ang boses ng ginang na galit kahit mahina pa ito.
"Ma, naman. Nakakahiya kay Chim. Mamaya na natin pag-usapan."
"Hindi, Jaz. Lumayo ka sa pamilya nila. Ayokong maglalapit-lapit ka sa mga 'yan. Mga ganid ang mga mayayaman. Humanap ka ng katapat mo, hindi iyong mga katulad niya."
Siguro dahil sa maliit lang ang bahay nila ay naririnig ko ang usapan nila. Gusto ko na lang takpan ang mga tainga ko para hindi lang marinig ang pinag-uusapan nila, but I failed.
"Ayokong magaya ka sa akin, Jaz. Ayokong lokohin ka rin ng mga mayayaman!"
"Ma, iba sila Chim. Nakilala ko ang pamily—"
"Tumigil ka, Jaz. Makinig ka sa akin dahil ikakabagsak mo sila."
Lumabas si Jaziel sa may kwarto at tumingin sa akin. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Masama ang pakiramdam ni mama. Sa labas na lang muna tayo," he softly said.
I bit my lower lip. "Ayaw niya ba sa akin, Jaziel?"
He shook his head. "She loves you. May hindi lang kami pagkakaintindihan."
Tumayo ako nang marahan na niya akong hilahin palabas ng bahay nila. Napabuntong-hininga ako lalo nang marinig ang usapan kanina.
Naupo kami sa may labas ng bahay nila dahil may upuang kahoy din doon. Wala lang sandalan.
Tumingin siya sa akin. "Sorry. Na-trigger lang si mama dahil sa pag-iwan sa amin ng tatay ko."
"If you don't mind, bakit kayo iniwan?"
He shrugged. "Hindi ko alam ang buong kwento, pero ang sabi ni mama sa akin ay nagtrabaho siya sa isang mayamang pamilya noon. Nabuntis siya ng anak ng amo niya na nalaman niyang ikakasal na pala. Nang malaman ng amo niya na buntis si mama ay pinalayas siya sa mansiyon at walang iniwan na kahit piso." He bitterly smiled.
"Ang sabi rin ni mama sa akin. Matapos ang ilang buwan ay nalaman niyang nagpakasal na ang tatay ko at magkakaroon na ng anak. Hindi na naghabol si mama. Kaya simula no'n ay hindi na siya nagtrabaho sa mga mansiyon. Mas gusto niya na lang daw sa mga laundry na katulad ng trabaho niya ngayon."
I held his hand. "Sorry to hear that."
He shook his head. "It's fine. Gusto ko ring marinig mo ang kwento ko. Nagkaroon ulit ng boyfriend si mama, si papa Zed." Napahinga siya nang malalim. "Nagkaroon kami nang mas maayos na buhay ni mama, kaya kami may bahay ngayon dito na amin na talaga. Pero nalaman ni mama na sobrang yaman ni papa Zed, kaya nagalit siya. Hanggang sa nag-away na lang sila, pinalayas siya ni mama. Nang pauwi na si papa Zed sa bahay nila, an accident happened, and he died. N-naramdaman kong mahal niya si m-mama. Grabe iyong sakripisyo niya. Huli na naming nalaman na... Nagawa niya pang i-give up ang yaman ng pamilya niya para lang kay mama. Pero wala, eh hindi pinalad."
Napabuntong-hininga siya lalo. "Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangang idamay ng mga katulad nila ang lovelife ng mga anak nila."
"Pero hindi ganoon ang pamilya ko, ah."
He smiled at me. "I know. Sobrang bait kaya ng pamilya mo."
"Masakit pala talaga pinagdadaan n'yo. I'm sorry, kung nakakadagdag pa ako."
"Hindi ka kailanman naging pabigat, Chim. Mas gusto kong nilalabas mo ang saloobin mo, kaysa ang itago mo."
______________________________________________
__________________________
BINABASA MO ANG
Against All Odds | ✓
Teen FictionChim, the daughter of a famous producer and a baker, strives to honor her parents' legacy. Jaziel, raised by a single mother, excels in his studies to support her. Despite their contrasting personalities-Chim's bubbly nature and Jaziel's reserved de...
