EPILOGUE

9.8K 149 35
                                        

Epilogue.
 
 
 
I was looking at my mother while lying on the bed. It's been a day since she's been here. Hindi pa rin ako maka-move on sa dami ng mga nangyayari.
 
"Jaz, anak." Napatingin ako kay mama. Lumapit ako sa kaniya. "Anong nangyari sa 'yo? Bakit ganiyan ang mukha mo?"
 
Umiling ako at pilit na ngumiti sa kaniya. "Si Chim nasaan?" tanong niya.
 
"B-break na po kami, ma. Nakipaghiwalay na po ako," sabi ko sa kaniya. Parang kumirot na naman ang puso ko nang maalala iyon.
 
Kumunot ang noo niya. "Ano? Bakit? Dahil sa akin? Para ka namang baliw, Jaz! Hindi kita pinalaki para magpaiyak ng babae!" mahinang bulyaw niya sa akin.
 
I couldn't take her stares at me. Napahawak siya sa kaniyang sentido. Minutes later, the door opened.
 
"Anak, may dala akong pag—"
 
We're both looking at the door. Nandiyan na ang tatay ko. He's holding a plastic bag from a well-known restaurant.
 
"Anong ginagawa mo rito?" tanong kaagad sa kaniya ni mama.
 
My father smiled and walked towards the bed. "Hi, my loves. Gising ka na pala. How are you?"
 
My mother rolled her eyes. "Lumayas ka sa harapan ko, Ryker. Sinasabi kong tigilan mo na ako, ha?"
 
He shook his head. "No. I won't stop. Kahit more than a year na akong nanliligaw. Gagawin ko lahat mapasagot lang kita." Tumingin siya sa akin. "Saka 'wag nga tayong nag-aaway sa harap ng anak natin, baby pa 'yan, eh."
 
Hinampas siya ni mama sa kamay. "Ginawa mo pang bata 'yan. 17 years old na 'yan!"
 
"Hindi pa rin tayo dapat nag-aaway. Bad influence iyon. Magmahalan na lang tayo, iyon ang dapat," my father beamed at her.
 
Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung bakit ang ganiyan ang tatay ko. Ang kwento sa akin ni papa ay matagal na niyang nililigawan ang mama, pero lagi siyang sinusungitan nito at pinapaalis.
 
"Bakit ka ba umiiyak?" baling sa akin nito.
 
"Ayan! Iyang anak mo, manang-mana sa 'yo. Hilig-hilig manakit ng mga babae," parinig ni mama.
 
"Ahh talaga?" Napatigil siya. "Hoy, sinaktan mo ang inaanak ko? Paano na ako haharap niyan sa kanila?"
 
Iknwento ko sa kaniya ang nangyari at nararamdaman. He just listened to me the whole time, attentive rin siya sa bawat sinasabi ko.
 
"Parehas kayo ng mama mo, hindi kayo marunong makipag-communicate ng nararamdaman." Tinadyakan siya ni mama sa may hita.
 
"Tarantado ka pa lang animal ka. Idadamay mo pa ako. Mana 'yan sa 'yo," masungit na sabi ni mama.
 
Hindi ko ba alam kung magulang ko ba talaga sila? They're acting like teenagers.
 
"Ano na gagawin mo?" tanong sa akin ni papa.
 
"I want to study at JRU. Gusto ko siyang masubaybayan," I told him.
 
He nodded and smiled. "Madali lang 'yon. Gusto mo bang tumira muna sa bahay ko roon? Babayaran ko rin ang mga miscellaneous fees mo para makapag-aral." He glanced at my mother. "Isama mo 'yan, ah."
 
Inirapan na naman siya ni mama. "Tigil-tigilan mo ako, Ryker. Idadamay mo pa 'yang bata."
 
Nagmamaang-maangan namang tumingin sa kaniya ang lalaki. "Huh? Ano bang sinasabi mo riyan? Wala, ah!"
 
Kumain na lang din kami ng dala ni papa nang bigla na naman siyang magdaldal. "Alam mo, Maya dapat kinekwento natin kay Jaziel kung saan natin siya ginawa."
 
Bigla namang nabilaukan si mama. "Tang*na mo talaga. Hindi ka mananahimik!"
 
"Ayy hindi? Bakit ako mananahimik. Ikaw kasama ko gumawa no'n. I still remember how you gripped me and mo—"
 
Binato siya ng unan ni mama, kaya natapon ang pagkaing hawak niyang pagkain. "Papalayasin talaga kita rito, Ryker. Bwesit ka!"
 
Tawang-tawa naman ang tatay ko sa pinagsasabi niya.
 
Nang ma-discharge si mama ay dumiretso kami kaagad sa bahay. We didn't stay there for too long; we just cleaned up our things.
 
Unti-unti ko na ring natatanggap ang sitwasyon namin. Masaya sa feeling na magkaroon ng ama sa tabi.
 
When we got into the city, I decided to enroll in JRU. Madalas kong makita si Chim sa may oval, pero hindi ko siya nilalapitan dahil alam kong galit siya sa akin.
 
Weeks passed, and I noticed that she became slimmer, and it's scaring me. She's not taking care of herself, or it's just a diet.
 
"Wayne, crush kita," another girl confessed.
 
"I have a girlfriend."
 
Hindi ko tinanggal ang bracelet na binigay niya noon dahil siya lang naman ang mahal ko hanggang ngayon. Naging maayos ang buhay ko sa JRU. Naging matunog din ang pangalan ko sa course namin dahil sa mga scores ko.
 
I thought Chim would notice me, but he didn't. She's been inactive on social media accounts and in school. Active pa talaga iyong account ko na ginagamit ko noon. But I decided not to open it and not to remove the profile and cover because I knew she would come back to me someday.
 
I noticed that she loves books. I created a book advent calendar. Wherein, I will buy books in 30 days, and then I will cover them and put dates. And in God's will, she will open it day by day to get the book.
 
"Tatanggapin lang kita kapag nakuha mo ang Valedictorian title."
 
My grandma told me that. I didn't listen because of Chim. Hindi ko na kayang makipagtalo sa kaniya. One more thing: my grandma didn't supply anything for me. Si papa ang lahat ng gumagastos.
 
4th year na nang mapansin niya ako ulit. I wasn't using my surname anymore. I'm using Junquero, my father's surname. My parents got married when I was in my second year. Kaming tatlo lang ang nando'n. Ilalabas lang daw nila lahat kapag okay na ako.
 
I love Chim so much, kaya sobrang saya ko nang unti-unti ko na siyang nakakasama at nakukuha ang loob niya. Siya pa rin talaga ang babaeng minahal ko noon.
 
"Mom, tigilan mo na ang anak ko!" sigaw ni papa sa mommy niya.
 
We're here in their mansion.
 
"Bumalik pa talaga kayo? Wala na akong kinikilalang anak, Ryker simula nang tanggapin mo 'yang palamunin na 'yan!" sigaw sa kaniya ni lola.
 
Umiling si papa. "Kahit kailan hindi n'yo naman ako tinuring na anak, mom. You see me just as your asset to gain fame on your names, but never kong naramdaman ang pagiging nanay mo."
 
Hindi siya inimik ni lola. "Kaya ako na ang kusang aalis. Kasama ang pamilya ko. Papatunayan kong kaya kong bumuo ng masayang pamilya," sabi ni papa bago ako ayain palabas.
 
My father has gone through a lot of things in his life. He told me na matagal na niyang hinahanap si mama at iyon na lang ang hinihintay niya para tuluyan siya umalis sa bahay nila.
 
I and Chim got into an accident at hindi pa rin siya nagigising. Nagising ako after 3 days, pero siya ay hindi pa rin.
 
"Cheus, si Chim. Hindi pa rin gumigising," umiiyak na sabi ni mama Xiara.
 
We're all sitting in the metal chair outside the ICU. Critical ang condition niya dahil sa kaniya halos tumama ang debris ng sasakyan.
 
"Sorry, po, mama Xiara. I wasn't able to protect her," I said, crying.
 
"It's not your fault, Jaziel. It's an accident," si papa Zach ang sumagot.
 
Nagulat din ako ng araw na 'yon dahil may sumalubong na truck papunta sa amin. Hindi pa nakuntento ay dalawang beses pang binagga ang kotse bago ito tumakas.
 
I bowed my head and closed my eyes. Lord, please give her another chance to live. I want to give her the life she deserves. Marami pa akong gustong gawin kasama siya. Pakibalik po siya sa akin.
 
I want to fight against all odds with her. And we want to fight it fairly.
 
I held her hand and kissed it. My tears couldn't stop falling from my eyes. "G-gising na, Xachi. I miss you so much."
 
 
 
 
 
 
 
 
 

______________________________________________
__________________________

 
Wakas.

Against All Odds | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon