Chapter 6

7.4K 165 0
                                        

Chapter 6.
 

It's another day of earning points for my academics, achieving more awards, and being excellent in everything. Since I was a child, I've felt that I need to excel in my life because my parents have been known for their excellence since they were young.
 
Hawak ko ang papel kung saan nakalagay ang ipapasa kong entry para sa short story contest na sinalihan ko. I cleared my throat before calling the lady at the door of STEM-Einstein.
 
"Nandito ba si Jaspher?" tanong ko.
 
Inilibot niya ang tingin niya sa classroom at sumigaw, "Hoy, Jaspher! May naghahanap sa 'yo. Lagot ka!"
 
"Wala po akong kasalanan, mabuti akong tao," madramang saad ni Jaspher at may pahawak pa sa kaniyang dibdib. Tumawa naman nang husto ang babaeng tumawag sa kaniya.
 
Nang makalapit na sa amin si Jaspher ay mukha pa siyang nagulat. Lumingon pa siya saglit at parang may hinahanap, but when he failed, he looked at me again.
 
"Ano po 'yon, madam?" tanong niya at ngumiti. I couldn't deny that he's handsome. Ngayon ko lang na-realize na bakit ang daming pogi sa STEM?
 
I thought that they were just joking around about the handsomeness and gorgeousness of STEM students, but look at the man in front of me.
 
"Ipapasa ko lang sana 'tong entry ko for short story contest," sabi ko at inilahad sa kaniya ang hawak kong papel. Dahan-dahan niya iyong kinuha.
 
"Alright. Thank you so much," sabi niya.
 
May umakbay sa kaniyang lalaki at ngumiti. "Sino 'yan?" Tumingin ito sa akin. "I'm Lander. How about you, miss?"
 
Marahang siniko ni Jaspher ang kaniyang katabi. "Kay ano na 'yan, manahimik ka na."
 
My brows furrowed because I couldn't understand what he was talking about. They're both chuckled.
 
"Hindi pa naman sila," sabi no'ng Lander at humakbang pa lalo papalapit sa akin.
 
Bahagya naman akong napaatras, pero pag-atras ko ay may nabunggo naman ako sa aking likuran. Bahagya akong lumingon at nagtagpo agad ang mata namin ni Jaziel. Ang mga kamay niya ay nasa magkabilaang balikat ko.
 
"What are you doing here?" seryoso niyang tanong.
 
I distanced myself from him a little bit before I fixed my position. Our eyes met, and my forehead knotted. "Wala ka nang pakialam do'n."
 
I left them after I said my final words. Bumalik na rin ako sa classroom namin dahil may meeting na naman ulit para sa SHS week na gaganapin next week. After that, we have our long test for almost all general subjects.
 
Kaagad din kaming nag-check. Nag-aannounce na si sir ng mga scores. I got 48/50. Not bad for 2 mistakes, and I'm the highest in HUMSS, our professor said.
 
"Pero all over na hawak ko ay from STEM ang nakakuha ng highest score. Perfect score, to be exact."
 
"Hulaan ko, sir! Si Jaziel 'yan!" sigaw ng isa kong kaklase.
 
Our professor smiled at us and nodded. "Yes. As always naman," aniya.
 
I feel small about myself. I couldn't perfect my quizzes or tests, but almost. But now, I feel like they're comparing me to him. That was so sad. All my life, I've never compared myself to anyone. I'm always on top... 1st place... Winner as always.
 
Karla and Ayel comforted me because they already knew me. Kapag ganitong kinukumpara ay mabilis akong malungkot.
 
"Isipin mo na lang na hindi nag-exist si Jaziel. Isipin mo na mas mataas ka sa amin. Don't be sad, Chim. We really admire your beauty and brain," said Karla.
 
Napabuntong-hininga naman ako. "I know... Hindi ko lang talaga maiwasan minsan dahil hindi ako sanay," malungkot kong sabi.
 
"Ice cream na lang tayo saka makakabawi ka pa naman next tests. Ang isipin na lang din muna natin ay ang SHS week! Excited na ako para roon. May booth daw, eh," pagkwento ni Ayel.
 
The days passed like a whirlwind... It's already the start of SHS week. Lahat kami ay nag-tipon sa may ground para roon simulan ang linggo namin. Pero ang mga booths ay matatagpuan sa building ng ABM na nasa tapat ng admin building.
 
3 booths per strand maliban sa TVL na maraming booth dahil iba-iba ang branches niya. May cooking, automotive, housekeeping, at marami pang iba.
 
I was walking towards our booth when someone caught me. "You're under arrest," sabi ng lalaki. Paglingon ko ay puro STEM students at nangunguna si Jaspher.
 
"Ano? Anong pakulo 'to?" pagalit kong tanong.
 
"Mga top students kasi ngayon ang kinukuha namin," aniya.
 
I growled when they put a cuff on my wrists. Sana naman, ilabas ako ng mga kaibigan ko rito. Nang makita ko ang dalawa na naglalakad ay sumigaw ako.
 
"Karla! Ayel! Bayaran n'yo ako!" sigaw ko sa kanila. Parehas silang lumingon sa akin at tumatawa. "Lintek! Hoy! Bumalik kayo!" sigaw ko nang dire-diretso silang maglakad.
 
Bwesit! Mamaya kayo sa akin kapag ako nakalabas! Nakarating kami sa may ABM room 3 sa may 1st floor. Buong classroom ang naging jail booth nila. Nasa labas lang ang desk kung saan p'wedeng magbayad. Magkabilaan ang pintuan ng ABM, kaya sa kabilang pinto nila ako pinasok. I don't know how they put plywood inside, but parang pinagplanuhan talaga nila ito!
 
They uncuffed me before pushing me inside and locking the door. "Magbabayad na lang ako!" sigaw ko mula sa loob at pinaghahampas ang pintuan.
 
Nakailang sigaw ako, but they didn't listen to me! They didn't even dodge and were just laughing outside. "Hindi ka nila papalabasin hangga't walang outsider ang magbabayad para sa 'yo." Napalingon ako sa nagsalita. Mas lalo lang kumulo ang dugo ko nang makilala ko kung sino iyon!

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagsisigaw na magbabayad na lang ako.
 
He's sitting on the floor while leaning on the wall. "Napakaingay mo," dagdag niya.
 
"Pakialam mo ba? Ang dami kong responsibilities sa labas, and I don't want to waste my time with you," I said before rolling my eyes at him.
 
"Me either, so don't be boastful that I want to be with you," seryoso niyang saad bago ipikit ang kaniyang mga mata.
 
Napabuntong-hininga na lang ako bago tingnan ang rules na nasa dingding.
 
Rules:
 1.The prisoner shouldn't pay for her free pass.
 2.Their friends or someone who knows her should pay for their free pass.
 3.They will be in jail booth for 2 hours.
 
Nanlaki ang mga mata ko dahil 2 hours kaming nakakulong dito? Oh my gosh! Nakakainis talaga! Kapag ayaw mo talagang kasama ang tao, ipagtutulakan talaga na dapat magsama kayo sa isang lugar, eh!
 
Naupo ako sa medyo malayo sa kaniya. Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa at halos matulala na lang ako nang wala rito ang cellphone ko! Paano ko masasabihan ang dalawa?
 
Tumingin ako sa kasama ko. "Nasa 'yo ba ang cellphone mo?"
 
"No. They got it that you won't notice."
 
I let out a heavy sigh before giving up. I feel my throat dry. "Do you have water with you? I'm thirsty," I said.
 
He shook his head. "But they will give you a water bottle there. Just ask for it."
 
 
 
 

______________________________________________
__________________________

Against All Odds | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon