Chapter 15.
"Alis na po ako, titanang," paalam ko kay titanang habang nagsusuot ako ng flat shoes.
It's already Saturday! Bibili na rin ako ng libro ng paborito kong author at magpapa-sign na rin ako. Sakto kasing nandito rin siya sa lugar namin.
"Kaya mo na ba? Sure ka?" aniya habang papalapit sa akin.
I looked at her and smiled. "Opo. Don't worry, kasama ko po sina Ayel at Karla," dagdag ko pa.
Pero mamaya pa talaga makakasama sina Ayel at Karla dahil dadaan kami sa amusement park mamaya bago umuwi. Kaya ngayong hapon ay kaming dalawa lang ni Jaziel ang magkasama.
She nodded. "Oh, sige, pero 'wag masiyadong magpapagabi, okay?"
Humalik ako sa kaniyang pisngi nang makatayo. "Opo. Bye po!" paalam ko at tumakbo palabas.
Kanina pa kasi naghihintay si Jaziel sa waiting shed! Kaya lakad-takbo tuloy ang ginagawa ko ngayon makarating lang kaagad doon.
I'm wearing a simple light pink crop top with a small smile design and high waist, wide leg pants. I have also a small bag. Doon ko nilagay ang cellphone at wallet ko, maging digicam.
"Jaziel!" I called him. Lumingon siya sa akin. I smiled at him and waved my hands.
He's wearing a Khaki t-shirt and pants. He smiled back at me and waited for me to come near him.
"Did you run?" he asked me.
"Hmm... Kanina ka pa kasi nandito," sabi ko.
"It's fine. Kagagaling ko lang din kasi sa palengke, kaya medyo napaaga rin ako ngayon. May dinaanan lang," aniya.
"Okay lang ako. Tara na!" masigla kong sabi.
Excited na talaga akong makita ang favorite author ko!
We went to the jeepney station and waited for it to be full. Medyo maluwag pa nang makasakay kami, kaya naghintay pa kami ng ilang minuto. Inilabas ko ang small fan ko at binuksan iyon.
Medyo mainit din. Buti na lang nasa bungad kami, kaya mamayang biyahe ay medyo mahangin na. Nasa pinakadulo talaga ako nakaupo.
"Dalawang plaza po," sabi ni Jaziel at inabot ang bayad naming dalawa.
I told him not to pay everything dahil ako naman ang nag-aya, and this is my trip. Besides, alam kong may pinag-iipunan siya, kaya ayoko nang makadagdag sa gastos niya.
"Okay ka lang?" he asked softly.
Napatingin ako kay Jaziel dahil tanong niya. Marahan akong tumango at ngumiti sa kaniya. Maya-maya lang ay nagsimula nang umandar ang jeep. Nagulat ako nang humawak siya roon sa may unahan, para bang hinaharangan ako, kaya ang kaniyang braso ay nasa harapan ko.
Palihim naman akong napangiti dahil pakiramdam ko ay ang special ko na namang tao. Bilis kiligin, hmp! Kapag ako ang nasaktan talagang end of the world na.
Ilang minuto lang ang naging biyahe namin at nakarating na rin kami kaagad sa may Plaza. Bahagya akong napanganga nang makitang sobrang ganda ng lugar!
May palaruan sa gitna at napapalibutan ng mga puno. Samantalang may small establishment doon sa gilid at doon gaganapin ang booksigning. May mga libro na rin na nandoon sa gilid. Napangiti ako lalo.
Hinawakan ko sa braso si Jaziel at hinila na siya papunta roon.
"Magkano po iyong Break the Spotlight, ate?" tanong ko sa nagbabantay sa stall.
"680 na lang, madam! Best-selling namin 'yan this month, ma'am. Nasa loob na po iyong author. Pipirmahan po niya ang libro ngayon," aniya.
Kumuha ako ng pera mula sa wallet ko at nagbayad kaagad. Kaagad niyang nilagay iyon sa paperbag with freebies pa iyon. Ilang beses ko nang nabasa ang libro sa Wattpad, pero gustong-gusto ko talagang mabasa siya sa libro talaga!
Balita ko rin ay may special chapters, kaya excited na talaga ako!
Tumingin ako kay Jaziel. "Sasamahan mo ba ako sa loob or dito ka lang?" tanong ko.
"I'll go with you," aniya.
Tumango ako at inilabas ang digital cam ko. "Picturan mo kami, ha? Please? Please?"
He smiled at me. "Okay, okay," aniya at marahang kinuha ang camera sa kamay ko.
"Ito na po," sabi ng staff, kaya napatingin ako sa kaniya.
Kinuha ko na rin iyon at ngumiti sa kaniya. "Thank you po."
"P'wede na po kayong pumasok," aniya.
Buong minuto akong nakangiti habang naglalakad papunta roon. Nang bumukas ang glass door ay nakita kong medyo marami-rami rin ang nagpapapirma kaya nagtiyaga akong maghintay.
Nang malapit na ako sa pila ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Makikita ko na sa personal ang author ng librong matagal ko nang binabasa! Ang gaganda rin kasi talaga ng mga gawa niya.
Nang ako na ay halos mapatitig na lang ako kay Ms. Jy o mas kilala sa Jo.
"Hello po," sabi ko at ngumiti sa kaniya. Dahan-dahan kong inabot sa kaniya ang libro.
"Hi, you're so pretty," aniya. Halos mamula ang mga pisngi ko dahil sa kaniyang sinabi.
"Halah po. Nakakahiya," sabi ko. "Kayo rin po. Ang ganda-ganda n'yo, Ms. Jy! "
Pinirmahan niya ang libro. Nag-angat siya ng tingin sa akin. "What's your name?"
"Chim po," sabi ko.
Nagsulat siya roon, kaya mas lalo akong kinilig. May kinuha rin siyang freebies mula sa kaniya at inabot na sa akin ang libro niya. "Thank you so much, Chim," sabi niya.
"P'wede pong pa-picture?" tanong ko.
She smiled at me and nodded. Kinuhanan kami ng litrato ni Jaziel at todo ngiti talaga ako. We even have groufie, kasama si Jaziel. Nagpakuha rin kaming tatlo ng picture sa staff na nando'n.
"Thank you po!" sabi ko.
"You're welcome. Ingat kayo. Salamat ulit," aniya.
Halos magtatalon-talon na ako sa tuwa nang makalabas kami. Umupo ako saglit sa bench at tiningnan ang libro na may pirma.
'Thank you, Chim, I love you! you're pretty;)'
Napaangat ako ng tingin kay Jaziel. Nakatutok sa akin ang camera na hawak niya. "Thank you, sa pagsama," sabi ko.
"You're welcome. Picture, anak," pang-aasar niya pa.
We did some photoshoots in place. Mas marami yata ang mukha ko dahil mahiyain siya sa camera, pero kapag kaming dalawa ay okay naman sa kaniya.
Pagkatapos namin doon ay kumain muna kami sa malapit. Siya ulit ang umorder at ako ang naglinis ng table habang hinihintay siya. Kaya nang dumating ang pagkain ay napangiti na lang ako dahil gutom na rin ako.
"How's the food?" tanong niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya bago lunukin ang pagkain. "Masarap! Lalo na 'yong liempo nila. Hindi ako maka-move on," sabi ko.
"I'm glad that you enjoyed your food."
I beamed at him. "How about you? Nag-enjoy mo ba ang pagkain mo?"
"Yes..." He glanced at me. "I'm happy to eat with someone."
"Why?" He just shook his head.
After no'n ay dumiretso na kami sa may amusement park. Walking distance lang iyon mula sa pinanggalingan namin.
Nakapag-maze na rin kami nang makita namin agad sina Ayel at Karla. Nagulat pa ako dahil may kasama pa sila!
"Rides tayo!" aya ni Karla.
"Pagod na ako," sabi ko.
Kagagaling lang namin sa maze at nahilo talaga ako. "Ahh! Gusto ko mag-rides!" sabi ni Karla habang nakabusangot.
"Tara! Tara!" aya ni Ayel.
Nagsisunuran naman sina Jashper at Lander maliban kay Jaziel. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Umupo naman ako sa may gilid ng fountain nang umalis siya.
Maya-maya lang ay bumalik na siya at may dalang dalawang ice cream. Naupo siya sa tabi ko at inabot sa akin ang isa. Napangiti ako nang makitang chocolate flavor iyon.
Parehas naming pinagmasdan ang ferris wheel na umiilaw pa.
"Madalas ka ba rito?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi. Ngayon lang ako ulit nakabalik dito."
Marahan akong tumango-tango. "Maganda rito. Bakit ngayon ka lang bumalik dito?"
Tumingin ako sa kaniya. Sinalubong niya kaagad ang tingin ko. "Kasama naman kita." He licked his lower lip. "I never go out with my friends, Chim. Dahil mas gusto kong nasa bahay. Kapag may trabaho, doon lang ako nakakalabas. Mabilis maubos ang social battery ko."
I cleared my throat. "Bakit sumama ka pa rin sa akin?"
"Kasi ikaw ang nag-aya. You're so important to me. Kaya kahit saan 'yan, sasamahan kita. I don't want to go home anymore. I want to spend my time... basta kasama ka."
Napakurap ako lalo. Is he confessing to me right now?
"G-gusto mo ba ako?" hindi ko mapigilang tanong.
Marahan siyang tumango. "Yes, I do. I have liked you since first day. Lagi kong naririnig ang pangalan mo, kaya hinanap kita. Hindi ko namamalayan na nahuhulog na ako sa 'yo. They told me na napapansin mo lang ang mga mas matalino sa 'yo, kaya I did my best in the remaining quarters. Hindi naman ako nabigo dahil napansin mo ako. I'm celebrating after you talked to me after 1st sem kahit na ang sungit-sungit mo. Sabi ko, at least may chance na magpapansin."
Walang lumabas na salita sa bibig ko habang pinoproseso ang mga sinasabi niya sa akin. A lot of guys confessed to me, but it's different with Jaziel. I feel that he's really genuine in what he feels towards me.
"Hindi ako papansing tao pero pagdating sa 'yo, gagawin ko. Hindi ako gala, pero kung ikaw naman ang kasama, bakit hindi? Mabilis akong maubusan ng energy, pero makita ko lang na ngumingiti ka, okay na ako. I'd rather to see your smile than staring at our ceiling." He's staring at me.
"Hindi mo lang alam, Chim pero araw-araw mo akong binabaliw," dagdag niya.
"I don't know what to say."
Napaiwas ako ng tingin. I could feel my heart beat so fast. Even my cheeks are heating, and I feel it has turned now into crimson red.
"You don't have to say anything. I'm just sharing my feelings here, Chim," he said, looking at me. "I will court you and do my best to win you."
"B–bakit ako?" I asked nervously. "B-bakit mo ako gusto?"
He shrugged. "I like you... because you're you."
______________________________________________
__________________________
BINABASA MO ANG
Against All Odds | ✓
Teen FictionChim, the daughter of a famous producer and a baker, strives to honor her parents' legacy. Jaziel, raised by a single mother, excels in his studies to support her. Despite their contrasting personalities-Chim's bubbly nature and Jaziel's reserved de...
