Chapter 23.
Hindi niya ako sinagot at tumingin sa lalaki. "Mga 3 days lang po," aniya.
Tumango ang lalaki. "Oh, sige. Ito na ang sweldo mo. May overtime payment din 'yan," aniya. "Sige na, sige na, uwi na."
Ngumiti si Jaziel bago kuhain ang brown small envelope mula sa lalaki. "Thank you po."
Hinawakan ni Jaziel ang kamay ko bago magpaalam sa mga kaibigan niya. Nang makalabas na kami sa market ay bumili siya ng tig-sasampung piso na buko juice.
"Saan ka pupunta? Aalis ka?" tanong niya.
"Pupuntahan sana kita," he softly said.
"Huh?"
Tumingin siya sa akin. "Nami-miss na kita. Gusto kitang puntahan."
Ilang beses akong kumurap dahil sa sinabi niya. Nang iabot niya sa akin ang buko juice ay ngumiti siya lalo.
"Last week ko pa plano iyon. Nagpaalam na rin ako kay mama, pumayag naman siya pero hindi niya sasagutin ang gastusin ko dahil wala siyang extra kaya nag-overtime ako." He tapped my head. "Biyahe na sana ako mamaya. Pero nandito ka na," mahina niyang sabi.
Napanguso ako. "Pero uuwi na kaagad kami bukas. Eh, iyong plano mo 3 days pa."
"Edi sasama ako sa 'yo. May nakausap na rin akong staycation apartment na matutuluyan ko roon. 2k, 3 days na ako roon kaya ayos na. May extra naman ako rito pang-date natin."
Niyakap ko siya at naramdaman ko na lang ang mga luha ko sa aking pisngi. "I love you so much, Jaziel. I love you."
He kissed my head. "I love you more, baby."
"Kainis ka. Pinapaiyak mo ako."
Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad papunta sa bahay nila. Magliligpit na raw siya para makapaghanda na siya sa dadalhin niya bukas.
"Sumabay ka na sa amin bukas. Para makauwi tayo sa bahay tapos sa bahay ka na mag-stay. May extra room kami roon saka for sure ay papayag sina mama na doon ka rin mag-stay kasi mas safe ka ro'n."
Natigil ako nang hawakan niya ang kamay ko dahil tinutulungan ko siyang tupiin ang mga damit niya. I felt his lips on mine. Saglit lang iyon, pero parang may kumiliti sa sistema ko.
"That's too much, Xachi."
Napanguso ako. "Ayaw ko lang naman mag-alala sa 'yo kapag wala ka sa bahay lalo na't hindi ka pamilyar sa lugar namin. Magtatampo ako sa 'yo kapag hindi ka sa bahay," kunwaring nagtatampo kong sabi.
He chuckled. "Fine. Fine. Ikaw na po ang masusunod."
Kinabukasan ay maaga ang naging biyahe namin. Hindi naman tumanggi si tito pogi dahil kilala naman niya si Jaziel. Sa buong biyahe ay kaming dalawa ni Jaziel sa likuran. Samantalang may kasamang babae si titopogi na nasa passenger's seat.
Kanina pa tahimik si Jaziel, kaya hindi ko maintindihan kung bakit. Nag-away kaya sila ng mama niya?
Kinalabit ko siya. "Okay, ka lang? Kanina ka pa tahimik."
Marahan siyang tumango. "I'm fine. Hindi lang siguro sanay ang katawan ko sa biyahe," aniya.
"Ayy, oo nga pala. Gusto mo bang matulog? May neck pillow ako rito," sabi ko at kinuha iyon sa gilid ko. Isinuot ko sa kaniya iyon.
"Thank you."
I beamed at him. "You're welcome."
Nang makarating kami sa bahay ay hindi na bumaba sina titopogi dahil may meeting pa raw sila. Sinalubong kaagad kami ni ate Jela, kasama rin namin dito sa bahay lalo na kapag busy sina mama at kailangan nang mag-aasikaso sa amin.
"Pasok na kayo, Chim," aniya.
"Nandiyan po sina mama?" tanong ko.
"Oo. Nasa sala," aniya.
Tumingin ako kay Jaziel at hinawakan ang kamay ko habang papasok kami sa bahay namin. Hawak-hawak niya rin ang bag niya sa kabila.
"Mama, nandito na po kami," salubong ko. Bumitaw ako saglit kay Jaziel at niyakap ang mga magulang ko.
Ngumiti naman si Jaziel at nagmano kaagad sa mga magulang ko. "Good afternoon po," bati niya.
"Good afternoon." Tumingin si mama kat ate Jela. "Pakihanda na lang kakainin nila, Jela. Salamat." Tumingin sa akin si mama. "Sige na, anak. Kain muna kayo roon. Pasensya na at busy kami ng papa mo," aniya. "Enjoy your stay here, Jaziel. Feel at home, okay?" baling niya kay Jaziel.
Marahan na lang akong tumango. Busy sila dahil may bagong branch na itatayo. Hindi ko lang alam kung saan. Si papa naman ay may inaasikaso rin.
"Jaziel, mag-enjoy ka," sabi naman ni papa. "Chim, ilibot mo siya bukas para makapag-date kayo. Bibigyan kita ng pera."
"Thank you, pa. I love you."
"Love you, baby."
Inaya ko na si Jaziel sa may dining area at sakto namang nakahanda na roon ang spaghetti. May cake rin at Shanghai. Iyon daw kasi ang pinaluto ni mama kanina.
Wala si Zeus ngayon dahil nagpaiwan siya kina tito Xian. Naboboring daw kasi siya rito. Doon kasi kina tito Xian ay linggo-linggo silang may lakad. Eh, si kuya Adamian naman ay wala palagi sa bahay nila, kaya si Zeus ang sinasama nina tito.
Hindi ko rin naman maeenjoy roon dahil kay Jaziel. Priorities first...
After we ate, we decided to have a nap. Pinahanda ko ang kwarto ni Jaziel. Doble yata ang pagkatahimik niya ngayon, and I don't know his reasons. I don't want to ask him questions, baka mairita siya sa akin.
When the dinner came, ay gano'n din siya, kaya hindi ko alam kung may problema ba talaga siya. Kaya ako ito kanina pa ako pagulong-gulong sa kama ko dahil hindi ko alam ang gagawin. I want to talk with him, but it's like he doesn't want to talk.
My phone vibrated, kaya tiningnan ko iyon. Mabilis akong dumapa sa kama nang makita ang pangalan niya.
Jaziel Flores
• active now
I need your hug.
Chim G. Alonzo
saan ka?
Jaziel Flores
sa may pool niyo banda
Sana all may pool!
Napangiti ako. Dali-dali akong tumayo at bumaba kaagad. Dumiretso ako sa likod ng bahay namin dahil doon ang pool area. Nakita ko kaagad si Jaziel na nakaupo sa may mini sala namin doon.
May couhes at small table roon. Nag-angat siya ng tingin sa akin at namumungay ang kaniyang mga mata. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya kaagad nang makaupo ako.
"May problema ka ba?" tanong ko.
"Nakita ko na siya." Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya. "Ang tatay ko."
Napaawang ang labi ko. Paano niya nakilala ang papa niya?
"Paano mo nakilala ang papa mo? "
"Guts. Maraming instances na nagpapatunay na siya ang ama ko. May nakita rin ako kahapon na picture niya sa may album dati ni mama. Maliit lang iyon, pero namumukhaan ko siya. Kilalang-kilala ko ang mukha niya, Chim."
Napakurap ako. "Anong buhay na ang meron siya ngayon?"
"He's happy... He's happy without us. He's happy. Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit may sinasamahan pa rin siyang babae kahit na kasal na siya? Gag* ba talaga siya?" He held my hand. "I don't want to look at him as my father. Sana hindi ko na lang siya nakilala."
"Kilala ko rin kaya?" I asked.
______________________________________________
__________________________
BINABASA MO ANG
Against All Odds | ✓
Teen FictionChim, the daughter of a famous producer and a baker, strives to honor her parents' legacy. Jaziel, raised by a single mother, excels in his studies to support her. Despite their contrasting personalities-Chim's bubbly nature and Jaziel's reserved de...
