Chapter 16

6.8K 169 4
                                        

Chapter 16.

 
 
Kanina pa ako nagpagulong-gulong dito sa kama dahil sa pag-amin ni Jaziel kanina. Hindi ko pa rin alam kung paano ako nakauwi habang iniisip iyon.
 
Gawd, this man really is!
 
My phone vibrated, kaya binuksan ko iyon. Nakabukas pa pala ang wi-fi ko. I opened it and saw his messages.
 
Jaziel Flores
• online now
 
Good night, Xachi.
Sorry if I made you uncomfortable earlier.
 

Chim G. Alonzo
Sino muna si Xachi?
Saka hindi, I don't feel uncomfortable don't worry^^
 

Mabilis siyang nag-seen sa messages ko at nagtipa ng reply niya.
 
Jaziel Flores
XAnaya CHIme
Ang dami na kasing tumatawag sayo ng Chim
Gusto ko naman maiba hehe
Gusto mo ba nung Naya?

Chim G. Alonzo
No. Baka maimagine ko lang na tinatawag ni papa si mama ganiyan kasi call sign niya.
 

Jaziel Flores
okay. sleep ka na. see you on Monday.

Chim G. Alonzo
Uuwi pala sila mama bukas
 


Hindi sila nakauwi kanina dahil may tinapos pang trabaho si papa, kaya bukas sila babalik tapos kinagabihan ay babalik din sila agad dahil may pasok si Zeus kinabukasan.
 
Agh! I miss them so much!
 
Jaziel Flores
alright. goodnight
(❤️)
 
Pinatay ko na rin ang wi-fi at napagdesisyunan ko na ring matulog. Napahikab pa ako lalo nang maramdaman kong hinahatak na talaga ako ng antok.
 
Nagising na lang ako dahil sa haplos sa aking buhok. Nang magmulat ako ay nakita ko kaagad si papa na hinahaplos ang buhok ko habang nakatingin sa akin.
 
"Good morning, baby," bungad niyang bati.
 
Mabilis akong tumayo at niyakap siya. "I miss you, papa! Ang aga n'yo pong dumating," sabi ko.
 
Kumalas ako at hinarap siya. "Hindi kasi kami nakapunta kahapon kaya maaga kaming bumiyahe. Wake up na. Nasa labas na si Zeus."
 
My forehead knotted. "Wala po si mama?" tanong niya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa pinapakita niyang tingin sa akin. "Nasaan po si mama?"
 
Niyakap niya ako. "Nagtatampo sa akin ang mama mo kaya ayaw niyang sumama sa akin," aniya.
 
"Ayaw niya po ba akong makita?" nalulungkot kong tanong.
 
He shook his head. "Hindi sa gano'n, anak. Susunod din siya. Ayaw lang sumama sa akin."
 
"Bakit, pa? Ano pinag-awayan n'yo? Hindi naman po babae, hindi ba po?"
 
He grimaced. "Of course not. I love your mama so much. Why would I do that? May hindi lang kami pagkakaintindihan."
 
Ano na naman kayang pinag-awayan nila? Last time, kasi ay hindi ni papa nabilhan ng ingredients si mama, kaya ayun nagalit siya kay papa. Need na need na kasi. Ewan ko ba sa kanila, pero mamaya ay magkakaayos na rin 'yan.
 
"How are you here, Chim? Wala naman bang umaaway sa 'yo rito?" tanong niya.
 
I shook my head. "Wala po, pa. I have friends here. Remember Ayel and Karla? They are still my friends!" nakangiti kong sabi habang inaayos ang higaan ko.
 
"That's good, Anak. Nae-eenjoy mo naman ba rito? P'wede kitang i-transfer sa City at mag-homeschool na lang," aniya.
 
"Ayaw, pa. Mas masaya naman po sa school. Ayos na ayos po ako. Alagang-alaga ako nina titanang kaya wala po kayong dapat alalahanin," sagot ko sa kaniya.
 
"Eh, manliligaw or mga umaaligid, meron ba?"
 
Bigla akong natigilan sa kaniyang tanong. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol kay Jaziel or hindi muna.
 
Napakagat labi ako bago humarap kay papa. "Wala pa po, pa."
 
Tumango-tango siya. "Bakit wala pa? Maganda ka at matalino, walang nakapila?"
 
I laughed at his questions. "Meron naman po pero hanggang crush crush lang siguro."
 
Ginulo niya na ang buhok ko at sabay kaming lumabas ng kwarto. "Ate! Kain na!" tawag ni Zeus na nakikipaglaro kay Vixie na halos ka-edaran niya lang din.
 
"Hindi mo ba na-miss si ate, ha?" tanong ko.
 
"Na-miss!" aniya at niyakap siya.
 
Nag-movie marathon lang kami pagkatapos mag-almusal. Hanggang sa nag-decide si papa na siya ang magluluto para sa tanghalian namin. Sina titanang at dada Travis naman ay nasa garden yata.
 
"Chim, may bisita ka," sabi ni titanang kaya napatayo at lumabas ng bahay.
 
Nakita ko si Jaziel na may dalang basket ng prutas at dalawang tatlong maliliit na bouquet. Halos manlaki ang mga mata ko. Magpapakilala na ba siya? He's wearing a white polo shirt and black pants. Maganda rin ang pagkakaayos ng kaniyang buhok.
 
Lumapit ako sa gate at pinagbuksan siya ng pintuan. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
 
"Magpapaalam sa mga magulang mo," aniya.
 
Hindi ko alam na seryoso pala talaga siya sa akin! Akala ko ay para lang kaming mga bata na mageexplore ng mga bagay.
 
"Okay lang ba, Chim?" tanong niya.
 
"Oo naman. Ikaw humarap kay papa, ah. Wala pa si mama, eh, pero parating na siya," sabi ko.
 
He nodded and smiled. "Pasok ka," sabi ko.
 
Nang makakapasok siya ay nagmano siya kina titanang at dada Travis. Inabot niya kay titanang ang isang bouquet ng bulaklak.
 
"Para po sa inyo," aniya, at pinunasan ang pawis sa kaniyang noo.
 
Titanang is slowly getting it and smiling at the same time. "Thank you. Pasok ka na. Nandiyan ang papa ni Chim," aniya.
 
"Kabahan ka na, masungit pa naman tatay niyan," pang-aasar ni dada Travis na kaagad na siniko ni titanang.
 
Tumingin sa akin si Jaziel at mukhang kinakabahan nga siya. Sumunod pa rin siya sa akin nang magsimula na akong pumasok sa bahay. Naaamoy sa loob ng bahay ang niluluto ni papa.
 
"Papa," tawag ko kay papa.
 
Lumabas siya ng kusina. "Oh, bakit?" May dala pa siyang sandok.
 
Mabilis na lumipat ang tingin niya kay Jaziel. Inilapag ni Jaziel ang hawak niyang basket sa mini table sa sala at ang mga bulaklak. Lumapit siya kay papa at nagmano gamit ang kaniyang dalawang kamay.
 
"Good morning, sir. I'm Jaziel Flores, po." Tumingin siya sa akin saglit. "Chim's suitor po."
 
"Oh?" ang tanging nasabi lang ni papa. "Sumunod ka sa akin sa kusina. We need to talk," aniya.
 
Lumingon saglit sa akin si Jaziel bago sumunod kay papa sa kusina. "'Wag kang susunod, Chim," sabi ni papa nang mapansin na susunod ako sa kanila.
 
Naupo na lang ako sa may sala at medyo kinakabahan dahil mukhang seryoso talaga ang pag-uusapan. Knowing papa na medyo strict siya minsan pagdating sa akin.
 
But based on Jaziel's confidence, kaya niyang pantayan ang expectations ni papa.
 
"Ma," sambit ko nang makita siyang papasok ng pintuan. May dala siyang dalawang boxes ng tinapay.
 
Tumayo ako at niyakap siya. "Nag-away raw po kayo ni papa?" tanong ko. "I miss you po," dagdag ko.
 
"Oo. Iyang kasing papa mo nakaka-bwesit, eh. Pinabili ko ng harina, ang binili iodized salt. Isang sako pa."
 
Bahagya naman akong natawa. Sabi na, eh mababaw na naman pinag-aawayan nila. Ipinakita sa akin ni mama ang hawak niyang boxes. Siya ang nag-bake niyan dahil sa branding ng carton.
 
"Dinalhan kita. Alam kong na-miss mo ang mga tinapay ni mama," aniya at humalik sa pisngi ko at noo. "Nasaan ang papa mo?" tanong niya.
 
Bigla na naman akong kinabahan. Napatingin si mama sa mini table. "Oh, flowers? From whom?"
 
"Jaziel," I simply answered. "My suitor, ma."
 
She raised her eyebrows. "You already have one?"
 
"Zach!" sigaw ni mama.
 
Mabilis na lumabas si papa sa kusina. "Yes, Naya," malambing na sagot nito.
 
"Anong, yes, yes ka diyan? Alam mo bang may manlili—" Sumulpot si Jaziel sa likuran ni papa. "Oh, he's the guy, anak?" tanong ni mama sa akin, kaya marahan akong tumango.
 
Kaagad na lumapit si Jaziel kay mama at nagmano rito. "Good morning po. I'm Jaziel po. Chim's suitor po." Kinuha niya ang bouquet na nasa mini table. "For you po."
 
"Thank you," sabi ni mama nang kuhain ang bulaklak. "Kakausapin kita mamaya, ha? Sige na, Cheus. Kausapin mo na ang batang ito."
 
Bumalik si Jaziel kay papa at pumasok na sila sa kusina. I don't know what conversation they have, but sana ay okay lang talaga siya.
 
"Hindi naman po galit si papa, hindi ba, ma?" tanong ko kay mama.
 
She turned my gaze at me. "Hindi, ah. Expected na namin ito lalo na nang ikwento sa amin ng titanang mo na may naghatid sa 'yo pauwi. Hinihintay lang namin na magsabi ang isa sa inyo." She tapped my shoulder. "Malaki ka na, anak at hindi na namin hawak ang puso mo."
 
 
 
 
 

______________________________________________
__________________________

Against All Odds | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon